02-16-17 (P2)

157 13 1
                                    

Ramdam na ramdam ko ang panginginig ng mga kalamnan ko at maiinit na pagbagsak ng luha sa mga mata ko ng malaman ko ang laman ng mga sako. Ito na yata ang pinakamasamang regalo na matatanggap ko ngayong darating kong kaarawan.





Agad kong yinakap ang katawan nina Mommy Panda at Daddy Panda ko. Pinatay nila ang pamilya ko! Hindi ko alam ang gagawin ko, mukhang magkakasakit yata ako sa isip dahil sa mga insidenteng ito. Dapat pala sinunod ko nalang si Nedz noon pa man, na hindi na tanggapin ang project na ito. Habang yakap yakap ko sina Mommy at Daddy Panda, kitang kita at damang dama ko ang mga katawan nilang nanlalambot, durog ang mga buto at lusag lusag din ang mga laman na tila ba ay minasa at nilamutak na isang tinapay. Pati mga kuko nila ay hindi pinatawad ng hayop na killer na iyon, nasa bibig nila daddy at mommy panda ang sarili nilang mga kuko at yung iba ay nakatarak pa mismo sa mga mata nila. Labis ang pahirap na ginawa nila sa mga mahal ko. Hindi ko na sila makilala  dahil sa mga mukha nilang nababalutan na ng dugo at durog-durog na. Kitang kita ko rin ang mga nakaukit sa mukha at katawan nila na XXX. Hindi rin pinalampas ng hayop na killer na iyon ang maselang bahagi ng katawan ni mommy at pusod ni daddy. May nakatarak dito na itim na kandila sa mismong ari ni mommy panda at itim na kandila rin sa mismong pusod ni daddy.

Gusto ko man silang ipaghiganti pero mas gugustuhin ko nalang siguro ang mamamatay.

Labis ang paghihinagpis at hindi na ako makahinga dahil sa mga nangyayari. Agad kong kinuha ang isang kutsilyo na nakalagay sa bulsa ng suot kong jacket, akmang itatarak ko na ito sa dibdib ko ng biglang sumulpot sa harapan ko si Nedz at pilit na inagaw sa akin ang kutsilyo. Walang kahirap-hirap naman niyang naagaw sa akin ang kutsilyo. Niyakap niya ako ng mahigpit at sabay haplos ng likod ko.

"Maaayos din ang lahat." pagpapagaan niya ng loob ko.

"Ipaghihiganti ko ang mga magulang ko Nedz, ipapangako kong ipaghihiganti ko sila. Papatayin ko ang gumawa nito! I will kill that person o kung sinumang nasa likod ng pangyayaring ito!"

Walang akong imik na natanggap kay Nedz, tanging paghaplos lang at mahigpit na yakap ang ginawa niya sa akin at patuloy na pinapakalma ang nagdidileryo kong hinagpis.

"Pa-ano m-o ak-o nahan-ap?" nauutal at umiiyak kong tanong.

"Dahil sa cellphone mo, kaya nalocate kita Zy. Huwag mo ng alalahanin yun, basta ang mahalaga ligtas ka. Tumawag na din ako ng mga police Zy."

"Nedz kailangan kong paghiganti ang magulang ko. Nedz kailangan ko ng tulong mo." umiiyak kong pakiusap sa kanya.

"Hindi pa ba sapat na nangyari sa'yo ito Zy? Nag-iisip ka ba? Paano kung ikaw naman ang mapahamak?"

"Nedz handa akong magsakripisyo alang- alang sa mga mahal ko." umiiyak kong sabi sa kanya.

"Hindi ko masabi kung matutulungan kita Zy."

"Pakiusap Nedz, please! Tatanawin kong utang na loob ito sa'yo." nagmamakaawa kong sabi sa kanya.

"Huwag mo munang isipin iyan. Kailangan mo munang magpalakas."

"Matutulungan mo ba ako Nedz? Please Nedz!" paulit-ulit kong pakiusap sa kanya.

"Basta magpagaling ka muna, I will answer your question when you are totally fine at wala ng iniindang sakit sa puso at katawan."

"Nedz alam mo ba ang sinasabi mo? Hindi na mawawala ang sakit sa puso ko. Nakabaon na ito at hindi na kailangan pa mawawala." I said to her while pointing my chest.

"I'm sorry." she said.

Wala pang sampung minuto ay dumating na nga agad ang mga police. Laking gulat nila ng makita ang mga bangkay ng magulang ko  at nang mabasa ang note. Rinding-rindi na rin ako sa paulit-ulit na tunog ng creepy birthday song, kaya walang ano-ano ay lumapit ako sa small recorder device na pinagmumulan ng kanta at dinurog ito.

Agad naman lumapit sa akin si Nedz upang pakalmahin ako at pinapasok na sa ambulansya. Agad namang ginamot ang mga pasa at galos ko sa loob ng ambulansya.

"Sa amin ka nalang muna mag-stay Zy." my bestfriend Nedz said.

"Ipaderetso niyo na sa Morgue ang katawan nina mommy at daddy panda. Ilibing niyo na agad sila kasama ng bangkay ni little panda." sagot ko na lamang sa kanya.

"Ipangako mong magpalakas ka Zy and I will promise na tutulungan kita." Nedz said while smiling.

Agad ko siya niyakap dahil sa sinabi niya. I'm so thankful na meron akong isang bestfriend na tulad niya. Isang Nedz na tutulungan ako sa anumang uri ng kalagayan ko at sasamahan ako sa ginagawa ko kahit pa man buhay ang kapalit nito.























BIRTHDAY KILLER APP (Killer App Series #1)Where stories live. Discover now