Chapter 28

1.8K 75 3
                                    


Jaeve Pov

Nandito kami ngayon sa sala

Kaharap namin ngayon si baby na parang wala na naman sa sarili

Mukhang naalala na naman niya ang lolo niya

"Khate anak!" Napabaling ang tingin namin kay tita na tumatakbo papunta samin

"My gosh khate! Kanina ka pa namin hinahanap nandito ka lang pala!"sabi ni tita at lumapit kay khate at niyakap ito

"O-ok kana ba? Bat di ka nagpaalam samin na pupunta ka dito!? Pinag alala mo tuloy kami!"sabi ni Tita

"M-mommy s-sorry!" Umiiyak na sambit ni baby habang nakayakap din sa mommy niya

"Aish shhh tahan na okay? Move- on na okay? Di matutuwa lolo mo niyan sige ka!"sabi ni tita habang hinahagod ang likod ni baby habang pilit na pinapatahan

"Ito pala bigay ng lolo mo sayo! Iniwan niya daw ito para sayo!"sabi ni tita sabay bigay ng isa di kalakihang kahon

Kinuha naman ito ni baby at tsaka niya binuksan
At agad siyang napahagulgol ng makita ang laman ng kahon

Mga picture nilang magkasama, isang maliit na box kung saan nandoon ang bracelet and necklace na may diamond totoong diamond, isang sulat at dalawang plane ticket papuntang thailand

Kinuha ni baby ang mga picture nila ng lolo niya nung buhay pa ito at ang plane ticket papuntang thailand at niyakap ang mga ito
Kinuha niya din ang sulat ng lolo niya at binasa ito

Ang laman ng sulat

Dear Khate,

Apo, siguro pag binasa mo ito wala na ako dito sa mundo
Ginawa ko na itong sulat na ito kung sakaling mawala ako sa mundong wala ka sa tabi ko
Gusto kong humingi ng patawad dahil iniwan na kita,
Iniwan na kita kaya hindi na natin magagawa ang magbike sa park, di na tayo makakapunta sa thailand pero apo bumili na ako ng tickets para sa inyong dalawa ng minamahal mo
Di ko na rin natupad ang pangako kong hanggang 100+ na taon ang itatagal ko dito sa mundo dahil apo mahina na ang lolo
Marami na ding sakit kaya di na ako magtataka kung bigla nalang akong manghina at mawala sa mundo
Apo, wag mong hayaang lamunin ka ng lungkot
Lagi mong tatandaan na nandito lang ako sa tabi mo at diyan sa puso mo

Hindi mo man ako nakikita wag lang mag alala nakikita kita haha
Ahmm apo wag ng magmukmok ok? 
Magagalit ako sayo niyan
Nandiyan naman ang hambog mo para patawanin ka at ang mga kaibigan mong handang umalalay sayo pag malungkot ka
Pero isipin mo apo hindi lang ikaw ang nasasaktan tuwing nagkakaganyan ka
Nasasaktan din sila
Oh advance akong mag isip noh
Alam ko namang mag mumukmok ka at iiyak ng iiyak pero apo wag kang umiyak mahal ang luha
Dont worry apo mag sasama din naman tayo balang araw

Khate POV

Pagkatapos Kong basahin at tignan lahat ng litrato namin ni lolo ay umuwi na kami

Pati sila hambog umuwi na rin sa sarili nilang bahay habang kami ay dito sa bahay naming tatlo

Hinatid kami ni mommy dito pero umuwi na sila

Nandito ako ngayon dito sa room ko nakahiga habang inaalala ang mga nangyari

Ang daming nangyari sa dalawang linggo

Dalawang linggong sakit ang ipinaranas sakin

Pero ngayong linggo sana naman puro saya na at wala ng lungkot kasi feeling ko isang dahilan nalang mag brebreakdown na ako at diko na alam ang gagawin

Feeling ko diko na kayang bumangon pa para harapin ang bukas kung may dadating pa ngang pagsubok na magpapahirap sakin/samin

Ang sakit isipin na wala na si lolo at ngayon bumalik ang kababata ni zach na gustong umagaw mula sa pwesto ko bilang girlfriend ng hambog ko

That Gangster was my Facebook Boyfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon