THE END?

187 8 3
                                    

Crain Hanley P.O.V.

Kahit may iniindang sakit ay pinilit kong imulat ang aking mga mata. Pinilit kong ibangon ang pagod na pagod kong katawan at hindi ininda ang nagkikirutang sugat tamo ng mga bala ng baril na natanggap ko kanina. Rinig na rinig ko ang paghiyaw ni Zy na mas lalong nagbigay sa akin ng lakas upang bumangon. Dali-dali kong kinuha ang baril sa nakahimlay na lalaki na katabi ko. Kahit nanlalabo ang paningin ko ay buong lakas kong kinasa ang hawak kong baril. Kitang-kita ko ang paglapat ng nguso ng baril sa sintido ni Zy na nagbigay sa akin ng hudyat upang pindutin ang trigger ng baril. Dahil na rin sa kasanayan ko sa paghawak ng baril ay asintadong tumama ang bala ng baril sa likod katapat ng dibdib ng demonyong lalaking nasa harapan ko. Laking pasasalamat ko't bago pa man mapaputok ng demonyong lalaki ang baril na hawak nito na nakatutok sa sintido ni Zy ay naunahan ko na ito, dahilan ng pagtumba ng hayop na demonyong iyon.

Noong lalapit na ako kay Zy ay isang napakagandang ngiti ang pinakawalan nito sa kanyang mapupulang labi patungo sa akin.

"Salamattt.." sabi ni Zy na hirap na hirap na.

Kasabay niyon ang pagpikit ng mapupungay niyang mata. Noong malapit na ako kay Zy ay tsaka ko lang naramdaman ulit ang sakit ng mga nakabaong bala sa iba't ibang parte ng katawan ko. Hindi ko na ito kinaya at bigla na lamang nanginig ang mga tuhod ko at kasabay niyon ay ang pagtumba ko at napayakap na lamang sa katawan ng pinakamamahal kong babae.


































Zyppere Almiña P.O.V.

Nagising na lamang ako ng maramdaman ang hapdi sa likod ng kamay ko. Dali-dali ko itong tiningnan ng makita ko ang isang nurse habang tinuturok ang iilang mga gamot sa dextrose ko.

"Where's Crain?" tanong ko sa nurse. Nagtataka naman itong tumingin sa akin, at tila hindi maintidihan ang sinasabi ko.

"I said where's Crain Hanley?!" pasigaw na tanong ko sa nurse.

"Sorry po Miss hindi ko po agad naintidihan yung una niyong sinabi kase pangalan niya lang ang kanyang binanggit. Nasa kabilang room po si Mr. Hanley at hindi pa rin po nagigising hanggang ngayon." paliwanag nito.

"Ilang araw akong nakaratay dito?" tanong ko sa nurse.

"Dalawang araw Detective Zy." sagot ng lalaking komportableng nakaupo sa sopa, na hindi ko manlang napansin kanina noong kinausap ko ang nurse.

"Police officer, paano kami nakapunta dito at anong nangyare sa hayop na may pakana ng hayop na naturang app na iyon?" naguguluhang tanong ko kay police officer.

"Ahh yung Mr. C ba kamo? Patay na siya detective at wala na ka ng dapat ipag-alala doon." sagot sa akin ng police na ikinabigla ko.

"Hindi siya ang may pakana ng lahat ng nangyare." sabi ko na ikinabigla ng police.

Naguluhan ito sa sinabi ko at seryosong tumingin na tila ba ay iniintay ang susunod kong sasabihin.

"Kapatid ni Mr. C ang may pakana ng lahat ng ito. May inggit ito sa kanya at sa galit sa kanilang pamilya." sabi ko na tila alam ang lahat.

Agad kong kinuwento dito ang lahat ng nangyari noong araw na iyon. Nahihirapan man ay kinuwento ko ito sa police. Sinabi ko dito ang pagpapahirap sa akin. Ang pagbaril kay Mr. C at Crain. Ang pag-alipusta nito sa katawan ko at agad ko ring kinuwento sa police ang laman ng sulat na binigay sa akin ni Mr. C.




Flashback...

Hindi ako noon magkaunda-undagaga habang binubuksan ang sulat na binigay sa akin ni Mr. C noong papasok ako sa loob ng kwarto ng pangalawang gusali na naglalaman ng mga manikin. Gamit ang liwanag na nanggagaling sa cellphone ko ay agad kong binasa ang laman ng liham na ibinigay ni Mr. C sa akin. Kahit na nahihirapan at naiiyak na ay pilit kong tinapos ang nakasulat sa liham.

BIRTHDAY KILLER APP (Killer App Series #1)Where stories live. Discover now