Pagkarating namin doon, lalapit na sana kami sa front desk pero pinigilan ako ni Cleo. Napatingin ako sa kanya at ang sabi niya sa akin sa mahinang boses, "Ako na ang bahala." Napakunot ang noo ko at napatingin ako kay Sophie.
Nakita ko na napakunot din si Sophie dahil sa pagtataka. Lumapit si Cleo sa front desk at kinausap ang front desk clerk. Napalingon ako kay Rino, at pagtingin ko sa kanya ay sabi ko, "Bakit pinigilan niya ako?"
Sabi ni Rino, "Well, tingin ko..." Hindi na natuloy ang sasabihin niya nang lumapit at bumalik na sa amin si Cleo. Sabi ni Cleo, "Tara na."
Sabi ko, "Um, pero paano yung room natin?" Sabi ni Cleo, "Okay na, nasabi ko na." Mas lalo akong napakunot ng noo, pati na rin si Sophie sa sinabi ni Cleo.
Kumapit siya sa braso ni Sophie at sinabi niya, "Let's go."
Pagkatapos nun, nauna na nga silang dalawa ni Sophie na maglakad, at wala na ring nagawa si Sophie kundi sumunod na lang kay Cleo. Pagtingin ko kay Rino, tinapik niya na lang ako at sumunod na rin kay Cleo at Sophie. Sumunod na rin ako, kahit na nanatiling nagtataka.
Maya-maya, paglabas namin ng elevator, sumunod na lang kami sa kanila. Pagdating namin sa harap ng isang pinto, humarap si Cleo sa amin. Sabi niya, "Dito talaga kaming dalawa ni Rino pero..."
Binuksan niya ang isang pinto, "Tingin ko dito kami ni Sophie matutulog." Napatingin ako kay Rino, at pagtingin ko sa kanya ay sabi ni Rino, "Sabi na eh, sasabihin niyang tayo magkasama sa isang kwarto dahil gusto niyang makasama si Sophie." Sabi ko, "Tayo dalawa?"
Napatingin ako kay Cleo nang magsalita siya, "Okay lang, dalawang bed naman sa kwarto namin eh. Nagkamali kasi yung isa doon sa pagsabi nung nagpareserve kami ng room." Muli akong napatingin kay Rino pagkatapos na tignan ng masama ni Cleo si Rino. Pagtingin ko kay Rino, napatingin na lang siya sa ibang direksyon at medyo napahiya.
Pagbalik ko ng tingin kay Cleo, sabi niya sa akin, "Wag ka na lang mag-alala sa pagbabayad ng room dahil..." Mas niyakap ni Cleo ang braso ni Sophie, "Treat ko na sa inyo yun ni Sophie." Sabi ko, "Naku, sigurado ka ba dun?"
Napatango si Cleo at sabi niya, "Oo naman, ano ka ba, wag kang mag-alala masyado. Bilang matagal nang kaibigan ni Sophie, ginagawa ko lang naman ito para makabonding uli siya."
Napatingin siya kay Sophie at sabi niya, "Gusto ko makabawi since simula nung lumipat kami ng bahay, nalungkot ako dahil parang iniwan ko siya. Nalungkot talaga ako ng sobra dahil na-miss ko si Sophie, makabond at makasama eh. Kaya..."
Napatingin siya sa akin at sabi niya, "Okay lang ba sa'yo kung makasama ko muna si Sophie?"
Napatingin ako kay Sophie, at pagtingin ko kay Sophie, napatingin din siya sa akin. Sabi ko, "Okay lang naman sa akin kung okay lang din kay Sophie." Napatingin si Cleo kay Sophie, at ang tanong ko naman kay Sophie, "Okay lang ba sa'yo?"
Pagtingin ni Sophie kay Cleo, napangiti na lang siya at napatango. Napangiti si Cleo at ako nang makita kong napangiti at napatango si Sophie. Sabi ko, "Okay."
Pagkatapos nun, nagpaalam na sina Cleo sa amin. Sabi ni Cleo, "Okay, goodnight sa inyo." Nilapitan ni Cleo si Rino at kiniss niya ito sa pisngi.
Sabi ni Cleo sa kanya, "Good night, labby." Sabi ni Rino kay Cleo, "Good night." Napatingin ako kay Sophie, at pagtingin ko sa kanya, nakita ko siyang napangiti na lang dahil kay Cleo at Rino.
Pagtingin naman niya sa akin habang nakangiti, sabi ko sa kanya, "Good night." Pagsabi ko nun, nagsulat si Sophie sa whiteboard niya.
Pagkasulat niya, agad ko namang binasa: "Good night din, thank you nga pala kanina. Thank you sa pagligtas sa akin, at pati na rin sa pagbili ng whiteboard :)."

YOU ARE READING
Beside You [COMPLETED]
RomanceThis story is about a smart and talented student who is a passionate singer spending his last day of school playing his ukulele on a swing. He catches the eye of a shy girl who is captivated by his music but runs away before they can connect. Later...