Kabanata 7: Si Simoun

78 2 0
                                    

Narrator: Sa tuwing uuwi sa Basilio sa San Diego , lagi niyang binibisita ang libingan ng kanyang ina. Ngunit isang gabi, isang di inaasahang sikreto anng nalaman ni Basilio.

Basilio: Si Ginoong Simoun! Ngunit anong ginagawa niya dito sa libingan ng aking ina? May maitutulong po ba ako sa inyo, Ginoong Simoun?

(Gulat na nilingon ni Simoun ang tinig.)

Simoun: Anong ginagawa mo sa gubat na ito?          

Basilio: Kung inyo pong magugunita, sa mismong pook ding ito tayo nagtagpo may labing tatlong taon na ang nakakaraan. Kayo po'y nakiramay, at kung hindi ako nagkakamali, kayo si Crisostomo Ibarra. Si Ginoong Ibarra, na sa pagkakaalam ng lahat ay patay na!

(Kinasa ang rebolber at itinutok kay Basilio.)

Simoun: Isang nakamamatay na lihim ang iyong nalaman. Hindi mo ba naisip na dahil dito ay maaari kang masawi sa aking kamay?

Basilio: Iba ang pagkakakilala ko sa inyo Ginoong Simoun.

Simoun: Ang pagkakatuklas mo sa aking lihim ay maaaring pagkakabunyag nito ang sisira sa plano kong paghihiganti! Kung mawawala ka sa aking landas ay mananatili itong isang lihim. Madaling palabasin na napatay ka ng mga tulisan.

Basilio: Kung gayon ay nagkamali pala ako ng pagkakakilala sa inyo.

Simoun: Totoong ako’y naparito may labing tatlong taon na ang nakakaraan, at ngayo’y nagbalik ako upang ipagaptuloy ang sinimulan ng aking kaibigan na ipaglaban ang karapatan ng mga Pilipino.
Hahayaan kitang mabuhay, sumama ka sa akin, sabay nating isakatuparan ang aking mga plano!

Basilio: Salamat sa pagtitiwala Ginoong Simoun, ngunit ako man ay may mga pangarap din. Gusto kong makapagtapos.

Simoun: At ano ang iyong mapapala kung ikaw ay makakapagtapos? Makikita mo bang malaya ang mga tao? At ano, iyo na lamang bang hahayaan ang iyong ina at kapatid na mabulok sa ilalim ng lupa na tinatapakan ng mga taong siya mismong pumatay sa kanila?

Basilio: Ano ang nais ninyong gawin ko Ginoong Simoun? Kaya ko bang silang ipaglaban gayong ako mismo ay wala!

Simuon: Lumalalim na ang gabi. Bumalik ka na sa inyo. Kung sakaling magbago ang iyong isip, hanapin mo lamang ang aking bahay sa may Escolta.

(Pagkatapos nito ay umalis ng payapa si Basilio. Nanatili si Simoun a kanyang kinatatayuan.)

Simoun: Tama kaya ang aking ginawa? Bahala na! mamatay anng mahihina at matira ang mga malalakas!

El Filibusterismo (Short Script)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon