14

383 28 1
                                    

Lia's PoV

"Belle?! Belle?! Nasan ka Belle?!"

Hala may baliw!!

Yung totoo anong meron sa pangalang Belle? Kahapon ko pa yun naririnig ah?

"Belle please!! Magpakita ka naman saken oh!! I miss you!! I miss you so bad!!"

"Bro! What're you doing?!"

Nako jusko makaalis na nga baka mapahamak pa anak ko dito

"Belle?" Napalingon ako sa nagsalita

"Oh my gosh."

"Miss? Bakit?"

"Belle?!"

"Ha? Lia pangalan ko miss?"

"Lia? No. Ikaw si Belle!! Belle ako to!! Si Chelsea!"

"Hindi kita kilala!"

"Wait!"

With that I ran away. Hindi na nga ako lalabas. Delikado para sa anak ko jusko!

David's PoV

"Bro ano ba pinagsasasabi mo?!"

"Narinig ko si Belle Benj!! I heard her!"

Naputol ang pakikipagtalo ko kay Benj when we heard Chelsea

"Belle?!" Chelsea

"Ha? Lia pangalan ko miss?"

I went to where their voices came from pero si Chelsea na lang ang nakita ko

"Chelsea!! Sinong kausap mo?!" Agad kong tanong sa kanya pero hindi siya sumasagot

"Chelsea!!"

"I'm pretty sure that's Belle... but she's telling me she's Lia"

"Nasan na siya?!"

"She ran away David"

With all the strength I have I ran. I ran to where she went. Belle. Buhay ka. Tama ako buhay ka. Anong nangyare sayo?

Lia's PoV

Mukhang hindi naman nila ako hinabol. Hoo!!

Jusko kailangan ko na makauwi.

Sabi na kasing wag lalabas pasaway kang babae ka!!

"Baby Dave uwi na tayo. Pagod na si mama sa pagtakbo- ay!! Ano ba?! Pag nabitawan ko baby ko papatayin kita!"

Pano ba naman kasi may biglang humila ng braso ko?!

"Belle..."

"Hindi ako si Belle. Pwede ba?! Sino ba yon?!"

"Belle... buhay ka..."

Hala bat umiyak na to?

"Ser? Hindi nga ho ako si- ano ba yan jusko! Gumising ka hoy!!"

Bigla na lang bumagsak etong lalaki sa harapan ko.

"T-tulong!! Oy may hinimatay dito!!"

"Sht David!! Benj si David!!"

"Fck! Bro!!"

Dumating yung babae kanina at may kasama na siyang lalaki ngayon

"Kayo na bahala diyan mukhang kilala niyo naman yan ehh"

"Belle- I mean Lia. Can you stay for a while?"

"Ano namang gagawin ko dyan? Hindi ko naman kayo kilala??"

"Please? K-kamukha mo kasi yung namatay na girlfriend ni David last year. He's still mourning"

"Pero-"

"Please?"

"Pagkagising niya aalis na ko"

"Sure. Thank you"

Dinala na namin sa safe na lugar yung David. Ni hindi ko alam anong ginagawa namin ng baby ko dito. Lagot ako neto kay JC ehh 😣

You and Me Against the WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon