03-14-17

133 9 1
                                    

We are here now in Santa Maria Village. May nag-text kase sa aming isang tao na nagsasabing dinownload niya daw ang naturang application. Sinabing niya rin na tomorrow is his birthday at may banta na daw sa kanya ang naturang application at hindi niya daw kayang tuparin ang naturang misyon sa application. Kaya humihingi siya sa amin ng tulong upang maisalba ang kanyang sariling buhay.

Kanina pa akong nakamasid at patingin-tingin sa paligid, samantala namang si Crain ay parang wala sa wisyo. Para bang may bumabagabag sa kanyang loob na hindi masabi. That's why I immediately ask him.

"Crain are you okay? Kanina ka pa diyang balisa." I asked him in a soft tone.

"I'm good." sagot niya.

"No you are not good Crain. Tell me ano ang bumabagabag sa isip mo?" seryosong tanong ko.

"Kase Zy ito yung village na tinitirahan ng kapatid ko." he answered in a cold tone.

"So what is your problem with that?"

"Because matagal ko na siyang kaaway Zy. Matagal na almost 2 years na kaming magkaaway at baka kung anong magawa ko at magawa niya sa akin kapag nagkita kami." matiim na sabi niya.

"Why?"

"Long story Zy. We have no time para pag-usapan natin ito. Sorry Zy let's focus nalang sa atin trabaho."

"Okay Crain. Huwag mo ng isipin iyon."

Pagkatapos kong kausapin si Crain ay agad ko namang tinawagan yung lalaking humihingi sa amin ng tulong.

"Where are you? We are here in your village." I asked him worriedly.

"Nothing to worried. Finally matutupad ko ang mission ko." nakakapangilabot na sabi ng lalaki.

"Wh--?" hindi ko pa natatanong o nasasabi ang mga gusto kong itanong at sabihin ng biglang pinutol nito ang linya.

Isang malakas na putok nalang ang napakinggan ko matapos ang nangyaring pagtawag sa akin noong lalaki

Pagkalingon na pagkalingon ko kay Crain ay agad akong napatakbo sa kanyang direksyon. Kitang-kita ko ang pagdurugo ng kaliwang braso nito dahil sa daplis ng bala na nanggaling sa kanyang direksyon. Agad naman akong napalingon at hinanap ng dalawa kong matatalas na mata kung sino ang hayop na gumawa ng pagbaril.

Isang lalaki lamang ang nakita ko sa direksyon din ni Crain. Magpapaputok pa sana iyong lalaki ngunit agad kong inihagis sa direksyon niya ang kutsilyo na naging dahilan ng agarang pagbitaw niya ng baril dahil sa pagdaplis ng kutsilyo ko sa kamay nito. Walang pagdadalawang isip na tumakbo ako sa kinaroroonan ng lalaki bago pa man nito madampot ang baril. Dinamba ko ito ng buong pwersa dahilan ng pareho naming paggulong sa lupa.

"Who are you?" I asked him with an anger in my eyes and voice.

"His mortal enemy." sabi niya sabay turo kay Crain.

Bago pa man makakilos ng hindi maganda ang lalaking ito ay agad kong itinali ang kamay nito gamit ang aking panyo.

"Paano mo nagawa sa akin yun?" tanong ni Crain dun sa lalaki.

Kitang-kita ang pag-aalala at konting galit ni Crain sa kanyang ekspresyon. Para bang matagal na niyang kilala iyong lalaking bumaril sa kanya.

"It's true that you installed that application. A Happy Killing App?" he asked with sincerity in his voice.

"Yes brother! I'm so thankful na the mission in this app is to kill you!" tatawa-tawa at sarkastikong sabi nito.

"Malaki pa rin ba ang galit mo sa akin Carl?" tanong ni Crain sa lalaki.

"T*ngina ka din ano! Sa tingin mo maaalis mo ang galit sa aking hayop ka! Pinatay mo si Daddy! Ang kaisa-isang tao na may gusto lang sa akin!" tanong nung lalaki sa galit na tono.

"It's been a years Carl. Sobrang tagal na nun Carl!" mahinahong sabi ni Crain ngunit kitang-kita ang lungkot sa mukha nito.

"P*tangina ka din naman Kuya no! Anong palagay mo sa akin tanga. Kahit ilang taon o dekada pa ang nakalipas. Put*nginamo hindi ko iyon makakalimutan!" sigaw ng lalaki kay Crain na humahagulhol na sa pag-iyak.

"I'm really sorry Carl sa nagawa ko. Pinagsisihan ko na iyon." umiiyak na paghingi ng pagtawad ni Crain.

"Hey you!" malakas na pagtawag sa akin noong lalaki na kapatid ni Crain kahit na hawak-hawak ko lang ito.

Agad ko naman itong nilingon ngunit tila naestatwa ako noong makita ko ang mata nito na katulad na katulad ng kulay kapeng mata ni Crain.

"Alam mo bang napakatanga mong babae at siya ang napili mong samahan." sabi nito sabay humalakhak ng nakakainsulto.

"Baka maya-maya ikaw naman ang mapatay ng hayop na kapatid kong iyan. Alam mo bang kalalabas lang niyan sa kulungan dahil sa pagpatay sa tatay ko. Alam mo yung nakakatawa pinatay niya si Daddy ng dahil lang sa babae niyang sinisinta pota. A beautiful story. Ngunit sa huli ay iniwan din naman siya." seryosong sabi nito na nagbigay kilabot at nagpatindig sa mga balahibo ko.

"Kaya kung ako sa'yo babae habang maaga pa ay lumayo ka na sa kanya." sabi ng lalaking nagngangalang Carl.

"Mukhang hindi ko na matutupad ang misyon sa application na ito." sabi niya sa cellphone niya sabay tapon nito. "Napakamalas ko namang hindi ko natupad ang misyong patayin ka mahal kong kapatid. Siguro ito na talaga ang huling araw ko. Hindi mo lang ba ako babatiin sa mismo kong kaarawan kapatid?" nang-iinsultong sabi nito.

"O sige. Mukhang hindi mo nga ako babatiin my criminal brother. Happy Birthday to me!" sabi ni Carl sabay bunot ng baril sa bulsa ko.

Agad namang lumayo ito sa amin at pwersahang inalis ang pagkakatali ng panyo sa kamay nito na mahigpit na itinali ko kanina. Walang pag-aalinlangang tinutok ng kapatid ni Crain ang malamig na muzzle ng baril at sabay kalabit ng trigger nito. Isang malakas na tunog nalang ang sumunod na nangyari at ang tuluyang pagtumba ng kapatid ni Crain na si Carl sa mabatong lupa.






BIRTHDAY KILLER APP (Killer App Series #1)Where stories live. Discover now