Kapitan Basilio: Kamusta na si Kapitan Tiyago?
Basilio: Tulad ng dati, ayaw paring magpagamot ni Kapitan Tiyago.
Kapitan Basilio: Noong mga bata pa kami nila Kapitan Tiago, wala pa ang drogang apyan.
Isagani: Mawalang galang na po, ngunit ang opyo ay isang uri po ng halaman. Ito ay hindi isang gamot na katutuklas pa lamang, hindi ba, Basilio?
Basilio: Sang-ayon ako sa sinabi mo kaibigan. (palihim na napangiti sa sinabi ng kasama)
Kapitan Basilio: Maiba ako, kamusta na nga pala ang itinatatag ninyong Akademya ng Wikang Kastila?
Basilio: Handa na po ang lahat. May mga guro na po at handa na ring pumasok ang mga mag-aaral.
Kapitan Basilio: Mabuti kung ganoon. Sana’y magtagumpay kayo sa inyong plano . Paano, kailangan ko ng pumunta sa itaas. Mauna na ako sa inyo.
(Pag-alis ni Kapitan Basilio ay siya naming pagdatinng ng mag-aalahas na sa Simoun.)
Simoun: Magandang araw sa inyo. Basilio, ikaw ba ay pauwi na at magbabakasyon?
Basilio: Ganoon na nga po Ginoong Simoun.
Simoun: at sino naman ang iyong kasama? Kababayan mo ba?Basilio: Hindi po Ginoo, bakit po hindi pa po ba kayo nakakarating sa bayan nila?
Simoun: Sadyang hindi ako nagtutungo sa mga lalawigan dahil ang mga tao doo’y hindi naman bumibili ng mga alahas dahil siguro sa kahirapan.
Isagani: Sadyang hindi lamang kami bumibili nang mga gamit na hindi naman naming kailangan.
Basilio: Ipagpaumanhin ninyo Ginoong Simoun, kami’y mauuna na sa inyo. Ang tiyo ng aking kasama ay naghihintay na sa amin doon sa may dakong hulihan.

BINABASA MO ANG
El Filibusterismo (Short Script)
Ficción históricaMas pinaikling iskrip ng El Filibusterismo. Legit.