Jaeve POVPagkatapos mag walk out ni baby agad ko itong hinabol
Hehe napasobra ata ang pang aasar ko sakaniya
Yan tuloy baka isipin nun diko na siya mahalPagkahabol ko rito ay agad ko itong hinila at agad niyakap
"Sorry na inaasar lang naman kita eh!" sabi ko habang yakap yakap siya
"Che! Tumigil ka nga tyaka pwede ba bitiwan mo ako!"sabi niya
Sasagot na sana ako ng may biglang nagsalita
"Khate ano to? Bat kayo magkayakap!" tanong ni miles habang nakatingin samin
Yung mga barkada ko naman at sila mika ay parang gulat na gulat
Agad naman akong tinulak ni baby at kumalas sa pagkakayakap
"Ah ano miles kasi ano---!" di na natapos ni baby yung sasabihin niya nang sumabat si lemon
"Ano toh khate akala ko ba mahal mo yung bf mo!" sabi ni lemon
"Jaeve niloloko mo rin ba ang gf mo?" tanungo naman ni Zeke
"Lemon, miles, mika, please let me explain! Mali ang inaakala niyo OK?" sabi ni baby habang nakatingin kina miles
"Eh ano yung nakita naming magkayakap kayo!?" Tanong naman ni mika
"Khate alam mong ayoko sa bf mo pero ang lokohin siya mukhang masama naman na ata yun!" sabi ni miles
Wait what?
Khate POV
"Khate alam mong ayoko sa bf mo pero ang lokohin siya mukhang masama naman na ata yun!" sabi ni miles
Sasagot na sana ako ng sumabat si hambog
"Wait miles bakit ayaw mo sa bf ni khate?" sabi ni hambog
"Eh sa Facebook niya lang nakilala yun eh tyaka malay ko ba kung seryoso siya sa kaibigan ko!" sagot ni miles
"Sa Facebook? May gf din si jaeve sa facebook eh!" sabi ni Leo
"Kasi ano ganito yan si---" hindi ko na natapos yung sasabihim ko nang sumabat silang lahat maliban kay hambog
"Ibig sabihin kayong dalawa niloloko niyo ang mga gf/bf niyo!" sabi nila at talagang sabay sabay pa at magkaka parehas ang sinabi
Yung totoo? May script ba silaNapahilamos naman ako sa mukha at tumingin kay hambog na umiiling na nakatingin sa mga kaibigan niya
"Aish hindi hindi!" sabi ko
"Kasi ganito yan---!" sasabihin ko na sana kaso may sumabat na naman aishhh kanina pa nila pinuputol ang sasabihin ko ah
"Si khate ang girlfriend ko sa Facebook at ako ang kaniyang boyfriend gets?" sabi ni hambog
At nagulat naman sila"Whaaaaaatttt!"sabi nila at take note sabay sabay pa sila
Napailing nalang kaming dalawa ni hambog hayst.
Pagkauwi namin sa bahay agad akong nilapitan nila mika at hinila papunta sa room ko
Pagdating namin doon ay agad akong pinaupo nila mika sa sofa dito sa room ko at umupo naman sila sa harap ko
Tinaasan ko naman sila ng kilay
"B-bakit?" tanong ko
"Bakit Hindi mo sinabi samin ha!" sabi ni mika
"Kailan mo pa nalaman?"sabi ni lemon
"Gaga kailan mo balak na sabihin samin to ha! Pag ikakasal na kayo!" sabi naman ni miles
Grave kasal agad
"Oh easy lang naman kasi ano ganito kasi yan ano kasi ano hmmp ganito ano hmmm!" sabi ko habang napapakamot ulo
"Ahh alam ko na ano yan noh!" sabi naman ni mika
"Oo alam ko na rin ano kasi yun ano yhieee!"sabi naman ni Lemon
"Mga gaga anohin ko kaya diyan eh!" sabi naman ni miles
"Yucks miles nang aano kana!" sabi naman ni mika
"Che! Batukan kita diyan eh greenminded!" sabi ni miles
Napailing nalang ako
"Hayst. Ganito kasi yan okay? Hindi ito ano kasi ganito yan!
Nung linggo diba nagpaalam ako sa inyong imemeet ko si baby!
So ayun nga pumunta ako sa meeting place namin tapos nakita ko din si hambog kaya siyempre lumapit ako sakaniya at tinanong kung anong ginagawa niya dun at ayon nag usap kami hanggang sa chinat ko si baby kung anong kulay ng damit niya at sinabi niyang nakablack siya at may kaharap na babae kaya iginala ko yung paningin ko kaso wala akong nakitang nakablack at nang tumingin ako kay hambog nakita kong nalablack siya kaya tinanong ko kung Jaeve Harvard ba ang name niya kaso hindi raw dahil ang tunay niyang pangalan ay Zachary Jaeve Wakefield!!! At nang malaman ko ito nashock ako at ayon nagwalk out ako at naiwan ko yung gift ko para kay baby at nakuha yata ni hambog yun at nakitang para sakaniya yun at dun niya nalaman na ako yung gf niya kaya ayon!" pagkwekwento ko"Yhieeeee ikaw ha! Di mo man lang kinwento samin agad!" sabi ni mika
"Kaya nga nakakakilig kayo! Bagay na bagay kayo!" Sabi naman ni lemon
"Sinabi ba naming ikwento mo nag tanong lang naman kami diba!" masungit na sambit ni miles
"Ehh miles naman ang sungit sungit na naman!" sabi ni Mika
"Di ka parin ba boto sa baby ni khate?" tanong ni lemon
"Tinawag niya nga si khate na miss crazy woman sinong di magagalit dun!" sabi naman ni miles
"Pero naging friends naman na natin siya/sila diba!" sabi ko
"Oo pero di parin siya pasado sakin!" sabi ni miles at agad umalis
Haysttt mahihirapan ka dito Mr. Hambog
Whahahahaha💞💞💞💞💞💞💞💞💞💞💞💞💞
Don't forget to vote and comment mga baby
BINABASA MO ANG
That Gangster was my Facebook Boyfriend (Completed)
Teen FictionNaranasan mo na bang magkaroon ng boyfriend sa Facebook? ako? oo, i have a boyfriend on Facebook his name Zachary Jaeve Waekefield Hi! my name is Hermoine Khate Fajardo, 17 years of age, 5'4 of height,maganda haha charr... pinakamakulit saming magba...