Kabanata 18: Ang Pandaraya

79 0 0
                                    

Mr. Leeds: Pumasok kayo sa aking tanghalan. Makikita niyo rito ang ulong nagsasalita ng pawing katotohanan.

Ben Zayb: Nasaan kaya ang mga salamin?

(umupo na ang lahat at nagsimula na ang palabas)

(dumating si Mr. Leeds na may dalang kahon)

Mr. Leeds: Ito ay galing Ehipto. Natagpuan ko ito sa piramide ni Khufu. Ito ay may lamang abo at isang kapirasong papel. Sa pagbigkas ng mga salitang nasa papel ay mabubuhay ang esfinghe.

(nabuhay ang esfinghe)

Imuthis: Ipinanganak ako sa panahon ni Amasis. Galing ako sa paglalakbay sa Gresya, Assyria, at Persia. Sa pagdaan ko sa Babylonia ay nakatuklas ako ng isang lihim. Sa takot nila na ibunyag ko ang kanilang lihim ay kinasangkapan nila ang banal na batang saserdote.

Mr. Leeds: Paano ka ipinahamak ng batang saserdote?

Imuthis: Umibig ako sa anak ng isang saserdote. Gaganti ako! Humanda siya!

Padre Salvi: Mahabag ka! (nahimatay)

(naging abo ulit si Imuthis. Nagkaglo ang lahat ng tao)

Don Custodio: Dapat ipagbawal ang tanghalang ito.

El Filibusterismo (Short Script)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon