Chapter 49

1.7K 72 0
                                    


Khate POV

Masaya akong kaharap ang lalaking lubos kong minamahal habang siya ay nakatingin sakin ng gulat at halos hindi makapaniwala

Humakbang ako papalapit sakaniya hanggang sa isang hakbang nalang ang pagitan namin

"Happy birthday Hambog ko!" Hindi maalis ang ngiti sa ang mga labi habang nakatingin sakaniya

Hindi kita iniwan hambog ko pero pasensya na kung nagtangka at kamuntikan ko ng lisanin ang mundo mo

"Blow your cake baby! Pero mag wish ka muna hihi!" Napangiti siya habang may mga luhang nahuhulog sa mga mata niya

Ang daming luha ang nasayang dahil lang sa hindi pagkakaunawaang bagay
Pasensya na hambog ko kung hindi agad kita pinagpaliwanag
Umabot tuloy tayo sa ganito

"Kung panaginip 'to, sana hindi nako magising! Dahil hindi ko rin naman kakayaning mabuhay ng wala ka sa aking piling!" Garalgal ang boses niyang tugon sa akin

Mas lalo akong napangiti sa sinabi niya at ibinaba ang cake na hawak hawak ko
Nakakangalay eh

"Gusto mo bang sampalin pa kita para masabi kong hindi ka nananaginip?" Sabi ko at ngumiti sakaniya ng nakakaloko

Napatawa naman siya bago ako hinigit at niyakap na sobrang higpit
Niyakap ko rin siya pabalik

Ang higpit ng yakap niya at namiss ko to ng sobra!
Miss na miss ko na siya
Ang mga halik at yakap niya.. ang pag aalaga at pagmamahal niya sakin
Namiss ko ang lahat sakaniya

"A-akala ko iniwan mo na ako! A-akala ko tuluyan ka ng mawawala sakin! S-salamat dahil bumalik ka! Hindi ko alam ang gagawin ko kung mawawala ka sakin! Mababaliw ako pag nagkataon!"

Akala ko nga rin eh.. akala ko tuluyan ko tuluyan ng iiwan ang lalaking to
Akala ko tuluyan ng mawawala ang kalahati ng buhay ko
Hindi ko rin alam kung anong mangyayari sakin sa Korea kapag tumuloy
Baka hindi rin ako makaka concentrate dun

"I'm Sorry Baby Hambog ko!" Napangiti ako ng mas lalong humigpit ang yakap niya sakin

Wag kang mag aalala hinding hindi na ako mawawala sayo
Hindi ko na papairalin ang takot at galit ko
Ipag lalaban kita kahit na ano man ang mang yari

"S-sorry kasi hindi kita hinayaang magpaliwanag! Nasaktan tuloy natin ang isat isa at muntikan ko pang iwan ka!" Sabi ko

"Salamat kay Gemz, dahil kung hindi dahil sakaniya ay paniguradong wala na ako dito sa tabi mo't iniwan na kita!"

Salamat talaga sakaniya dahil binigyang linaw niya ang lahat

Flashback

"I'm sorry!" Pagkarating na pagkarating ko kung nasan si Gemz ay ayan agad ang ibinungad niya

Napatitig ako sa mga mata niya at inalam kung sincere ba siya sa sinabi niya

"W-walang kasalanan si Jaeve sa nangyari...!" Nakayuko niyang saad

Parang biglang nawala ang lakas ng loob niyang sagot sagutin ako kanina habang nasa harap ko siya ngayon

"Kasalanan ko to lahat! Kung hindi ko sana siya hinalikan nung araw na yun, hindi sana umabot sa ganito ang lahat... Kung hindi sana ako nakipag Meet sakaniya nung araw na yun, ayos pa sana ang lahat!" Nakayuko niyang sambit

"Para malinawan ka! Ikwekwento ko sayo ang nangyari... Hindi ko na idedetalyado ang lahat dahil makakapos tayo sa oras!" Nakatingin lang ako sakaniya habang hihintayin ang sasabihin na

"Simulan natin nung bumalik ako rito sa Pilipinas, kaya ako bumalik rito hindi dahil kay Zach kundi dahil gusto kong mag move on... Nagbreak kasi kami ng Boyfrieynd ko dahil pinag palit niya ako sa childhood Friend niya tsk
Sa tatlong taon naming pagmamahalan bigla nalang nagbago yun simula nung dumating ang Childhood friend niya hanggang sa bigla nalang siya naging cold sakin at nagulat nalang ako isang araw gusto na niyang makipag hiwalay sakin dahil may mahal na raw siyang iba at ayun ang Childhood friend niya.. sa sakit na natamo ko, bumalik ako rito sa Pilipinas para makalimot...wala sa balak ko ang guluhin kayo kaso hindi ko mapigilan ang sarili kong mag selos sayo..
Kasi dati rati pag umuuwi ako lagi akong nakadikit kina Zach pero ngayon nagbago ang lahat dahil dumating kana.. panatag pa ako nun nung hanggang chat chat lang kayo pero nung nalaman kong nagmeet na pala kayo ay doon nagsimula ang inis ko
Dahil alam ko sa sarili kong mawawala na ang atensyon niya sakin sakin... Kaya nagdesisyon akong guluhin kayo para mabalik sakin si Zach pero kamakailan lang napagtanto ko na rin na mali ako.. yung pagkatapos kong mag iskandalo sa Resort na halos mapatay mo na ako sa galit at nakita ang pag aalala at pag aalaga sayo ni Zach.. Napag isip isip kong mahal ka talaga niya at natural lang na mawalan na siya ng oras sakin dahil nga may girlfriend na siyang pagtutuonan niya ng oras ... Nakipag meet ako kay Zach nung araw kung saan nakita mo kami dahil magpapaalam na ako at babalik na ako sa Korea
Nang malaman niyang aalis na ako, sobrang saya ang makikita mo sa mukha niya... Nasaktan ako nun.. dahil akala ko malulungkot siya dahil aalis nako pero mali ako.. sa huling pagkakataon ay humuling ako sakaniya na kahit nung araw lang na yun, ay kung pwede sakin niya naman ilaan ang oras niya at gawin ang ginagawa namin dati... Tumambay sa park, magwindow shopping, kumain ng Street food at marami pa...
Para lang kaming mag kapatid..
Pero nung kumakain kami ng Street food hindi ko napagilan ang sarili ko lalo na sakaniya ko naaalala ang boyfriend ko..
Pasensya na..alam ko ang stupid ng paliwanag ko pero ako na ang nagmamakaawa... Patawarin mo na si Zach...wala siyang kasalanan kaya wag mo siyang pahirapan!" Mahabang paliwanag niya habang nag mamakaawang nakatingin sakin

That Gangster was my Facebook Boyfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon