CHAPTER 14

4 0 0
                                        

"Huh?! A-ano?!"

Pagsabi ni Cleo at Rino ng sabay nun, nagulat na lang kami bigla ni Sophie. Nanatili naman na nagkatinginan si Cleo at Rino habang nanlalaki ang mata nila sa isa't isa na parang bang gulat na gulat. Nagkatinginan naman kami ni Sophie habang napakunot ang noo sa isa't isa dahil sa pagtataka kay Cleo at Rino. 

Sabi ng lalaking kausap nila sa cellphone, "Hala ka, wag mong sabihin, nakalimutan niyo pareho." Sabi ni Rino, "H-huh? H-hindi ah, actually paparating na rin kami noh. Ano ka ba, na...na... natraffic lang kami kaya baka... malate kami." 

Sabi ng lalaking kausap nila, "Talaga?!" Sabi ni Rino, "Oo, d-diba Labby?" Nagsalita si Cleo, "A-ah, o-oo." 

Sabi ni Rino, "Oh, diba, kaya pakisabi na lang kay Pareng Carlos at Mareng Hiraya na baka sa reception na lang kami mahuli ng slight kaya baka sa mismong simbahan na kami magkita." Sabi ng kausap nilang lalaki, "O-oh sige, basta sabihan mo 'ko maya-maya kung nasaan na kayo para masabihan ko sila, lalo na si Pareng Carlos, alam mo naman yun. Masyadong maalalahanin din minsan." 

Sabi ni Rino, "Oo nga eh, s-sige na, mamaya na lang ah." Sabi ng lalaking kausap nila, "Oh, sige, ingat kayo, see you both later." Maya-maya pa, pagkatapos nga nila magpaalam sa kausap nila, ay binaba na ang tawag. 

Pagkatapos ng tawag ay napahawak o napahaplos ng noo si Rino. Sabi ni Rino, "Nakalimutan ko na invited nga pala tayo sa kasal." Sabi ni Cleo, "Ako? Hindi ko nakalimutan yun pero hindi ko naman alam na ngayon yun." 

Napakunot siya lalo ng noo kay Rino. Sabi ni Cleo, "Akala ko ba sabi mo next week pa yung kasal." Sabi ni Rino, "A-akala ko rin next week pa eh, hindi ko naman alam na ngayong araw na pala yun." 

Sabi ni Cleo, "So, ngayon Sep 14? Hindi Sep 21?" Sabi ni Rino, "Huh? 14 na ba ngayon? Akala ko Sep 6 pa lang ang date ngayon." Napasimangot ang mukha ni Cleo at ang sabi niya, "OO 14 na po ngayon at HINDI 6." 

Pagkasabi nun ni Cleo, nanatili na lang na napayuko si Rino at mukhang nag-guilt dahil sa maling akala niya. Sabi ni Cleo, "Hay naku." Nanaliti naman kami na nag-aalala ni Sophie dahil sa kanilang dalawa. 

Napatingin si Rino kay Cleo at ang sabi niya, "Wala na tayo magagawa kundi pumunta na lang doon." Sabi ni Cleo, "Eh, paano sina Sophie at Gian?" Pagsabi nun ni Cleo, sabay silang napatingin sa amin dalawa. 

Sabi ko, "A-ah, okay lang naman kahit wag niyo na kami ihatid sa Santiago City, kami na lang uli ni Sophie ang bahala na mag-isa na pumunta doon." 

Sabi ni Cleo, "Huh? Pero, hindi pwede, nangako kami na sasamahan namin kayong dalawa makapunta doon para tulungan kayong dalawa eh." Sabi ko, "Well, mula sa narinig namin ni Sophie..." Napatingin ako kay Sophie. 

Pagtingin namin ni Sophie sa isa't isa at napatingin kami kina Rino at Cleo. Sabi ko, "Naiintindihan naman namin ni Sophie sitwasyon niyo ngayon ni Rino. Naiintindihan namin na mas kailangan niyo na makarating o makaatend sa kasal ng kaibigan niyo. I know it is an important once in a lifetime event kaya kailangan nandoon kayong dalawa dahil parehas kayong imbitado." 

Pagkasabi ko nun ay napatingin na lang si Cleo kay Rino habang nakakunot ang noo sa pag-alala. Pagkatapos na tignan ni Rino pabalik si Cleo habang nakakunot ang noo rin dahil sa pag-alala, bumalik din naman ang tingin niya sa aming dalawa ni Sophie. Sabi ni Rino, "Hindi."

Napakunot ako ng noo sa pagtataka dahil sa sinabi niyang yun. Sabi ni Rino, "Sasamahan namin kayong dalawa na pumunta sa Santiago City sa may Isabela. Sasamahan namin kayong dalawa na makapunta doon para tulungan kayo dahil sa nagako ako o kami ni Cleo na sasamahan namin nga kayo para makatulong kami at makabawi sa inyo... lalo na kay Sophie." 

Napatingin ako kay Sophie nang sabihin o banggitin niya ang pangalan ni Sophie. Pagtingin ko kay Sophie, nanatili naman na nakatingin habang nag-aalala si Sophie kina Rino. Pagbalik ko kay Rino ng tingin, sabi ko, "Eh, paano yung kasal na aatendan niyong dalawa?" 

Beside You [COMPLETED]Where stories live. Discover now