03-10-17

132 10 2
                                    

We are here now in the St. Agustine church. Naandito kami ngayon ni Crain upang magsimba. Sinabi niya sa akin na we need to thanks God for guiding us. Natatawa nalang ako sa sinabi niya, mismong si God nga hindi na-protektahan ang magulang ko o mahal ko sa buhay, ako pa kayang makasalanang nilalang. He said to me na magdasal lang daw ako at humingi ng tulong sa kaniya. Napaismid nalang ako kay Crain. I immediately enter to the church, hindi para magdasal kung hindi para sisihin siya. I questioned God why all of this happened to me. I questioned God kung tunay ba talaga siya o hindi. I questioned God na napaka-selfish niya dahil hindi manlang niya iniligtas ang mga mahal ko sa buhay. I questioned God dahil sa pinagdadaanan ko ngayon.

Agad akong lumabas ng simbahan matapos kong sisihin ang Panginoon dahil sa ginawa niya sa akin. Agad naman akong sinundan ni Crain. He asked me if okay lang ako. Tanging tipid na pilit na ngiti lang ang sinagot ko sa kanya. Agad naman niya akong niyakap dahilan ng pagbagsak ng aking mga luha na kanina pang nagbabadyang bumagsak. Isang malakas na tunog ang nagbigay ng pansin sa amin. Ang tunog ng kampana ng simbahan na naghuhudyat na magsisimula na ang misa at nagtatawag na ito ng mga tao upang pakinggan ang salita ng Diyos.

"Let's go!"

Agad akong hinila ni Crain papasok muli sa simbahan. Wala na akong nagawa kundi sumunod nalang sa gusto nito. Agad bumungad sa amin ang maraming tao sa loob ng simbahan ngunit bago pa man kami tuluyang makapasok sa loob ng simbahan ay may isang aleng lumapit sa akin at hinawakan ang kamay ko.

"Ang iyong minamahal ang tutulong sa'yo sa pagsubok na hinaharap mo. Siya ang magliligtas sa'yo tungo sa kamatayan."

Nabigla naman ako sa sinabi ng ale kaya agad kong hinaklit ang kamay ko sa pagkakahawak niya. Hindi iyon napansin ni Crain dahil abala ito sa paghahanap ng aming mauupuan. Noong nakahanap na ito ay hinigit naman niya ako sa aming pagpupwestuhan. Mismong sa unahan pa malapit sa nagsesermong pari kami umupo.

Habang nagsesermon ang pare ay hindi ko maiwasang mamangha sa mga katagang binibitawan niya.

"Ang buhay ay napakagulo at puno ng pagsubok. We need to take risk upang harapin at lampasan natin ang mga pagsubok na iyan. Ayon nga sa

1 Corinto 10:13 Ang Salita ng Diyos (SND)

13 Walang pagsubok na dumarating sa inyo na hindi naranasan ng ibang tao. Ngunit maaasahan natin ang pangako ng Diyos na hindi niya tayo pababayaang subukin ng higit pa sa ating makakaya. Kaya kung dumaranas kayo ng pagsubok, gagawa siya ng paraan para mapagtagumpayan ninyo ito.

That's why kailangan nating magtiwala sa kanya. Kailangan nating pagkatiwalaan ang Diyos natin. Hindi naman niya tayo bibigyan ng pagsubok kung hindi natin ito kayang lagpasan. Always remember na lagi lang siyang nariyan upang gabayan ka. Gabayan ka sa anumang uri ng pagsubok na iyong hinaharap. Don't lose hope kapatid. Patuloy tayong manalig sa kanya at huwag mawalan ng pag-asa. He are always there to guide and love us. Kahit anumang pagsubok iyan. Kahit pa sinisi niyo siya sa anumang pagsubok na dumaan sa iyo ay nariyan pa rin siya. Handang makinig sa iyong problema. Kaya kapatid hanggang maaga pa ay lumaban ka huwag mawawalan ng pag-asa dahil naandiyan ang ating Diyos upang gabayan tayo sa anumang uri ng pagsubok at sa buhay natin."

Pagkatapos ng misa ay agad kaming lumabas ng simbahan ngunit bago pa man mangyari iyon ay taimtim akong nagdasal at humingi ng tawad dahil sa paninisi ko sa kanya kanina.

I asked Crain na sana ay susunod na linggo o sa ibang araw ay kung pwedeng sumimba ulit kami. I'm so thankful na pumayag naman agad siya sa aking kagustuhan.

Niyaya naman ako ni Crain sa isang park. Wala na akong nagawa kundi sumama dahil sa kagustuhan ko rin namang mamasyal upang bahadyang mag-aliw at panandaliang kalimutan ang mga nangyaring hindi maganda sa akin.

Isang bata naman ang lumapit kay Crain upang ipagbenta ang kaniyang tinitindang mga rosas.

"Kuya bili na po kayo ng rosas ibigay niyo po sa nobya niyo. Magugustuhan niya po ito, promise. Hindi po ba ate ganda?" tanong ng batang babae na nagtitinda ng mga rosas.

Magsasalita pa sana ako upang itanggi na hindi ko nobyo si Crain at wala kaming relasyon ng biglang nagsalita si Crain.

"O sige, akin na lahat iyan. Bibilhin ko na upang makauwe ka na ng maaga. Ipangako mo na uuwe ka ng maaga at hindi kung saan-saan pupunta ha." sabi ni Crain sa bata sabay haplos sa ulo sa may buhok nito.

"Opo kuya! Ibigay niyo na po sa nobya niyo iyan. Enjoy po kayo sa date niyo!" masiglang sabi ng bata sabay takbo palayo na tuwang tuwa dahil sa nabenta niya kaagad ang mga tinda niya.

Napatawa naman ako ng malakas at nahampas ang braso ni Crain dahil sa sinabi noong bata. Sabay kaming napahagalpak ng tawa dahil napagkamalan pa kaming magkarelasyon. Agad namang inabot sa akin ni Crain ang mga rosas kaya agad nangingibabaw ang hiya sa amin. Hindi ko alam kung paano tatanggapin ang rosas na ibinibigay sa akin ni Crain.

"Ah eh hehe. Sa'yo nalang ito. Wala naman kase akong pagbibigyan nito eh hehe." nahihiyang sabi ni Crain.

Ewan ko ba pero nawala bigla ang yabang o pang-aasar sa akin ni Crain noong ibinibigay niya sa akin ang mga bulaklak. Akala ko pa nga magyayabang siya o lolokohin ako habang binibigay yung mga bulaklak sa akin. Nagkamali ata ako.

Nahihiya ko namang tinanggap ang mga bulaklak. Hindi ko alam pero noong binigay niya sa akin ang mga bulaklak ay ginhawa ang hinatid nito sa aking puso. Siya palang kase ang lalaking nagbigay sa akin ng bulaklak. Kahit ang Daddy ko hindi pa ako nabibigyan ng bulaklak. Nakakatuwa din na pulang rosas ang binigay niya sa aking bulaklak. Ang paborito kong bulaklak.

"Ahmmm... Tara dun kay Manong bili tayo ng icecream."

Walang pagdadalawang isip na sumunod ako sa kaniya. Hindi na ako tatanggi namiss ko din kase ang dirty ice cream. 7 years old pa ata ako noong nakakain ako ng dirty ice cream. Habang bumibili ng sorbetes ay tila iba ang ang ritmo ng paligid, para bang ang wirdo ng paligid. Hindi ko alam kung napa-praning lang ako, pero tila ba ay kanina pang may nagmamasid sa amin. Agad ko naman iyong sinabi kay Crain. Akala ko ako lang ang may ganoong pakiramdam pero siya rin pala.

Isang malakas na pagsabog ang sumunod na nangyari. Kitang-kita namin ni Crain ang pagtilapon ng ilang mga tao sa park. Lalapit na sana kami ng may sumunod na naman na pagsabog na nangyari. Agad umagaw ng pansin sa amin ang isang imahe na pamilyar na pamilyar na sa amin. Ang imahe ng tao na nakasuot ng itim na kasuotan. Nakatakip man ang mukha nito ay kitang kita pa rin ang munting ngiti at saya sa ginawa nito. Walang pag-aalinlangang tumakbo ako sa kinaroroonan ng h*yop na iyon. Ngunit isang malakas na pagsabog na naman ang nangyari dahilan ng pagtalsik ko.




BIRTHDAY KILLER APP (Killer App Series #1)Where stories live. Discover now