Kawani: Patawarin po ninyo ako sa aking sasabihin kamahalan, ang binatang Basilio ayon sa sabi ay nag-aaral ng medisina at ang lahat ng kaniyang guro ay pumupuri sa kaniya. Kung hindi siya papalayain, masasayang ang lahat.
Heneral: Sa tingin ko'y makakabuti kung patuloy siyang mapiit.
Kawani: Ngunit ang tingin ko'y walang kinalaman si Basilio.
Heneral: Ang ginagawa ko'y nagpapanatili ang nanganganib sa batas ng kapangyarihan.
Kawani: Ngunit paano ang bayan?
Heneral: Anong meron sa akin ang bayan? Siya ba ang humirang sa akin?
Kawani: Hindi nga kayo hinirang ng bayang Pilipino, kaya dapat ninyong pagpakitaan ng mabuti ang mga Pilipino. Pinangakuan sila ng liwanag ngunit binubulag natin sapagkat natatakot tayong makita nila ang ating kalaswaan. Kung sila ay maghihimagsik balang araw, papanig sa kanila ang mararangal na tao.
BINABASA MO ANG
El Filibusterismo (Short Script)
Historical FictionMas pinaikling iskrip ng El Filibusterismo. Legit.