CHAPTER 8

3 0 0
                                        

Maya-maya ay hindi ko naman namalayan na paunti-unti na naman akong pumipikit at nakakatulog. Nang marealize ko ito at pilit kong ginising ang sarili ko, sinubukan kong sampalin ng bahagya ang mukha para magising. Maya-maya ay lumapit ang konduktor dahil nagche-check ito ng pasahero. 

Paglapit niya at nang makita niya akong sinasampal ang mukha ko, sabi niya, "Oy, okay ka lang?" Dahan-dahan akong napalingon sa kanya habang pilit na nakabukas ng bahagya ang mga mata. Nang makita niyang antok ang mga mata ko, ang sabi niya sa akin, "Matulog ka muna, malayo pa naman biyahe niyo eh." 

Sabi ko, "Pero hindi ba kami malalagpasan o baka maligaw kam-" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang magsalita siya, "Hindi kayo maliligaw o malalagpasan dahil iyon ang huling baba. Dahil iyon lang ang destinasyon ng bus, may mga stopover pero doon lang at doon lang din ang destinasyon." Hindi ako nakakibo sa sinabi niya. 

Pagkatapos noon ay naglakad na nga siya papalayo. Pag-alis niya ay napasandal na lang ako. Pagsandal ko ay napaisip ako dahil sa sinabi sa akin ni kuya kanina. 

Sabi ko, "Sabagay, kung iyon lang ang destinasyon ng bus ay pwede naman akong makatulog kahit sandali lang." Pagkasabi ko noon ay dahan-dahan ko na ngang isinara ang mga mata ko. Makalipas ang ilang oras ay nagising naman ako nang marinig kong may sumisigaw, "Oh, gising na ho sa mga gustong magbanyo o bumili o kumain man lang saglit dahil may stopover po tayo." 

Pagkagising ko ay napaayos na nga ako ng upo at napalingon naman kay Sophie. Pagtingin ko sa kanya ay mukhang nagigising na rin siya dahil sa sigaw ng konduktor. Pagkusot ko ng mga mata ko ay tuluyan ko nang binuksan ang mga mata ko. 

Nang tuluyan ko nang buksan ang mga mata ko ay napaayos din ng upo si Sophie at kinusot ang mga mata niya. Nang makadilat siya ay dahan-dahan naman siyang napalingon sa akin. Paglingon at pagtingin niya sa akin ay ang tanong ko sa kanya, "Okay ka lang?" 

Pagtanong ko noon sa kanya ay tumango naman siya. Pagtango niya ay nagsulat siya at binasa ko iyon: "Nasan tayo?" 

Sabi ko, "Ah, hindi ko alam eh, pero sabi ng konduktor stopover daw 'to." Pagkasabi niya noon ay napatango na lang siya. Sabi ko sa kanya, "Gusto mo mag-CR man lang saglit?" 

Dahan-dahan naman siyang napatango nang tanungin ko siya. Pagkatapos noon ay napatayo naman kaming dalawa at agad na naglakad papalabas ng bus. Paglabas namin ng bus ay narinig namin ang konduktor, "Pakibilis po ah, magbibigay lamang po ng mga at least 35 minutes para makapunta ng CR at makabili kayo ng pagkain. Kaya kailangan makabalik kayo din agad dahil baka maiwan kayo ng bus." 

Pagkarinig ko nun ay habang naglalakad kami, sabi ko sa kanya, "Sabi niya 35 minutes kaya..." Napatingin ako sa orasan ko, pagkita ko doon ay nakita ko na 5:20 am na. Sabi ko, "So kailangan mga at least 5:50 am nasa bus na kami." 

Pagkatapos nun, paglapit namin sa may comfort room ay napatingin ako kay Sophie. Sabi ko sa kanya, "So CR ka na, mag-CR lang din ako saglit." Tumango naman siya sa sinabi ko. 

Pagkatapos nga nun ay pumasok na siya sa loob ng women's, at pagpasok niya ay pumasok naman ako sa men's comfort room. Pagpasok ko sa loob ay agad naman din akong gumamit ng banyo. Pagkatapos nun ay naghugas na rin ako ng kamay. 

Paghugas ko ng kamay ay naghilamos na rin ako ng mukha. Pagpunas ko ng kamay sa tissue ay nagpunas na rin ako ng mukha gamit ang face towel ko. Pagkatapos nun ay medyo inayos ko na ang buhok ko. 

Pag-ayos ko ng buhok ay lumabas na ako ng CR. Paglabas ko doon ay napansin ko na wala pa rin si Sophie sa labas kaya inantay ko siya. Matapos ng ilang saglit ay nakalabas na rin si Sophie mula sa comfort room. 

Nagsulat siya, at binasa ko naman yun: "Sorry kung medyo natagalan, medyo mahaba kasi ang pila sa loob eh." 

Pagbasa ko nun ay sabi ko, "Okay lang." Napatingin ako sa orasan ko at pagtingin ko doon ay sabi ko, "May 30 minutes pa naman tayo." Pagkatapos nun ay sabi ko, "Tara?" 

Beside You [COMPLETED]Where stories live. Discover now