03-19-17

116 9 2
                                    

March 19, 2017

This is the last day. Ito na ang huling araw na dapat malaman ko na kung sino ang killer sa likod ng application na Happy Killing App. Ngunit papaano? Nikatiting na pagkatao nito ay wala akong kaalam-alam. Nababaliw na ako kakaisip kahapon pa kung paano ko malalaman at mahuhuli ang hayop na killer na iyon sa likod ng Happy Killing App. Sumasakit na ang ulo kakaisip at mababaliw na ako lalo na at birthday ko na bukas. Hindi ko maiwasang mag-isip ng negatibo na baka ito nalang talaga ang nakatakdang tadhana sa akin. Ang maparusahan ng ganito at mamatay na lang. Kahit anong pagpapakalma sa akin ni Crain ay hindi ko pa ring maiwasang mag-panic sa mga mangyayari. Maya't maya din kase ang send sa akin ng hayop na application na iyon. Mga nakakadiring litrato at pagpapaalala nito na malapit ng matapos ang oras ko upang tuparin ang mission sa app na iyon na kailanman ay hindi ko gagawen. Hindi kayang patayin si Mr. C. Hinding-hindi!

"Hey huwag ka ng mag-isip ng kung anu-ano pa!" pagpapakalma sa akin ni Crain. "Makikilala din natin yung hayop na killer na iyon sa likod ng application na iyan!" pagpapatatag ni Crain sa nararamdaman ko ngayon ngunit kahit katiting ay hindi ito umepekto sa akin.

"Crain. Wala pa tayo kahit katiting na impormasyon sa killer sa likod ng app na iyon. Alam mo ba yun!" nanlulumo kong sabi sa kanya.

"Wala ka bang napapansin na kakaiba?" sabi nito sa akin.

"Ano iyon Crain?" naguguluhan kong sabi sa kanya.

"Kase tuwing gabi hindi mo ba napapansin yung pa--------"

Hindi pa natutuloy ni Crain ang kanyang sinasabi ng bigla nalang nagring ang cellphone ko. Agad ko naman itong sinagot.

"Detective Zy we need your help. Kailangan namin ng tulong niyo ni Detective Crain ASAP. I will send you the location." sabi ni police officer.

"Mamaya nalang natin pag-usapan iyan Crain. Kailangan ng mga police ang tulong natin." sabi ko kay Crain.

"Okay intayin mo nalang ako sa labas. Kukuhanin ko lang yung sasakyan ko." pagpapaalam sa akin ni Crain.





Habang nagdadrive si Crain ay walang niisa sa aming nagtangkang umimik. Kaya dali-dali ko na lamang na binuksan ang radio ng kotse niya upang mapakinggan ang balita.

Napahilamos naman ako sa aking mukha ng mapakinggan ang pag-re-report ng nagbabalita. Sinabi nito na mataas na daw ang rating ng mga namamatay dito sa aming bayan. Ano pa nga ba ang dahilan? Edi yung hayop na application na iyon. Sinabi rin ng reporter ang brutal na pagpatay ng hayop na gumawa noon sa mga biktima. Ang pagbasag daw diumano sa bungo ng biktima, ang pagkaladkad sa sasakyan, ang pagsunog ng buhay, ang pagtuhog sa biktima na tila isang barbecue, ang pagdukit sa mga mata, ang paghiwa sa iba't ibang parte ng katawan ng biktima na tila daw ay nagslice ng cake, at iba pang nakakadiring kaawa-awang pagpatay sa mga biktima. Ang pagtugtog ng creepy birthday song ay nabanggit din ng reporter.

Hindi ko maiwasang maiyak sa aking napakinggan. Paano kaya ako? Paano kung hindi namin mahuli yung killer? Anong klase kaya ang pagpatay sa akin? Hindi naman binanggit ng application kung papaanong klase papatayin si Mr. C. Walang ibang pumapasok sa isip kundi ang puro ka-negatibuhan na mga tanong. Hindi ko kayang gawin yung misyon! Hindi ko kaya! Mas gugustuhin ko nalang sigurong mamatay, imbis na pumatay.

"Andito na tayo." sabi ni Crain. "Umiiyak ka ba Zy?" tanong niya sa akin.

"Hindi napuwing lang ako. Tara na!" sabi ko na lamang sabay yaya sa kanya palabas.

Tulad ng nakagawian ay agad sumalubong sa amin ang mga police.

"What happened police officer?" tanong ni Crain sa police.

"Gaya ng dati ay ganun ulit sa dati ang may kagagawan ng krimen na ito. Ngunit ngayon ay buhay ang biktima na nag-installed ng application." sabi sa amin ng police na nagbigay gulat sa amin.

"An-nong? Pa-pa--ano nangyari yun?" nauutal ko pang sabi.

"Ligtas siya gunit maraming namatay." sabi ng police na kakamot-kamot sa ulo.

"Anon-----"

Hindi pa man ako tapos magsalita ay nagsalita na agad ang police upang ipaliwanag ang nangyari.

"Tinupad niya yung mission sa application ngunit maraming namatay at ang mas nakakaawa pa ay mga bata. Nakasaad kase sa mission n application na pumatay ng 10 hanggang 20 bata at sunugin ito ng buhay. Dito sa kubong ito nangyari ang krimen. Wala kahit niisang bata ang nabuhay. Nadala na rin namin lahat ng mga bangkay ng biktima sa ospital upang maimbestigahan pa. Sinabi na rin namin sa mga magulang ng mga bata ang nangyari." paliwanag ng isa sa mga police.

"Nasaan ang gumawa nito?" tanong ko sa mga police.

"Sa ngayon ay nasa presinto na siya. Hindi ko alam ngunit parang wala na ito sa sarili noong namataan namin. Para bang nabaliw na ito dahil sa ginawa niya at nangyare." sabi pa ng police.

"Can we borrow the cellphone of the person na gumawa ng krimen na ito?" sabi ko sa isa sa mga police.

Agad naman muna kaming nagsuot ng gloves bago iabot sa amin ng police ang  cellphone ng biktima na sa ngayon ay naging kriminal na din. Agad naming chineck ang application.

"Congratulations! You've done the mission well! Happy birthday!"

Iyon lamang ang nakita ko sa cellphone ng lalaki na gumawa ng karumal-dumal na krimen. Nanginginig kong binalik sa police ang cellphone ng biktima na noon ay naging kriminal na din dahil sa nagawa niya. Agad akong nagpaalam sa mga police at pumasok sa sasakyan. Dali-dali namang sumunod sa akin si Crain at pumasok na rin sa sasakyan.

"Anong oras na?" garalgal na tanong ko kay Crain.

"It's already 9 pm Zy, antagal nating nag-imbestiga ah. Are you hungry or what?" kalmadong sabi ni Crain.

"Naiintindihan mo ba yang sinasabi mo Crain? Ilang oras nalang ay kaarawan ko na Crain. Hindi ko kayang kumain o ano man! Mamamatay na ako anumang oras Crain. Hindi ko alam kung mahahanap ko pa yung hayop na killer na iyon Crain. Hindi ko kayang tuparin yung misyon Crain. Hindi ko kayang pumatay Crain!" umiiyak na sabi ko kay Crain.

Isang mainit na yakap naman ang iginawad sa akin ni Crain upang ako ay pakalmahin, ngunit talagang hindi sapat iyon upang ako ay mapakalma. Agad kong inutos sa kanya na lisanin na ang lugar na iyon. At pumunta na sa bahay ni Mr. C.

Habang nakasakay sa kotse ay hindi ko maiwasang mag-isip. Isang nakikilabot naman ang pumukaw sa attention naming dalawa ni Crain. Ang pagnotif ng aking telepono. Ang pag-notif ng hayop na application na iyon.

"Tik! Tak! Tik! Tak! The time is running my friend. I can't wait to killed you!"

Isang napakaikling paalala lang ito ng hayop na application na iyon ngunit kilabot at kaba ang dulot nito sa akin. Samo't sari na ang pumapasok sa isipan ko. Gusto ko ng matapos lahat ng ito. Gustong-gusto ko na. Napakadami ng nangyare at andami ng nadadamay pang iba.

Halos kalahating oras din kaming bumayahe. 9:30pm  na kaming nakarating sa bahay ni Mr. C ng may napansin kaming isang sasakyan. Hinding-hindi ako nagkakamali na sasakyan iyon ng hayop na killer na iyon. Iyon na iyon ang nakita kong sasakyan noong nasa ospital ako. Isang itim na sasakyan na may plaka ng XXX. Kitang-kita ang isang pamilyar na postura na pumasok sa loob ng sasakyan. At hinding hindi ako nagkakamali na si Mr. C iyon. Lalabas na sana ako ng pigilan ako ni Crain.

"Stay Zy. Susundan nalang natin sila. Mas ikakapahamak natin kung makikita nila tayo." sabi sa akin ni Crain.

Tila naman ay nabuhayan ako ng dugo. The different kind of emotions flow in my body and veins. Tear, joy and anger. I want to kill him right now. At sana noon ko pa iyon ginawa.

"My revenge is almost there, MR. C!"




BIRTHDAY KILLER APP (Killer App Series #1)Where stories live. Discover now