Kabanata 23: Isang bangkay

188 0 0
                                    

Simoun: Ano ang lagay ng may sakit?

Basilio: Halos hindi na tumitibok ang pulso, maaaring bukas o makalawa ay mamamatay siya na parang tinamaan ng lintik.

Simoun: Basilio, pakinggan mo ako sapagkat mahalaga ang bawat sandali. Sa loob ng iisang oras ay sisiklab na ang himagsikan sa pamamagitan ng hudyat ko.

Basilio: G-ginoong Simoun..

Simoun: Magpasya ka Basilio, pinamunuan ko ang himagsikang ito sapagkat ibig kong iguho ang pintuan ng Santa Clara at ikaw kukuha kay Maria Clara

Basilio: M-maria Clara? Ngu-ngunit huli na kayo, nahuli na kayo.

Simoun: At bakit?

Basilio: Dahil patay na siya!

(biglang tatayo si Simoun)

Simoun: Kasinungalingan!

Basilio: Totoo ang sinasabi ko Ginoo, ito ang liham ni Padre Irene tungkol sa nangyari kay Maria Clara (iaabot ang liham)

Simoun: Namatay. Namatay nang hindi ko man lamang nakita. Namatay nang hindi nalalamang nabuhay ako para sa kaniya. (biglang aalis

Basilio: Kaawa-awang lalaki!

El Filibusterismo (Short Script)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon