Khate POV
Sampung araw na kaming nandito sa bahay nila Hambog at sampung araw na din akong nakakulong dito sa loob nang bahay nila dahil hindi ako makalakad
Sampung araw na rin akong nabobored dito dahil wala man lang akong makausap pag pumapasok sila sa klase
Tanging panonoud lang ng TV at pagsasagot sa mga binigay sakin ng mga professor kong mga questioner
Medyo okay narin naman itong mga paa ko eh medyo kumikirot lang pag naglalakad ako o tumatayo lang
Kung tatanungin niyo kung anong nangyari sa monthsarry namin?
Kung nakapag enjoy ba kami na kahit hindi natuloy ang hiking namin dahil sa mga paa ko?
Haha kung alam niyo lang kaso hindi eh pero ikwekwento ko kung anong nangyari
Flashback
our monthsarry
Gumising akong nakangiti dahil ngayon ang monthsarry namin ni baby hambog ko
Paggising ko wala na siya sa tabi ko
Nga po pala natutulog po ako lagi sa room niya pero wala pong nangyayari samin ha dahil may respeto at mabait ang hambog ko
Tatayo na sana ako nang bumukas ang pinto at pumasok dito sila Miles at Lemon
"Kain na!" sabi sakin ni Miles at lumapit sila sakin at inaalalayan akong tumayo hanggang sa makapasok ako sa CR para makapaghilamos at makapagtoothbrush
Pag katapos inayos ko muna sandali ang sarili ko bago kami pumunta sa dining room
Pagdating namin dun naabutan namin sila hambog na nag aayos ng mga pagkain
Nang makita nila kami ay agad silang ngumiti samin
Si hambog naman ay nakangiting lumapit sakin
"Good morning Miss crazy woman ko!" Bati niya at inalalayan akong umupo sa isang upuan
"Good morning din hambog ko!" ngiting bati ko rin pabalik sakaniya
"Goodmorning din mga siraulong tropa ko!" Bati ko sakanila
"Good morning din tropa naming kulang kulang!" sabi ni Zeke kaya napangiwi ako
"Tara na Kain na tayo lalamig na yung pagkaing pinaghirapang lutuin nang hambog mo!" sabi ni Mika at umupo na
"Suss dami mo pang sinasabi ang sabihin mo nagugutom ka na!" sabi ni Zeke Kay Mika
Agad naman siyang tinarayan nito haha
"Baka ikaw ang gutom diyan at sakin mo lang pinapasa hmp!"sabi ni Mika
"Hayst Magsisimula na naman kayo!" Sabi ni Miles at umupo na rin
Tumahimik naman ang dalawaNagpray muna kami bago simulan ang pagkain
Pagkatapos naming kumain ay nagprisinta na sila Lemon na maghugas habang kami nila Hambog ay pumunta sa sala para manood
Habang nanonood kami ay lumapit sakin si leo na may dalang juice at binigay sakin
Nakangiti ko naman itong inabot at nagpasalamat sakanya tsaka ito ininom
Pagkatapos kong inumin ang juice ay nilagay ko na ang baso sa table na kaharap namin at tsaka sumandal na kay hambog
Yumakap naman siya sakin at hinalikan ang noo ko tsaka siya bumalik sa panonood ng K-drama
Nakinood na din ako pero maya maya lang ay nandilim na ang aking paningin at hindi ko na alam ang nangyari
Nagising ako sa malakas na pagkatok sa may pinto at naririnig ko din sa labas ang boses nila Miles
BINABASA MO ANG
That Gangster was my Facebook Boyfriend (Completed)
Teen FictionNaranasan mo na bang magkaroon ng boyfriend sa Facebook? ako? oo, i have a boyfriend on Facebook his name Zachary Jaeve Waekefield Hi! my name is Hermoine Khate Fajardo, 17 years of age, 5'4 of height,maganda haha charr... pinakamakulit saming magba...