chapter twenty eight

1.1K 55 25
                                    

Author's Note

Sorry for the late update, if you guys are reading chasing sunshine, you will know that I am a chef and my boyfriend and I open a real life MiCasdi in Paris haha, I was so busy to update and I lost my phone but bought a new one.  I forgot my wattpad password and my sister forgot the email password that can help us retrieve it.  Anyway andito nako dami kong paliwanag sa presinto nalang haha... but no worries I will try updating everyday.  Done my plot na for this story.  Back to regular programming haha.

**********************

Dear Sebastian

I saw rainbow, can we do a reset?

Love

ALEX

**********
Life's curve ball

"Pssssst" sitsit ko kay Basti

Tahimik siyang nag babasa ng document kaya di niya ako na rinig.

"Pssss huy Basti" dagdag ko

He look at his back and return his gaze on me sabay mouth na "Me?"

Tumango ako sabay paypay "lika" bulong ko.

He looked bewildered but he smile and walks towards me.

"Para kang kinder pumapaswit ka pa jan" natatawang saad niya pag lapit.

"Shhhh wag kang maingay" saway ko as he chuckle

"Oh ano?" Ganting bulong niya rin

"Bili mo ko ng pills" utos ko

"Huh anong pill?" Maang na tanong nya.

"Yung morning after na pill" mas hininaan ko boses ko.

"Ah yun ba wait tawagan ko si Rina" sabay dial ng intercomm.

I have no idea na kaya kong kumilos ng ganun ka bilis but I run into Basti and cover his mouth sabay pagpindot ng hang up button sa intercomm.

"Alex?!!!" Natatawang angal niya

"Bakit mo iuutos ang pag bili mo ng pills??!" Habol ko ang kaba sa aking dibdib.

"At bakit naman hindi?" Naguguluhan niyang tanong.

"Eh di na chismis tayo niyan buong company malalaman na.." I trail

"Malalaman na ano?" Nakataas ang isang kilay habang pinipingilan niyang ngiting tanong.

"Na ano..." leche talaga tong si Basti papa elaborate pa eh "ah basta di mo yan puwede iutos" pinal ko sagot.

He roll his eyes sabay buntong hininga "sige titingnan ko kung pwede mag padeliver online"

Gusto kong suntukin ang sarili ko dahil naalala kong pwede nga palang mag padeliver sana di ko na siya inabala nakakahiya.

Walang thirty minutes eh dumating na ang pinabili ko, binasa kong maigi ang instruction bago ko inumin mahirap na.

"Lex.." biglang tawag niya sa akin sa banyo

Napahawak ako sa dibdib ko muntik ko ng mabitawan ang kahon ng gamot sa toilet bowl.

"Ano" banas kong sagot "nangugulat ka naman eh bakit ba?"

"Sabay tayo uwi dinner tayo nila Ken sa labas" natatawa niyang saad.

Wow, unti unting sumilay ang ngiti sa labi ko, so this is how it feels like yung may katuwang ka sa pag papalaki sa anak mo. Marahan kong binuksan ang pintuan ng private bathroom niya sa loob ng office.

Dear SebastianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon