Lia's PoV
I hugged him. Naiiyak na din ako sa lahat ng naririnig ko. Ang hirap ng pinagdadaanan niya.
Iyak lang siya ng iyak habang ako parang tangang nakikisabay sa lahat ng luha niya habang yakap yakap ko siya.
He pulled away and held my face.
Dahil na rin siguro sa mga emosyon na nangingibabaw samen ngayon, hindi ako pumalag hanggang sa unti unting maglapat ang labi naming dalawa.
"All I know is lalaban ako para sayo. At ngayon para sa anak ko"
A-ano yun?
Naitulak ko si David sa nangyare. What was that?!
"S-sorry"
"Magpahinga ka na dun. L-lalabas lang ako"
Aalis na sana ako pero hinawakan niya yung kamay ko
"Babalik ako"
Pagkalabas ko ng kwarto niya napasandal ako sa pinto and I heard him shouting
"Aaahhh!!!"
Pumunta muna ako sa salas. I didn't recognize that this place was a big house. Kaninong bahay to?
Wala rin si Chelsea tsaka yung isang lalaking kasama niya.
Umikot ako sa salas and noticed some picture frames...
T-teka. Ako to di ba?
The picture was of me and David, happy and smiling.
Ano ba talagang nangyayare? Anong totoo? Kailangan ko makausap si JC.
*boom!!
"Kumapit ka saken Belle!!"
"David ano nangyayare?!"
"Wala tayong preno!"
"Ha?!"
Nawala na kami sa kapit namin sa isa't isa and all I knew was nagpupumilit akong lumabas ng sasakyan.
"D-david!!! Nasan ka?!"
"Belle!! Sht!"
"JC!! Si David!!"
"Tara na!"
"No! Si David nasan?!"
"Tara na wala na tayong oras!!"
Nagpupumiglas pa ko kay JC bago ako nawalan ng malay.
Chelsea's PoV
Umalis kami sa bahay nina David. Pinabayaan namin sila magkasama.
That house was bought by David last year, lahat ng tungkol kay Belle makikita mo sa paligid. Sabi niya para kahit sa bahay man lang na balak nila, makasama niya si Belle.
Hindi ko alam magiging epekto nito kay Belle pero bahala na. Awang awa na ko kay David. Ayoko na silang mapahamak.
A year is enough.
"Chelsea!!"
Lumingon ako sa tumawag, and there I saw JC. Galit na galit.
Bago pa man makalapit saken si JC humarang na si Joseph
"Problema mo?!"
"Kakausapin ko lang si Chelsea pre"
"Ayoko"
"Pre. Konting oras lang"
"Hindi nga pwede!" Joseph sabay tulak kay JC but he just stood back up and ran towards me. Buti na lang magkakasama kami nina Benj so Benj was able to stop him.
"Chelsea!! Nasan si Lia?! Nasan asawa ko Chelsea!!"
"Asawa mo?! Baliw ka na ba?! Hindi mo asawa si Belle!!"
"Chelsea nagmamakaawa ako please!
Let me see her!""Tama na JC!! Let her be happy!! Let them be happy!! Masaya ka ba na buhay siya at ikaw ang kinikilalang asawa kahit sa totoo ay hindi naman?! Ha?!"
"I'm trying to be the man she wants!! Kaya nga lumayo kame!! Nagsusumikap ako ngayon! Wag niyo naman sayangin yon!!"
"Nasasayang ang buhay nung dalawa dahil sayo!! Dahil sa inyo!! Ano ba?!"
Tumigil na sa pagpupumiglas si JC. Napabagsak na lang siya sa sahig
"JC tama na. Gawin mo yung tama. Please. Para kay Belle"
BINABASA MO ANG
You and Me Against the World
FanfictionAre you willing to fight for your love even when the whole world is against it?