Chapter 10

3.3K 157 8
                                    


Khate POV

Maaga akong nagising ngayon dahil sa excitement
Ngayon na kasi kami magmemeet ni baby kaya super duper excited na ako!

Nakangiti akong pumasok sa loob ng cr at habang naliligo ay nakangiti parin ako habang nag iisip kung ano kayang itsura niya hihi

Pagkatapos kong maligo agad akong lumabas
Nakatapis lang ako ng towel at may isang towel din sa may ulo ko
Pumunta ako sa may walk-in closet ko at naghanap ng masusuot
Halos Hindi ako makapili kasi andaming magaganda

Pero isang kulay red dress ang nakakuha ng atensyon ko kaya
Agad ko itong kinuha at nagpalit
Pagkatapos ay humarap ako sa salamin at nakita ko ang sarili ko

Yhieeeee ang ganda ko talaga

Nag ayos na ako pagkatapos ay kinuha ko na ung red sandals ko tyaka ung bag Kong red din haha
Nilugay ko LNG ang mahaba Kong buhok at naglagay ng pulbo at lip tint

Pagkatapos Kong mag ayos ay bumaba na ako
Naabutan ko sila mika na nakapajama pa at nanonoud sa may sala
Agad ko namang nakuha ang mga atensyon nila at halos manlaki ang kanilang mga mata ng makita nila ako

"Wow khate ganda mo ngayon ha!" sabi ni lemon

Ngayon lang?

"Yhieee ate how to be you po?" tanong ni mika pero nginitian ko lang siya

"San lakad mo?" pataray na tanong ni miles

Hmp. Sungit meron siguro

"Magmemeet po kami ni baby!" masayang sambit ko

Agad namang napatili yung dalawa habang si miles ayon kinunutan niya lang ako ng noo

Ayaw niya kasi sa baby ko dahil di ko daw alam kung baka niloloko niya lang ako

Diko nalang sila pinansin at lumabas na
Baka kasi di ako payagan ni miles eh hihihi

Agad akong sumakay sa kotse ko at pinaandar ito

After 30 minutes

Nandito na ako sa harap ng restaurant kung saan kami magmemeet ni baby
Nakangiti akong pumasok dito

Pagpasok ko agad kong nilibot ang tingin ko sa kabuoan ng restaurant hanggang sa natuon ang tingin ko sa isang lalaking nakaupo sa may dulo
Si Hambog

Nagtatakang lumapit ako sakanya
Pagkalapit ko sa kinauupuan niya agad akong umupo sa harap niya kung saan may isa pang bakanteng upuan na siyang nakaagaw ng pansin niya

"Oh miss crazy woman naliligaw ka ata tara hatid na kita sa mental!" sabi niya

"Ogag! Ikaw ihatid ko jan eh mas bagay ka yata dun!"sabi ko at nilabas yung cellphone ko

"Hahaha anong ginagawa mo dito?" Tanung niya habang nag cecellphone

"Bakit bawal ba ako dito?" tan ong ko habang nag oopen ng Facebook

"Oo, bawal ang baliw dito eh!" Rinig kong sabi niya

"Eh bakit ka nandito? Bawal ka pala dito eh!" sabi ko sabay tingin sakanya habang nakangisi

Napatigil naman siya sa pag cecellphone at napatingin sakin

"Tsk." Yun lang ang sinabi niya at nag cellphone na ulit

Haha ano ka ngayon hambog? Edi talo!!

Napatingin ako sa cellphone ko ng tumunog ito
Nakita Kong may chat na si baby
Kaya excited ko itong binasa

Baby:😘

Baby: Hi baby asan kana po?
Nandito na po ako!

Agad ko namang inikot ang paningin ko at hinanap siya

Me: nandito na din po ako!
Ano po bang kulay ng damit mo?

Ask ko habang naghahanap pa rin

Baby: nakablack po ako at may kaharap na babae

Chat nya
wow may kaharap na babae ha!

Hmp. Agad kong iginala ulit ang paningin ko

Nakablack?

Wala namang nakablack at puro sila may kasamang babae

Umayos ako ng upo at napatingin kay hambog
Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko syang nakablack

Hindi naman siguro siya noh?!!

"Diba ang true name mo ay Jaeve Harvard?" wala sa wisyong tanong ko kay hambog

Napatingin naman siya sakin

"Ha? Hindi ah!" sabi niya at tumingin ulit sa cp niya

"Kung hindi eh ano?" tanong ko

Napatingin ulit siya sakin

"Zachary Jaeve Waekefield!" sabi niya

Agad namang nanlaki ang mga mata kong nakatingin sakaniya
Siya? Siya si baby?

Hindi ako nakapaniwala na siya si baby!!

Ang layo ng ugali niya sa baby ko!
Pano nangyaring siya ang boyfriend ko sa Facebook!

Aish hindi ako makapaniwala!!

"Oh bakit ganyan ka makatingin sakin?" sabi niya

"I-ikaw si Z-Zachary J-jaeve W-Waekefield?" di paring makapaniwalang tanong ko

"Oo nga! Kasasabi ko lang diba?" sabi niya

"Pano nangyari yun?" di parin makapaniwalang tanong ko

"Malamang yun ang ipinangalan sakin ng parents ko tsk.!" sabi niya at nag cellphone na ulit

Nakatingin lang ako sakanya hanggang sa tumayo ako at naglakad palabas habang di parin makapaniwala
Bakit siya?
Pano nangyari yun?!
Eh ang sama sama sakin ng hambog na yun eh!
Pano nangyaring siya ang bf ko!!
Oh my gosh
Diko na Alam gagawin ko
Naiwan ko pa sa loob yung gift ko para sana kay baby kaso ayaw kong bumalik sa loob
Nandun naman siya di kunin niya nalang para naman sakanya yun eh aishhhhhhh
Eotteoke!!!

Jaeve POV

Nagtataka akong napatingin kay miss crazy woman na papalabas dito sa restaurant para siyang tanga na ewan

Ang weird niya grave

Iiling iling akong ibinalik ang tingin sa cellphone ko pero nabaling yung tingin ko sa paper bag na dala dala niya kanina
Naiwan pa niya yata tch.

Ano naman kayang laman nito at para kanino?

Agad ko itong kinuha at tinignan yung name na nakalagay

To: Zachary Jaeve Waekefield
My baby

From: Hermoine Khate Fajardo
Your baby

Agad nanlaki ang mga mata ko ng mabasa ko ito at di makapaniwalang tumingin sa pintuhan na pinaglabasan niya
Fuck! Siya si baby?
Ang girlfriend ko sa Facebook?
Pano naging siya?

Hindi parin ako makapaniwalang tumingin sa name na nakasulat dito sa paper bag na naiwan ni Miss crazy woman este khate

Kaya pala ang bilis ng tibok ng puso ko kapag kasama o kausap ko sya at kaya pala tuwang tuwa ako kapag naaasar ko siya dahil siya pala ang babaeng laman ng puso

Nakakatawang isipin na bakit hindi ko nalaman yun agad

Hindi ko alam na ang babaeng pinakamamahal ko ay nasa malapit at kasama ko lang pala!

💞💞💞💞💞💞💞💞💞💞💞💞💞

Owwwwww yan nag meet na sila

Dont forget to vote and comment mga baby😊

That Gangster was my Facebook Boyfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon