Special Chapter

2.2K 88 9
                                    

Lemon POV

Whaaaaaa kinakabahan ako!
Hindi ko alam kung pano ko gagawin ang bagay na ito!
Mag sisinungaling ako sa parent's ko!!!

"Ayos ka lang?" Baling sakin ni Fred habang nagmamaneho papuntang bahay namin

Ngayon ko na kasi ipapakilala si Fred bilang Boyfriend ko para hindi matuloy ang kasalan na plinaplano nila Mommy
Sana sa paraang ito hindi na nila ituloy ang kasalang magaganap at hayaan na nila akong magdesisyon sa bagay na ito
Lalo na't kasama ko ang taong totoong minamahal ko

Napatingin ako kay Fred ng itinigil niya ang sasakyan sa gilid ng kalsada

"Bakit? May problema ba?" Nag aalalang tanong ko sakaniya

Pero hindi niya ako sinagot bagkos nag aalalang tinignan niya ako

"Ayos kalang ba? Tinatanong kita kanina pero hindi mo ako sinagot!" Nag aalalang tanong niya sakin

"Ha? Ahh ayos lang ako!.. sorry kinakabahan kasi ako!" Nakayukong sagot ko sakaniya

Napatingin ako sakaniya nang hawakan nito ang aking kamay

"Wag kang kabahan okay? Nandito lang ako sa tabi mo!" Nakangiting saad niya

Napatitig naman ako sakaniya bago gumuhit ang ngiti sa aking labi at tumango sakaniya

Ginulo niya muna ang aking buhok bago ulit nag simulang magmaneho

Pagkarating namin sa bahay namin ay mag holding hands kaming pumasok rito

Nadatnan namin sila Mama na nag aayos ng makakain sa dining area

"Ma!" Tawag ko sakaniya para maagaw ang atensyon niya

Napatigil naman siya sa ginagawa niya at napatingin samin bago dumako ang paningin sa mag kahawak kamay namin ni Fred

"Narito na pala kayo, umupo na kayo diyan at hihintayin na lang natin sila Freya at Ed
..!" Sabi ni Mama

"Pero Mama, bat pa sila pupunta rito! Don't tell me itutuloy niyo parin ang planong pagpapakasal sakin! Sinabi ko naman po sa inyong may boyfriend ako at Mahal na mahal po namin ang isa't isa!" Sabi ko at tumingin kay Fred

Ngumiti Naman ito sakin at mas hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko

Napatigil naman sandali si Mama sa ginagawa niya bago humarap at tumingin sakin

"Mamaya natin pag usapan yan pag narito na sila Freya!" Sabi ni Mama at tumingin kay Fred tsaka nginitian ito

Ngumiti Naman pabalik si Fred kay Mama kaya nagtatakang tumingin ako sa kanilang dalawa

Nabaling nalang ang tingin ko ng pumasok dito sa dining area ang kapatid kong si Zy

"Umupo na kayo riyan at ikaw Zy, tawagin mo na ang Papa mo sa Taas at baka paparating na sila Tita mo Freya!" Sabi ni Mama at pinagpatuloy ang pag aayos

Umalis naman kaagad ang kapatid ko habang kami ay walang nagawa kundi umupo habang pinapanood si Mama

Maya maya lang ay dumating na sila Papa at Zy

Tumingin naman sakin si Papa pero iniwas ko sakaniya ang tingin ko

Nagtatampo ako sakaniya!
Siya ang pinag kakatiwalaan ko sa lahat dito sa bahay pero trinaydor niya rin ako

Umupo si Papa sa kaharap kong upuan at nakayukong nilalaro ang kutsara at tinidor na nasa Plato niya

Tuwing inaangat niya ang kaniyang paningin sakin agad rin niyang ibinababa at yumuyuko dahil nakatitig lang ako ng masama sakaniya

Nabaling ang tingin ko kay Fred ng humigpit ang hawak niya sa kamay ko

"Bakit!?" Nagtatakang tanong ko pero tinignan niya lang ang Papa kong nakayuko parin sa harap ko ngayon

"Ano ba Papa! Para Ewan diyan na nakayuko! Mahiya ka nga, may bisita tayo!" Napatingin ako kay Zy ng ibinulong niya ito kay Papa

Bulong paba yun? Eh rinig na rinig namin eh!

Napabaling ang tingin namin sa pinto ng dining room ng marinig ang boses nila Tita Freya at nila Mama hanggang sa bumungad na nga sila samin

"Ohhh may bisita pala kayo!" Matamis na ngiti ang ipinukol ni Tita Freya sa katabi kong si Fred ngayon

"Ahhhh oo, kasintahan daw ni Lemon!" Baling ni Mommy kay tita Freya

" Owwwww kung ganun, wala na tayong proproblemahin pa!" Magiliw na sagot ni Tita tsaka umupo sa isang upuan rito sa hapagkainan

Nagtataka naman akong tumingin kay tita

"What do you mean tita?" Nagtataka kong tanong

Hindi na ba nila itutuloy ang kasalan^_^
Maganda kung ganun hehe

"Tutal Boyfriend mo naman na ang Anak ko, wala na tayong dapat problemahin.. tuloy na tuloy na ang kasal!" Laglag pangang napatingin ako kay Fred na nakangising nakatingin sakin ngayon

A-anak? Anak nila si Fred?
Siya ang mapapangasawa ko! Siya ang ipapakasal nila sakin!

"A-arayyyyyyy! A-a-arayyyy... L-le-lemon masakit!" Napapatayong namimilipit siya sa sakit habang pinipingot ko ang kaniyang mga tenga

"Bat hindi mo sinabi sakin agad ha! Alam mo na palang lahat! Hindi mo sinabi sakin!" Nag simula kaming maghabulan dito sa hapagkainan nang makatakas siya sa pagkakapingot sakin

"Ehhh para masurprise ka!" Ngiting ngiti niyang sambit habang nakikipag habulan sakin

"Masurprise mo mukha mo!" Sigaw ko sakaniya at tumigil na sa paghahabol sakaniya at umupo sa upuan ko kanina

"Tutal Fake Boyfriend naman kita!" Sambit ko mukhang nagulat naman silang lahat sa sinabi ko dahil napaawang lahat ng mga bunganga nila
Si Fred naman mukhang kinabahan sa sinabi ko
Haha epic!

"Ligawan mo muna ako! Alangan namang papakasalan na kita ni hindi pa natin naranasan maging magkasintahan diba!" Sabi ko at ngumiti sakaniya

Napangiti naman siya ng malawak at ganun na rin sila Mama

"Oo naman... Simula sa araw na to liligawan na kita! Payag naman po kayo tita, tito right?" Sambit ni Fred habang nakatingin kina Mama

Tumango naman silang dalawa kaya halos hindi na mabura ang pagkakangiti ni Fred haha

Sa wakas! Ang taong totoong minamahal ko, ang siyang for sure mapapangasawa ko na^_^^_^^_^

That Gangster was my Facebook Boyfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon