02-16-17 (P1)

195 16 3
                                    

Zyppere's P.O.V.

Ramdam na ramdam ko ang pagod sa aking katawan. Ang pagkamanhind ng isa kong kamao at lubusang panghihina ng katawan ko. I smell the sense of alcohol and different kinds of medicines in this room. Where am I? Kasabay ng pagdilat ng mga mata ko ay ang pagtama ng sikat ng araw sa aking mga mata dahilan ng pagkasilaw ko. Tiningnan ko agad ang oras at kung anong petsa na. It's already 7:35 in the morning at February 16 na pala. Tatayo na sana ako but someone's grabbed my hand pabalik sa pagkakahiga.

"Magpahinga ka muna." she said.

"Nasaan ang kapatid ko Nedz?" umiiyak kong tanong.

"Wala na siya Zy." sabi niya sa akin.

Kahit alam kong wala na ang kapatid ko ay hindi ko pa rin lubusang matanggap ito.

I wish all of this are only a nightmare.

"Nedz, ipaghihiganti ko ang kapatid ko. I will kill that people na nasa likod ng application na iyon."

"Hindi Zy. Hindi na natin itutuloy ang mission."

"Put*ngina Nedz! Ngayon ka pa susuko? Ngayon pang may namatay na sa aking pamilya? Are you true friend huh? F*ck! Kung ayaw mo, ako ang tatapos nito."

"Hindi naman sa ganun pero---"

Hindi ko na pinatapos magsalita si Nedz. Agad kong hinaklit ang swero na nakakabit sa akin, dahilan para magdugo ang likod ng bahagi ng kamay ko. Wala na akong pake kahit anong sabihin ng doctor. Dali-dali akong lumabas na tila ba ay walang iniindang sakit. Ramdam ko pa rin ang presensya ng aking kaibigan. Sumusunod ito sa akin, pero heto ako, walang pakialam sa kanya!

"Zy! Hindi ko naman sinasadyang masaktan ka sa sinabi ko, pero-----"

Hindi ko nalang pinakinggan ang pinagsasabi niya at tumakbo nalang palabas. Patuloy ang pagbuhos ng mga maiinit na luha sa mga mata ko. Wala na akong pake kung may masagi man ako o ano. Sa pagtawid ko ng kalsada ay ang pagharurot naman ng isang itim na sasakyan. Isang sasakyan ang muntikan na akong masagasaan. Hindi ko nakita ang kanyang pagmumukha dahil sa itim na maskara na nakatakip dito, mga nanlilisik lang na mga mata ang aking nakita. Kitang kita ko ang pagkasabik sa kanyang mga mata. Pinikit ko na lamang ang aking mga mata at dinama ang paghampas ng mainit na hibla ng hangin sa aking katawan. Mamamatay na ata ako. Binuka ko parehas ang aking mga kamay, handa na akong tanggapin ang kapalaran ko.

And suddenly, I felt a warm and tight hug to someone and we both fell down in the wayside.

I immediately turned to the person na tumulong sa akin. Laking gulat ko nalang na si Nedz pala ang tumulong sa akin.

"Are you okay? Gago kase yung sasakyan na yun! At anong balak mo sa buhay mo Zy? Tatapusin mo na lang ang buhay mo ng ganun-ganun lang? Nahihibang ka na ba? How are you?!"

"I'm okay! Sorry and thank you Nedz!"

Tanging tango at ngiti lang ang isinagot niya. Sabay naman kaming napalingon sa humaharurot na sasakyan na muntik ng makabunggo sa akin. Sabay kaming napalingon sa isa't isa ng makita ang plaka nitong walang numero at tanging tatlong letra lang ang nakalagay XXX.

Hindi ko malaman ang gagawin ko sa nakita. Totoo ba iyon? Siya na ba yung put*ngina na killer na pumatay sa kapatid ko?

Agad akong tumayo at nang-agaw ng motor sa hindi ko kakilalang tao. Wala na akong pakialam pa sa mga ginagawa ko. Noong makuha ko ang motor ay agad ko itong pinaandar. Buti nalang at tinulungan din ako ni Nedz, sinanggahan niya yung lalaki na may ari ng motor  na papalapit na sa akin at nagpupumilit na agawin ang motor niya. Kinausap niya ito at sinabi ang sitwasyon namin. Sinabi rin niya na isa kaming mga detective. Wala ng nagawa ang lalaki kundi umiling-iling habang masama pa rin ang tingin sa akin. Pinaharurot ko agad ang motor na sinasakyan ko ngayon upang sundan ang kotseng pinaghihinalaan naming killer dahil sa sign na nakalagay sa plaka nito. Sa bilis kong magpatakbo ay muntikan ko pang mabunggo ang isang aleng nagtitinda ng isda. Kaya napatigil ako, at agad na nakalayo-layo sa akin ang kotse na hinahabol ko. Agad nagsulputan ang iba't ibang klase ng itim na kotse sa daan. Nalilito ako kung sino ang susundan ko. Mukhang pakana niya rin ito upang pahirapan ako. Napakaraming itim na kotse ang nakikita ko ngayon at hindi na malaman kung nasaan ang hayop na sinusundan ko, laking pasasalamat ko ng makita ko ang isang plakang hindi mawaglit sa isip ko, ang plaka na ang tanging nakalagay lang ay XXX, at walang kahit anong numero nakalagay dito. Nakita ko itong papaliko sa isang masukal na daan na agad ko namang sinundan. Kamalas-malasan nga lang na nawalan ako ng gasolina. Bakit ba napakamalas ko sa mga ganitong pangyayari!? Wala na akong nagawa kundi panoorin nalang ang paglayo ng itim na kotse.

Laking gulat ko ng papalayo na ito ay tila ba ay may binigay itong pattern upang sundin ko. Ang bawat pagpatak ng dugo ay kitang-kita ko na lumalaglag mula sa kotse nito. Agad namang nawala sa paningin ko ang kotse at lumiko na ito sa hindi ko malamang direksyon. Agad kong sinundan ang mga bakas ng dugo na nanggaling sa kotseng sinusundan ko lang kanina. Lakad at takbo ang ginawa ko upang masundan ang mga bakas ng dugo. Nasa masukal at masikip na akong daan ng makakita ako ng dalawang sako. Sako na tila ba ay may lamang manekin dahil sa hugis nito. Napatakip lang ako ng bibig ng mapagtanto kong tao ito. Rinig na rinig ko rin sa tainga ko ang isang kanta na pamilyar na sa akin. A creepy birthday song. Hindi ko matingnan kung anong laman ng sakong iyon o kung sino man ang laman ng mga sakong iyon. Nakita ko rin ang isang notes na may bahid pinagsamang dugo at icing ng cake. Agad kong binasa ang notes.

"I see your every move and because of your intrusion in my game I have a small surprise for you. Thank you very much for your intrusion. Please open my gift for you. Advance happy birthday my dear. It's my pleasure to kill you soon!"

-XXX

I immediately open the sacks. Takot at pangamba ang dinulot sa akin nito. Habang binubuksan ko ang sako ay patuloy ang panginginig ng mga kamay ko. Napapamura at iyak na din ako habang binubuksan ko ang sako. Isang malakas na buntong hininga ang pinakawalan ko ng tuluyan ng buksan ang sako.

Ramdam na ramdam ko ang panginginig ng mga kalamnan ko at maiinit na pagbagsak ng luha sa mga mata ko ng malaman ko ang laman ng mga sako. Ito na yata ang pinakamasamang regalo na matatanggap ko ngayong darating kong kaarawan.


BIRTHDAY KILLER APP (Killer App Series #1)Where stories live. Discover now