03-18-17

200 11 4
                                    

Pagmulat na pagmulat ng mga mata ko ay agad kong nakita ang tulog ngunit napakaamong mukha ni Crain. Katabi ko siyang natulog buong magdamag at may nangyare sa amin. Ginusto namin parehas ang nagyare sa amin kagabi. Pagmulat na pagmulat ng mata ni Crain ay agad ko siyang sinalubong ng isang napakagandang ngiti.

"Goodmorning Crain!" nakangiting sabi ko kay Crain.

"Goodmorning aking binibini." bati nito sa akin na ikinasimangot ko.

"I said don't call me in th-------"

Hindi pa man ako natatapos sa aking pagsasalita ay bigla nalang akong siniil ng halik ni Crain.

"I said huwag ka ng tumanggi pa kung ayaw mong mahalikan ka." hindi ko alam kung paano niya nasasabi iyon habang siil-siil ang labi ko.

Agad naman akong humugot ng napakalalim na hininga ng tumigil na siya sa paghalik sa akin.

"Tara dito Crain. Mag-breakfast na tayo." pag-aaya ko nalang kay Crain habang hinihigit ko siya at para na rin mawala ang hiya na naramdaman namin sa isa't isa matapos naming mahalikan ang isa't isa at nangyari sa amin kagabi.

"Paano ba yan binibini ko mukhang nabusog na ako sa halik mo." malambing na tugon ni Crain sa akin.

"Tch. Edi huwag kang kumain. Ako nalang dito ang kakain mag-isa." kunwaring pagmamataray ko kay Crain.

"I'm just kidding Zy. Huwag ka ng magtampo." pagsuyo sa akin ni Crain.

Naka'pout' ito habang sinusuyo ako. Napakagwapo talaga ni Crain at napakaperpekto ng mukha. Isama mo pa ang kulay kapeng mata nito na nakakapagpaakit sa akin.

"Tch. K!" kunwaring nagtatampo pang sabi ko.

"Hey don't be mad at me. Gusto mo pa ata i-kiss kita eh." sabi ni Crain sa akin na nagpapula ng pisngi ko.

"Napakamanyak mo talaga tch!"

"Nagpapamanyak ka naman? Tingnan mo oh. Namumula na pisngi mo." nang-aakit na sabi ni Crain.

"Hoy huwag ka ngang ano diyan. Hindi pa nga tayo ang landi-landi mo na!"

"Hindi mo pa nga ako pinapayagang manligaw eh tch." kunwaring malungkot at umiiyak na sabi ni Crain sa akin.

Napakapabebe!

"Yung favor ko muna pakitupad! Kapag natupad natin ang kasong ito. Kahit hindi ka na manligaw. Tayo na agad!" sabi ko kay Crain na ikinatuwa nito.

Nagpalundag-kundag pa ito na tila ba ay nanalo sa lotto.

"Hoy hindi pa kita nasasagot! Huwag kang ano diyan! At hindi pa rin natin nasasarado ang kaso." sabi ko sa kanya.

"Matic na yun binibini. Matutupad natin iyan at masasarado ang kaso. Malalaman din natin ang masahol pa sa hayop na killer sa likod ng application na iyon!" sabi ni Crain.

"Crain March 18 na ngayon. Sa March 20 na ang birthday ko, ngunit wala pa tayong kaalam-alam kung sino yung killer na iyon." pinanghihinaan ng loob na sabi ko kay Crain.

"Basta I will promise na matutupad natin ang misyon na ito!" naninigurado niyang sabi.

Isang matamis na ngiti nalang ang isinukli ko kay Crain at niyaya ko na siya upang makakain na kami ng umagahan.








Habang kumakain ay hindi ko maiwasang mapatingin kay Crain. Ang paglagok niya na nagbibigay sa akin ng ibang sensasyon dahil sa paggalaw ng adams apple nito at ang pag-nguya niya na nagbibigay init naman sa aking pisngi dahil sa paglabas ng dimple nito.

BIRTHDAY KILLER APP (Killer App Series #1)Where stories live. Discover now