03-01-17

149 14 1
                                    

Isang buhay na naman ng mahal ko sa buhay ang nawala sa akin. Patay na si Nedz, hindi ako makapunta sa burol niya because of her parent, ngunit pipilitin ko pa ding pumunta. Sinabi ko sa kanila ang totoo at ang hawak naming kaso. I said to their too that I installed the application in Nedz' phone na pinagmumulan ng krimen. Sinabi ko rin sa kanila ang totoong dahilan ng kanyang pagkamatay, iyon ay ang pangingialam namin sa kaso. Sinabi ko rin sa kanila na hindi naman dapat mamamatay si Nedz kung hindi ko siya pinilit na ituloy muli ang kaso. Sadyang napaka-suwail ko nga lamang. Halos isumpa at pandirian ako ng magulang ni Nedz dahil sa nagawa ko. Masasakit na mga salita ang tanging narinig ko lang sa kanila at sinabing wala daw akong kwentang kaibigan. I know that's all my fault and I understand them. Wala nga talaga akong kwentang kaibigan, pati mabuti kong kaibigan ay dinamay ko pa.

Walang pag-aalinlangan pumunta ako sa burol ni Nedz. Taos puso akong humingi ng tawad sa kanila. Nagmakaawa at lumuhod ako sa harap nila, even na maging sanhi pa ito ng gulo sa burol ng kaibigan ko, naiintindihan ko naman sila kung hindi nila ako mapapatawad. Agad akong lumapit sa kabaong ni Nedz at niyakap ito. Pilit namang pinalalabas ako ng mga magulang ni Nedz. Marahas nila akong kinaladkad sa labas. Gusto ko mang umiyak ngunit talagang wala ng mailabas na luha ang mga mata ko. Isang malakas na sampal ang natamo ko sa nanay ni Nedz, at tinanggap ko naman ito ng buong buo dahil kasalanan ko din naman ang nangyari, kulang pa nga ito dahil sa ginawa ko.

I immediately run palayo sa kanila at sumakay sa sasakyan ko. Mabilis ko itong pinatakbo at tinungo ang tuwid na daan. Dere-deretso lang ako ng daan at kahit saan man ako mapadpad ay wala na akong pakialam. Napadpad ako sa madilim at masukal na daan at hindi ko alam kung nasaang lugar na ako, hindi ko rin namalayan na may isa na pala akong kotse na makakasalubong at mababangga. Walang pakialam ang kotseng kasalubong ko at balak pa ata itong makipag-araruhan sa akin.

So without a doubt I immediately turned the steering wheel left to avoid that f*cking vehicle. I did it but I lost the brake. I was hit by a big tree and didn't know what happen next, the only thing I remember was darkness. My surroundings were dark. I felt dizzy and before my vision became dim I heard a familiar song. A creepy birthday song.








Third person P.O.V.

Dahil sa malakas na impact ng sasakyan ni Zy sa malaking puno ay nawalan ito ng malay. Kitang kita rin ang pagdaloy ng mapupula nitong dugo na nagmula sa kanyang ulo dahil sa pagkakauntog sa salamin ng kanyang sasakyan. Walang kamalay-malay si Zyppere na ang pangyayaring ito ay sinadya at hindi aksidente. Kitang kita sa mga nanlilisik na mata ng gumawa nito kay Zy ang galak at pagkasabik dahil sa nangyari. Agad namang kinuha ng taong may kagagawan na ito na nakatago sa itim na kasuotan ang kanyang cellphone at tumawag ng ambulansya.

"An accident occurred at the area of ​​105 St. Joseph Road."

Agad din namang nagsidatingan ang ambulansya. Ang ikinagulat nga lang nila at ipinagtaka ay kung sino ang tumawag sa kanila dahil napakaliblib ng naturang lugar at walang kasama doon ang sinasabing naaksidenteng si Zyppere. Agad nilang chineck ang pulso ng biktima. Nakahinga naman agad sila ng maluwag ng makitang buhay pa ito. Dali-dali nilang sinakay ito sa ambulansya. Aalis na sana sila ng tila may isang tunog silang napakinggang creepy na kanta. A creepy birthday song. Agad nilang tinunton kung saan nagmula ang kantang iyon at bumungad sa kanila ang isang small recorder device katabi ang isang note.

Akmang bubuksan na nila ito ng may nakalagay na paalala o babala sa unahan nito.

Warning...

Do not open it if you don't want to die, this note is only for my beloved friend Zyperre.

-XXX

Agad namang hinanap ng mga nurse sa ambulansya ang wallet ng biktima, laking gulat na lamang nila ng makita ang pangalan ng sinasabing naaksidente. Zyperre Almiña, doon nila napag-alamang ang tinutukoy ng note na iyon ay ang taong sinasabing naaksidente. Dahil sa takot ay hindi na nila ito binuksan ngunit dinala nila ang note na ito upang ipakita kay Zyperre kapag naging maayos na ang kalagayan nito.

Agad namang nilisan nila ang naturang lugar na pinagganapan ng sinasabing aksidente. Takot at kaba ang nararamdaman ng mga staff ng ambulansya habang nililisan ang lugar. Patuloy pa rin ang binibigay na takot at paninindig ng balahibo ng naturang lugar at tila ba ay hindi mawala sa kanilang pandinig ang nakakapanindig balahibong kanta na creepy birthday song. Mas lalong nagbigay din sa kanila ng takot at kaba ang isang note na iniwan kay Zyperre.

Walang pagdadalawang-isip din silang tumuwag ng police upang papuntahin sa pinanggalingan ng sinasabing aksidente, dahil may kutob silang sinadya ang nangyaring iyon at hindi ito aksidente lamang.

Walang pagdadalawang-isip namang pumunta ang mga police sa sinabing lugar at inimbistigahan ang nangyari. Agad nilang chineck ang sasakyan ng biktima at nakitang sinadyang sinira ang preno ng sasakyan, kaya kung sinumang sumakay doon sa sasakyan ay maaari ngang maaksidente dahil wala na itong preno. Rinig na rinig din nila ang nakakakilabot na tugtog na pamilyar na rin sa kanila. A creepy birthday song. Noong napakinggan nila ang nakakikilabot na tunog na yun ay lalo pa silang nakumbinsi na hindi lamang iyon aksidente at ang tao o sinumang  nasa likod ng pangalang XXX ang may kagagawan nito. Agad ding tinawagan ng mga police ang Hospital na pinagdalhan ng biktima. Tinanong nila ito kung maayos na ba ang kalagayan at tinanong din kung anong pangalan nito. Laking gulat na lamang ng mga police ng malamang isang detective ang biktima at si Zyperre ito. Pero kinalaunan ay hindi na rin sila nagtaka dahil sadyang malapit lang ito sa trahedya. Alam din ng mga ito na mainit ang mga mata ng killer sa likod ng naturang application dahil sa hinahawakan nitong kaso na may kinalaman sa naturang app. Agad nilang binanggit sa nurse ng hospital na tawagan sila kapag gising na ang biktimang si Zyperre upang maisabi ang kanilang naimbestigahan at sinadya ang pangyayaring iyon.














BIRTHDAY KILLER APP (Killer App Series #1)Where stories live. Discover now