Chapter 48

1.7K 69 0
                                    


Jaeve POV

Dalawampung minuto, dalawampung minuto na akong nag iikot upang mahanap si Baby kaso ni anino niya ay hindi ko nahagip

Napaupo nalang ako sa tabi sa labis na pagod at panghihina

Nawawalan narin ako ng pag asang mahahanap ko pa siya at hindi pa siya nakaka alis ng bansa

Kinse minutos na kasi ang lumipas ng lumipad ang eroplanong sasakyan niya papuntang Korea pero umaasa parin akong hindi niya ako iiwan

Pero ang pag asang meron ako ay katiting nalang dahil alam kong kahit malabo ay ipinapanalangin ko paring hindi siya aalis at tuluyan akong iwan

Nawawalan nako ng pag asa

Napayuko ako sa sariling tuhod ko at hinayaang tumulo ang luhang nagbabadya

Nasan kana ba baby!!
Sumusuko ka na ba talaga?
Susukuan mo na ba talaga lahat?
Tuluyan mo na ba talagang kakalimutan ang mga pangako at mga pangarap natin?
Iiwan mo nalang ba lahat sakin ng mag isa?
Iiwan mo na ba talaga ako?
Pinuputol mo na ba talaga lahat ng meron satin?
Hindi ko kaya baby! Hindi ko kakayaning mawala ka sakin! Bumalik ka na please! Hindi ko kayang mabuhay ng wala ka!! Hindi ko kakayanin ang mag isa!!

Napaangat ang tingin ko ng may mag abot sakin ng panyo

"Uwi na tayo! Wala na, umalis na siya!" Malungkot na saad ni Zeke habang inaabot sakin ang isang panyo

Hindi ko siya pinansin bagkos inilibot ko ang aking paningin umaasang sa huling pagkakataon ay mahagip ko na si Baby
Kaso bagsak balikat akong tumayo at nagsimulang maglakad pabalik sa kotse

Ang ganda ng regalo mo sakin baby!
Ang ganda!!! Nakakatangina sa ganda!
H-hindi ko aakalain na ganito pala kasakit ang mararamdaman ko sa araw na'to
H-hindi ko aakalain na halos madudurog ang puso ko ngayong kaarawan ko na'to
Hindi ko to inaasahan! Sana naman sinabi mo sakin para napaghandaan ko diba?
Ang sakit grave! Damn it... ngayon ko lang naramdaman ang pakiramdam nato!
Halos dinudurog ang buong pagkatao ko!
Parang nawala ang Kalahati ng buhay ko ngayon wala ka na sa piling ko!
Sana naman, sana naman isang panaginip lang 'to
At pakiusap gisingin niyo na ako sa bangungot na 'to
Mamamatay na ko sa sakit! Hindi ko na kaya ang sakit na nararamdaman ko!!

Buong byahe ay tahimik lang kami
Wala akong time para makipag usap sakanila at tsaka busy rin naman silang lahat eh
Si Leo at Fred nagcecellphone habang si Zeke busy sa pag mamaneho

Nakatingin lang ako sa daang tinatahak namin papauwi sa University
Ayaw ko munang umuwi sa bahay
Alam ko namang may paparty na naman si Mommy dun at wala akong balak magsaya ngayon
Bigla akong nawalan ng gana sa lahat
Parang nakakawalang gana na nga ring mabuhay lalo na pag iniisip kong wala narin namang saysay dahil iniwan na rin naman ako ng babaeng nagbibigay buhay sa akin

Walang akong kabuhay buhay habang naglalakad patungong tambayan habang ang mga kaibigan kong busy parin at masayang nagcecellphone
Buti pa sila nagagawa nilang ngumuti at tumawa habang ako pakiramdam ko dala dala ko lahat ng mga mabibigat na bagay sa buong mundo

Ang bigat ng pakiramdam ko at ang sakit ng puso ko

5:30 PM na at medyo dumidilim na
Siguro magkukulong nalang ako sa kwarto
Ayaw kong maglasing dahil kahit naman maglasing ako hindi niya parin mababawasan ang sakit na nararamdaman ko ngayon
Makakalimutin ko lang sandali pero manunumbalik pa rin ang sakit

Ano kayang nararamdaman mo ngayon baby?
Masaya kaba o kagaya ko nasasaktan rin?
Sana masaya ka, kahit ako na ang masaktan wag lang ikaw

Nakarating na kami sa tambayan at ang ipinagtataka ko kung bakit hindi nakalock ang pinto
Ang alam ko nilock nila 'to bago sila pumunta sa court kanina

Sinawalang bahala ko nalang ito at dahan dahang binuksan ang pinto

Napatigil ako sandali ng may marinig akong kumakanta

Kumakanta ng birthday song!!

"Happy birthday to you!"

Humakbang ako papasok sa loob
Tumulo na naman ang luha sa aking mga mata dahil sa hindi maipaliwanag na nadarama

"Happy birthday to you!"

Tawagin niyo man akong bakla o iyakin ay wala ako pakialam
Ganito lang talaga ang pusong nagmamahal

"Happy birthday, happy birthday!"

Dahan dahan akong humakbang patungo sa sala at bawat hakbang ko ay may umiiilaw na kandila sa magkabilaan ko

"Happy birthday to you!"

Mas lumalakas rin ang naririnig kong pagkanta habang papalapit na papalapit ako sa sala
Napatigil ako at halos manlambot ang tuhod ko ng makarating ako roon

"Happy birthday to you!"

Sunod sunod ang pagpatak ng luha ko habang nakatingin sa babaeng nakatayo ngayon sa harap ko habang kumakanta ito ng birthday song at may hawak hawak na cake

"Happy birthday to you!"

Nakangiti ito habang nakatingin sakin at may mga butil ng luhang nahuhulog sa kaniyang mga mapupungay na mata

"Happy birthday, Happy birthday!"

Humakbang siya ng ilang beses papalapit sakin at tumigil lang ng isang hakbang nalang ang pagitan namin

"Happy birthday Hambog ko!" Umiiyak ngunit may ngiti sa mga labing sambit niya sakin

"Blow your cake baby! Pero mag wish ka muna hihi!" Napangiti ako habang hindi makapaniwalang nakatingin sakaniya ngayon

Nananaginip ba ako?
Ngayon, nakikiusap akong kung panaginip lang 'to pakiusap wag niyo nakong gigisingin pa!

Inangat ko ang mga kamay ko para mahawakan ang kaniyang mukha at punasan ang mga luhang pumapatak sa kaniyang mga pisngi

"Kung panaginip 'to, sana hindi nako magising! Dahil hindi ko rin naman kakayaning mabuhay ng wala ka sa aking piling!" Umiiyak ngunit nakangiti kong saad habang titig na titig sa mata niya

Napangiti naman siya at ibinaba ang cake sa mesang katabi niya

"Gusto mo bang sampalin pa kita para masabi kong hindi ka nananaginip?" Sabi niya habang nakangiting nakakaloko

Napatawa naman ako bago siya higitin papalapit sakin at niyakap ng sobrang higpit

"A-akala ko iniwan mo na ako! A-akala ko tuluyan ka ng mawawala sakin! S-salamat dahil bumalik ka! Hindi ko alam ang gagawin ko kung mawawala ka sakin! Mababaliw ako pag nagkataon!"

Ang higpit ng yakap namin sa isat isa pakiramdam ko ilang taon kaming hindi nagkita't nagkasama

"I'm sorry Baby Hambog ko!" Bulong niya sakin kaya mas lalo akong napayakap ng mahigpit sakaniya

Bakit siya nag sosorry? Iiwan niya ba ulit ako? Nagsosorry ba siya dahil aalis na talaga siya
Parang biglang bumalik sakin ang kabang meron ako kanina habang nililibot ang buong airport at hindi siya mahagip
Natrauma ata ako sa I'm sorry niya nung last last naming pagkikita
Kung saan nakipag hiwalay siya sakin

"S-sorry kasi hindi kita hinayaang magpaliwanag! Nasaktan tuloy natin ang isat isa at muntikan ko pang iwan ka!" Sabi niya habang nakayakap parin sakin

Nabura na parang bula ang kabang namuo sa dibdib ko ng marinig ang sinabi niya
Napalitan ito ng walang humpay na saya
Bumalik na ang baby ko
Hindi na niya ako iiwan pa!

"Salamat kay Gemz, dahil kung hindi dahil sakaniya ay paniguradong wala na ako dito sa tabi mo't iniwan na kita!" Sabi niya sakin kaya napatingin ako sakaniya

Kumalas siya sa pagkakayakap sakin at tumitig sa mga mata ko

"Hindi ko dapat hinusgahan agad ang nakita ko, dapat pinagpaliwanag muna kita!"

End of chapter 48

That Gangster was my Facebook Boyfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon