Habang nakasakay kami sa sasakyan, sabi ni Rino kay Cleo, "Labby, pwede pakitawagan si Pareng David o Pareng Loel para masabihan na malapit na tayo." Sabi ni Cleo, "Okay." Sabi ni Rino, "Thank you."
Pagkatapos nun, tinawagan na nga ni Cleo ang pinapatawag ni Rino. Hindi naman nagtagal, sinagot ng tinawagan ni Cleo, kaya habang may kausap siya sa cellphone, dahan-dahan naman akong napalingon kay Sophie. Pagtingin ko sa kanya, nakita kong nakatingin lang siya sa bintana.
Tinignan ko siya para i-check kung okay lang siya. Maya-maya lang, biglang napalingon at napatingin sa akin si Sophie. Pagtingin niya sa akin, agad naman akong napaiwas ng tingin.
Umiwas ako ng tingin dahil nakakahiya naman kung makita niya ako na nakatingin sa kanya, at baka kung ano pa ang isipin niya kung bakit nga ako nakatingin sa kanya. Maya-maya, bigla na lang akong kinausap ni Rino, "Brad, okay ka lang?" Nanatili akong nakatingin sa malayo.
Well, hindi ko naman kasi narinig siya dahil nanatili lang akong nakatingin sa malayo at iniisip kung nakita nga ba talaga ako ni Sophie na nakatingin ako sa kanya, kaya hindi agad ako nakibo. Sabi ni Rino, "Brad, brad... Gian." Napatingin naman ako pagkakarinig ko sa pangalan ko.
Sabi ko, "A-ay, I'm sorry, bakit?" Napangiti si Rino, "Ah, okay lang. Tinatanong ko lang kung okay ka, kasi pagtingin ko kasi sa'yo, para bang may iniisip ka, kaya kinamusta kita." Sabi ko, "Ah, okay lang naman ako."
Sabi niya, "Ahh, okay, ano o sino ba kasi ang iniisip mo?" Nang tanungin ako ni Rino, nanlaki ang mata ko at nakakunot ang noo sa gulat. Sabi ko, "Ah, huh?"
Napangiti na lang si Rino sa akin, "Hayst, wala, pasensiya na sa pag-abala, tuloy mo na lang uli ang pag-iisip mo." Hindi ako nakakibo. Sabi niya, "Wag kang mag-alala, hindi ka niya nakita."
Nang sabihin yun ni Rino, nanlaki naman lalo ang mata ko sa gulat. Paano niya nalaman na yun ang iniisip ko? Napatingin ako kay Sophie nang sabihin niya yun.
Pagtingin ko kay Sophie, nakita ko na nakatingin siya sa akin na para bang wala siyang kaalam-alam. Well, mukhang wala nga siyang kaalam-alam sa tinutukoy ni Rino. Nginitian ko na lang si Sophie at medyo nahiya na lang.
Nginitan niya na lang din ako pabalik pagkangiti ko sa kanya. Maya-maya pa, pagkatapos nun, tuluyan na nga akong napatingin uli sa malayo. Makalipas ang ilang oras, nakarating na kami sa isang church.
Sabi ni Rino, "Nandito na tayo." Pag-park ni Rino, agad naman kami bumaba ng kotse. Pagbaba namin ng kotse, nilock niya yun.
At pag-lock niya ng sasakyan, sabay na kami naglakad papalapit sa church. Nakita namin na may mga taong nakapila sa labas ng church, mukhang nagre-ready na ang mga bridesmaids at groomsmen na maglakad sa loob ng church aisle. Habang sabay naman kaming naglalakad papalapit sa kotse, sabi ni Rino, "Mabuti na lang at malapit sa pupuntahan natin ang Baguio City kung saan sa Baguio Cathedral sila ikakasal."
Sabi ni Cleo, "Kaya nga eh, kasi kung sa ibang lugar pa, baka mas late na nga tayo at baka sa reception na lang tayo makarating." Pagkatapos nun, paglapit doon, lumapit sila sa mga kaibigan nila. Pagbati sa kanila, sabi ni Rino, "Pasensya na kung muntikan na kami mahuli."
Lumapit sila sa groom. Sabi ni Rino, "Pareng Carlos, congrats, sorry kung nahuli na kami, kaya hindi kami nakarating sa hotel para batiin ka." Sabi ng kausap niya, "Wala 'yun, noh."
Sabi ni Rino, "Teka, nakapag-bachelor party ka ba?" Sabi ng lalaki, "Oo, taka nga ako sa'yo kung bakit hindi ka nakapunta, eh." Sabi ko, "Ah, hehe, sorry, hindi kita nasabihan. Nakalimutan ko kasi yung araw, akala ko next week pa, kaya hindi ako nakapunta."
Sabi ni Carlos, "Huh? Eh brad, nasa invitation yung exact date, ah." Sabi ni Rino, "Oo nga, alam ko naman kung kailan, kaso ang problema ay mali ako ng akala sa araw, dahil akala ko Sept 6 pa lang ngayon." Sabi ng kausap niya, "Ay sus, typical Rino, kahit kailan talaga mali ka ng akala, noh."
![](https://img.wattpad.com/cover/198563644-288-k787558.jpg)
YOU ARE READING
Beside You [COMPLETED]
RomanceThis story is about a smart and talented student who is a passionate singer spending his last day of school playing his ukulele on a swing. He catches the eye of a shy girl who is captivated by his music but runs away before they can connect. Later...