03-15-17

108 9 0
                                    

Tila isang bangungot ang nangyari kahapon. Sariwang-sariwa pa din sa akin ang mga nangyari at sinabi ng kapatid ni Crain. Hindi ko tuloy alam kung paano ako lalapit kay Crain at ganun din siya sa akin. Kahapon pa ding hindi umuuwe si Crain dito sa bahay ni Mr. C. Hindi ko alam kung paano ko pakikisamahan si Crain matapos kong malaman ang rebelasyong nanggaling mismo sa kapatid niya. Hindi naman ako natatakot kay Crain ngunit naandun pa rin ang pangambang baka ako ay saktan nito, pero sa tingin ko hindi iyon mangyayari. I'm not judgemental, may kanya-kanya lang talaga tayong pakiramdam sa isang tao. I think kaya lang talaga nagawa ni Crain ang pagpatay sa kanyang ama ng dahil lang siguro sa lintik na Pag-ibig na iyon.




Flashback (03-14-17)....

Matapos ang nangyaring ingkwentro namin ng kapatid ni Crain ay agad kaming tumawag ng police. Agad din naman dumating ang mga police bago magtakip-silim. Sinabi ko sa mga police ang nangyari at sinabing kung maaaring maya-maya nalang ulit kami mag-usap para sa pagpunta sa manager ng village na iyon para i-check ang CCTV.  Agad naman akong nagpaalam sa police na kakausapin ko muna si Crain dahil sa mga nangyari. Agad ko namang kinausap si Crain kung totoo ba lahat ng nangyaring iyon na sinasabi ng kapatid niya. Wala namang pag-aalinlangang sinabi ito sa akin ni Crain at tila ba nahihiya pa dahil sa nagawa nito. Kitang-kita ko naman ang mga butil ng kanyang nga luha na unti-unting lumalabas sa kulay kape niyang mga mata.

"Sorry Zy. Hindi ko agad nasabi sa'yo ang totoo." umiiyak na sabi nito at pinagpatuloy ang kwento.

"Inaamin ko mali ako. Napatay ko si Dad. Ang sakit kase Zy na yung mismong daddy mo pa ang sisira ng relasyon niyo. Hindi ko alam na ang kalaguyo pala ng daddy ko ay ang girlfriend ko. Mahal na mahal ko si Tiffanie. Lahat ginagawa ko dahil sa kanya. Pero nagbago ang lahat noong pinakilala ko siya sa family ko. Isang linggo noon ang nakalipas naging cold na siya sa akin, kaya napagdesisyunan ko nalang na pumunta sa condo niya. I want to surprise her, dala-dala ang paborito niyang bulaklak, nakakatawa pa nga dahil chicharong bulaklak ang paborito niya at hindi bulaklak na kung ano-ano. Napakasimple lang talaga ni Tifannie kaya mahal na mahal ko iyon. Kahit na duty ko ay umalis ako sa kampo alang-alang kay Tiffanie. Bago ko pa pala makalimutang sabihin. Police ako dati." sabi niya na nagpabigla sa akin, andami ko pa palang hindi alam kay Crain. Mukha talagang hindi pa namin kilala ang isa't isa.

"Pagdating na pagdating ko sa Condo niya which is sa amin na rin, kase ako na ang nagtuloy sa pagbayad ng condo ay agad bumungad sa akin ang mga nakakarinding hagikhikan ng isang lalaki at babae. Tila ba nanlabo ang aking paningin ng bumungad sa akin ang dalawang naglalampungan at parehas na nakahubad, na si Tiffanie at ang Daddy ko. Dahil sa matinding galit ay agad kong binunot ang aking glock pistol 45 caliber gun. Walang pagdadalawang isip na itinutok ko ito sa sintido ng daddy ko at kinalabit ang trigger nito. Agad namang nagtatakbo si Tiffanie ng dahil sa takot kahit hubad ito. Wala na akong takas noon, agad akong inaresto ng kapwa ko police. Hindi na ako lumaban sa hukuman ng dahil wala na akong mukhang maihaharap sa lahat, maging sa mahal ko. Isang taon lang akong nakulong dahil na rin sa tulong ng mismong magulang ko. Naawa siguro sa demonyo nilang anak, ngunit pagkalabas na pagkalabas ko ay agad kong hinanap si Tifannie ngunit kamalas-malasan lang na umalis na ito sa Pilipinas at kahit niisang anino ay wala manlang akong nakita sa kanya." mahabang kwento niya.

"Hindi ako masamang tao Zy." malungkot na dagdag nito.

"Alam ko iyon Crain." sabi ko na lamang.

"Huwag sanang magbago ang pakikitungo mo sa akin ha." sabi niya.

Ngunit isang ngiti lang ang tinugon ko sa kanya.

End of flashback...






"Are you fine detective Zy?" tanong sa akin sa napakalamig na tono ni Mr. C na nagbigay kilabot sa akin.

"Yes Mr. C!" sagot ko sa kanya.

"Follow me!" makapangyarihang utos niya sa akin.

Wala namang pagdadalawang isip na sumunod ako sa kanya. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin. Takot at kaba ang nararamdaman ko ngayon. Habang naglalakad ay patuloy ang pagbubutil ng mga pawis sa noo ko.

"Come in." utos niya habang nakatalikod pa din sa akin.

"You are here now in my office. Wala akong gagawing masama sa'yo. Don't worry. I just want to tell you na yung app sa phone mo ang dahilan kung bakit ka nadedetect ka ng killer. Kahit nakapatay man ang phone mo ay madedetect ka parin nito. Ganun katalino ang killer. Ang tanging maipapayo ko nalang sa inyo ay mag-ingat kayo sa bawat galaw niyo at maging alerto at kung maari ay huwag mo ng dalhin ang cellphone mo tuwing aalis ka. " makapangyarihang sabi niya.  "Maaari ka ng pumunta sa higaan mo." dagdag pa ni Mr. C.

Tila natulala pa ako sa likod nito kaya hindi ko na napakinggan ang huling sinabi nito. Noong bumalik ako wisyo ay dali-dali akong lumabas sa kanyang office.







"Sorry." Napatalon ako sa gulat ng sumalubong agad sa akin ang boses na iyon.

Si Crain lang pala!

"Nakakagulat ka naman Crain!" bulyaw ko sa kanya.

"I said. I'm sorry Zy."

"For what?" tanong ko sa kanya.

"For everything. Sa lahat ng nalaman mo at dahil hindi ko sinabi sa'yo yung nangyari noong nakaraan. At dahil sa lah--------"

Hindi ko na siya pinatuloy sa mga sasabihin pa niya. Agad ko nalang siyang niyakap at sinabing...

"It's okay Crain. Hindi mo naman kasalanan iyon eh. Nagmahal ka lang Crain. Wala sa akin iyon. Alam ko namang hindi mo ako sasaktan 'di ba?" I asked him in serious tone.

"Ofcourse Zy. Hinding-hindi kita sasaktan. Liligawan kita ng buong puso at sana sagutin mo din ako ng buong puso ha." nakangiting sabi niya.

Kitang-kita ko ang paggalaw ng adams apple niya ng dahil sa paglagok nito. Tila ba kinakabahan ito sa aking isasagot.

"Ofcourse! Pero may misyon pa tayo 'di ba? And yung favor ko? Please tuparin muna natin iyon. Huwag kang mamamatay dahil sabay nating isasarado ang kasong ito." nakangiting sabi ko sa kanya.

"Your wish is my command binibini." he said in a sweet tone.

"I said just call me in my name. Be formal Crain and pl--------"

Hindi ko na natuloy ang sinasabi ko ng bigla nalang akong hinalikan ni Crain. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Ipinikit ko na lamang ang mga mata ko at sumabay sa init ng paghalik niya. Ito ang una kong halik. Ang halik na nagpadama sa akin ng puno ng pagmamahal.

BIRTHDAY KILLER APP (Killer App Series #1)Where stories live. Discover now