Chapter 36

1.3K 70 2
                                    


Miles Pov

"Khate!!" Nanghihinang sambit ko saka ako napaupo sa kinatatayuan ko habang nakatingin sa Bus na papalayo samin ngayon

Pumatak na naman ang mga luhang kanina pa umaagos sa pisngi ko

Pano? Panong nangyari to?
Anong nangyari? Ha! Anong nangyari?
Please paki explain sakin!!

"H-hindi 'to ang ninanais kong mangyari!" Rinig kong bulong ng babaeng punot dulo ng problemang ito

Napatigin ako sakaniya na siya ring saktong pagtingin niya rin sakin

Sinamaan ko siya ng tingin kaya siya napaatras at halos mamutla ng tumayo ako mula sa pagkakasalampak sa lupa

"A-anong sinabi mo? Hindi ito ang ninanais mong mangyari? Hindi ito ang gusto mong mangyari ha? Kung hindi ano? Yung pumunta sa gitna ng kalsada ang kaibigan ko at magpasagasa ganun ha? Ang tumalon sa building at malagutan ng hininga? Yun ba? Yun ba ang gusto mo? Ha?" Sigaw ko sakaniya

Sobrang nang gigigil ako ngayon!! Gusto kong itulak siya sa kalsada at masagasahan pero nagtitimpi lang ako dahil alam kong kakamuhian ako ni khate pag ginawa ko yun

"Ikaw ang punot dulo nitong problemang 'to!! Bat ka pa ba kasi bumalik? Bat kailangan mo pang bumalik at guluhin ang kwento nilang dalawa? Bakit kailangan manira ka? Ano ba ang role mo sa kwentong ito ha? Isa kang kontrabida kaya wag kang mangarap na ikaw ang magiging leading lady!!" Sigaw ko muli sakaniya habang nanginginig naman siyang nakayuko sa harap ko habang umiiyak

"Sorry! H-hindi ko naman gustong guluhin sila!" Paghingi niya ng paumanhin

At halos matawa ako sa sinabi niya

"Hindi mo gustong guluhin sila? Woahhh grave nakakatawa ka alam mo ba yun? Simula pa lang dumating ka rito pang gugulo na ang dala mo? At ngayon heto nagulo mo na sila, nasira mo na! Nakasakit kana! Ano masaya ka na! P*tangina mo hindi ito ang ninanais mo pero tignan mo ang ginawa mo!!! K*ngina nang gigigil ako sayo alam mo ba yun!! Kung pwede lang sapakin kita at itulak sa may kalsada ginawa ko na! Kaya kung ako sayo umalis kana bago pa mag dilim ang paningin ko! Alisss!!!" Sigaw ko

Dali dali naman siyang tumalikod sakin at naglakad papalayo

"Pag may nangyari sa kaibigan ko! Magtago kana!!" Sigaw ko sakaniya
Napatigil naman siya kunti pero agad ring itinuloy ang paglalakad

Napatingin ako kay Jaeve na nanlulumong papalapit sakin habang basang basa ng luha ang mukha niya

Napatingin siya sakin ng medyo malapit lapit na siya pero agad ring napayuko

"Mag ready ka na! Dahil sa oras na ito alam kong alam mong mawawala na siya sayo!! Napaka Gago kasi!" Sambit ko at saka siya tinalikuran

"Simula sa araw na ito! Wag na wag ka ng magpapakita sakin dahil oras na malaman kong may nangyaring masama sa kaibigan ko, baka mapatay kita! Pagbibigyan muna kita sa pagpapaiyak sa kaibigan ko pero once na nakita ko siya at may isang galos man lang sa katawan niya magtago kana rin gaya ng kabit mo!" Seryosong sambit ko bago ko siya iniwan roon

Bumalik ako sa parking lot ng mall kung saan ko pinark ang kotse ko saka ako umuwi sa bahay namin
Baka naroon na si Khate

Pagkarating ko sa bahay namin dali dali akong pumasok sa loob ng may marinig akong mukhang nabasag

Si Khate?!!

"Khate?" Sigaw ko habang tumatakbo papasok sa loob ng bahay

"Khate!!" Sigaw ko ulit ng makapasok ako sa loob at saka ko nilibot ang paningin ko sa loob ng bahay at hinanap si Khate

That Gangster was my Facebook Boyfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon