Kabanata 25: Tawanan at Iyakan

519 0 0
                                    

(nagtitipon ang mga binata)

Sandoval: Luwalhati nawa kay Custodio dahil sa kaniyang katalinuhan at pansit sa lupa para sa mga binatang may mabubuting kalooban!

Lalaki 1: Narito si Isagani.

Tadeo: Si Basilio na sana ang inanyayahan natin sa halip na si Juanito.

Macaraig: (sumigaw) Mga ginoo! Ihandog natin kay Don Custodio ang mga buto ng manok sa pansit-lanlang; ang lumpiyang Intsik sa lama'y baboy ay patungkol kay Padre Irene. Ang tortang alimango'y ipatungkol sa prayle at ang ika-apat na ulam na pansit gisado ay patungkol sa pamahalaan at bayan.

Lahat: Ipatungkol!

Isagani: Tutol ako.

Macaraig: Magtalumpati ka Tadeo!

Pecson: Kung walang prayle at walang Indiyo sa Pilipinas, ano ang mangyayari sa pamahalaang napapasakamay ng mga Intsik?

Isagani: Kakain ng tortang alimango

Mag-aaral: (sisilip sa bintana) Minamanmanan tayo!

Macaraig: Ah! Ang alipin ng bise-sektor ay pinaglilingkuran ng panginoon ng heneral.

El Filibusterismo (Short Script)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon