03-06-17

143 12 1
                                    

Ngayon ay March 06 na at dalawang linggo nalang ang palugit ko upang tuparin ang mission ko sa Happy Killing App. Simula nangyari ang engkwentro namin kahapon at ang krimen na iyon ay mas lalong naging agresibo at mainit sa akin ang mga mata ng killer sa likod ng app na iyon. Patuloy pa rin ang pag-send sa akin ng nakakasuka at nakakatakot na larawan ng hayop na application na iyon, pati noong naaksidente ako ay nakuha pa din nitong i-send ang mga larawan kong duguan at ang pagsalampak ng kotse ko sa malaking puno. Ang mas lalong nakakapanindig balahibo ay ang pag-send nito sa akin ng isang larawan ng isang taong nakatago sa itim na kasuotan. May tangan-tangan itong lobo, isang kahong na nakapatong sa wooden night stand na katabi ng kama ko at ang mas lalong nagbigay sa akin ng kilabot ay ang hawak nitong kutsilyo na madiin na nakatutok sa aking leeg.

Hindi ko na namalayan na ganun na pala ang ginagawa sa akin kagabi ng hayop o sabihin na nating mas masahol pa sa hayop na nilalang na iyon. Siguro dahil na rin sa pagod ng ginawa namin kahapon sa nangyaring krimen sa bar, kaya hindi ko na ito namalayan at naramdaman ang dampi ng isang matalas na dulo ng kutsilyo na madiin na idinampi sa aking leeg. Ngayon ko lang umaga naramdaman ang hapdi at munting galos ng kutsilyo sa aking mahabang leeg. Wala na rin akong choice kundi buksan ang iniwan nitong kahon. Hindi ko pa man ito nabubuksan ay amoy na amoy ko na ang lansa nito. Pagkabukas na pagkabukas ay isang cake na may mga uod at dugo ang laman nito na tila ba ay gawa sa laman ng tao o hayop na hinulma lamang sa isang cake at ang dugo nito ang nagsisilbing icing. Kitang kita ko rin ang dalawang mata na nakalagay dito na para bang nagsilbing toppings. Isang itim na kandila din ang nakatusok sa mismong sentro ng nakakasukang cake o bagay na iyon, dahil sa pandidiri ay agad akong napatakbo sa banyo hindi pa man ako nakakapasok ay agad bumungad sa akin ang isang itim na lobo na may tatak na XXX. Nakalagay din sa tali nito ang isang sulat at hindi na ako magtataka na para ito sa akin. Nakabalot sa sulat na iyon ang isang matulis na bagay at may sulat din ito.

"Let's play. Pop it!"

-XXX

Walang pagdadalawang isip na pinaputok ko ang itim na lobo na ngayon ay nakalambitin sa taas ng kisame sa may ulunan ko. Agad ko naman itong inabot at ng mapaputok ko ito ay napahiyaw ako ng napakalakas dahil sa mga naglalaglagang mga uod na may kasamang dugo. Ang pandidiri ko kanina ay naging triple pa at ang naudlot kong pagsuka kanina ay agad bumulwak at halos lumabas na sa aking ilong dahil sa dami. Dali-dali kong binuksan ang shower. Umiiyak at nanginginig kong binuksan iyon, isa sa mga ayaw at pinanghihinaan kong bagay o nilalang ay ang mga uod. Naginginig kong tinagtag ang mga uod na nagkasabit-sabit sa buhok dahil sa lagkit na kasama nitong dugo.

Agad akong lumabas ng bahay pagkabihis na pagkabihis ko. Hindi ko alam kung paranoid lang talaga ako o totoong may sumusunod sa akin. Sa pagmamadali kong maglakad ay hindi ko na namalayang may nabangga ako.

"Be careful. Baka tuluyan ka ng mahulog sa akin."

Agad ko siyang niyakap at nagpapasalamat ako dahil dumating siya kahit ito ay hindi sinasadya at nagkataon lamang. Wala na akong pake kung ano ang isipin niya. Ang gusto ko lang ngayon ay ang taong masasandalan dahil sa nangyari kanina. Ramdam na ramdam ko pa rin ang mga uod na gumagapang kanina sa katawan at ulo kahit wala na ang mga ito. Agad naman akong niyakap pabalik ni Crain at tinanong ang nangyari.

"What happened? Is there anything happened na ikinatakot mo?" he asked.

Walang pag-aalinlangan kinuwento ko sa kanya ang nangyari. Simula sa simula at walang naiwang kahit gati-ting na detalye. Sinabi ko sa kanya yung pagkuha sa akin ng mga larawan simula pa noong papunta akong bar. Pati yung kagabi na nangyari na hindi ko naman namanlayan dahil sa pagod. Pinakita ko sa kanya ang mga larawan na sinend ng application sa akin. Ang pagdampi sa akin ng dulo ng kutsilyo sa leeg ko ng hindi makilalang nilalang na nakatago sa itim na kasuotan. Pinakita ko pati na rin yung sinend niyang larawan noong nabangga ako sa malaking puno na alam kong sinadya.

Kinuwento ko rin sa kanya yung kahon na naglalaman ng nakakadiring bagay at hindi ko rin pinalampas sabihin ang pagbuhos ng mga uod na may kasamang dugo sa akin noong pinapaputok ko ang lobo. Sinabi ko rin sa kanya na may sumusunod palagi sa akin. Hindi ako magkakaganito ng dahil doon lang, nagkakaganito ako dahil alam na ng hayop na mamamatay taong iyon ang kahinaan ko. Ang mga uod. Dapat talaga matupad ko na ang misyon na sinasaad ng hayop na application na iyon. Ngunit hindi ko kaya.

Sinabi ko rin kay Crain ang mission na iniuutos ng application. Ang patayin si Mr. C, maging si Crain ay hindi makapaniwala sa misyon na isinasaad o sinasabi ng hayop na application na iyon. Isang mahigpit at mainit na yakap ang ginawad sa akin ni Crain. Ramdam na ramdam ko ang sinsiridad ng pagyakap niya at paghaplos sa likod ko. Hindi ko na alam kung saan pa ako tutuloy. Alam na ng hayop na killer na iyon ang tahanan ko, at alam ko kahit saan ako pumunta ay matutunton at matutunton pa rin ako ng hayop na iyon. Agad akong inalo ni Crain at sinabing maaayos din ang lahat. Sinuhestiyon din niya na sa kanya muna akong bahay tumira upang sa ganun ay maging ligtas din ako kahit papaano. Pumayag naman ako at laking pasasalamat ko sa kanya. Hindi ako makapaniwala na ang kinaiinisan kong si Crain pa pala ang magco-comfort at tutulong sa akin.






BIRTHDAY KILLER APP (Killer App Series #1)Where stories live. Discover now