Chapter 43

1.3K 61 0
                                    

Khate POV

Nagising ako sa pagkakatulog dahil sa ingay sa baba
Kaya kukusot kusot mata akong bumangon at lumabas para tignan kung ano ang nagyayari

Pagkababa ko ay natawa ako sa nadatnan ko

Ang mga barkada ko ay nandito at lahat sila ay nakapalibot ngayon kay Josh

Kinukurot, sinasabunutan, hinahaplos at tinititigan nila ito na parang kanila

"Kung mas nauna lang kitang nakilala, siguro tatandang binata si Zeke!" Sabi ni Mika habang kinukurot ang mga pisngi ni Josh

"Whaaaaaaa ang lambot ng buhok mo! Akin nalang!" Sabi naman ni Lemon habang hinahaplos at medyo sinasabunutan si Josh dahil mukhang ingit na ingit ito sa buhok nito

"Kung hindi ko lang mahal si Leo, ikaw nalang jojowain ko!" Sabi naman ni Miles habang tinititigan si Josh at ang kawawang Josh walang magawa kundi ngumiti nalang sakanila

"Ahem!" Kunwaring ubo ko para maagaw ko ang atensyon nila at nagwagi naman akong agawin ang atensyon nilang ipinupukol lang kay Josh

"Whaaaaaaaaa Khate!!!!" Sigaw ni Mila at Lemon tsaka sila tumakbo papunta sakin at dinamba ako ng yakap habang Miles naman ay nakangiti lang na nakatingin samih

"Dimo ba ako namiss? Ilang araw rin tayong di nagkita!" Nakangiting sambit ko habang nakatingin sakaniya

Tumayo naman siya sa pagkakaupo at patakbong lumapit samin at nakisalo sa yakapan namin

Goshhhhh i miss them

"Namiss ko kayo!"

"Namiss ka rin naming gaga ka!" Sabi ni Miles habang yakap yakap parin ako

Pagkakalas ng yakap namin ay nakatanggap ako sakanila ng tag iisang batok galing sakanila huhuhu

"Para san yun?" Nakangusong tanong ko

"Gaga ka! Meron naman kaming mga kaibigan mo para magcomfort sayo pero iniwan mo kami at naghanap ka pa ng hot na Fafa'ng masasandalan mo! Nandito naman si Lemong Pader na pwedeng sandalan oh?" Singhal sakin ni Mika

Napatingin naman ng masama si Lemon kay Mika dahil sa sinabi niya hahaha

"Feeling mo naman! Pader ka rin naman ah! Si Miles lang kaya at si Khate ay may malalaking bundok tapos tayong dalawa ay patag na, walang umbok!" Nakangusong saad ni Lemon

Napatawa naman kami ni Miles at pati narin si Josh habang si Mika napapakamot batok at nahihiyang tumingin kah Josh

"Bawal kang makinig Love! Takpan mo ang tenga mo!" Sabi ni Mika kay Josh pero tinawanan lang siya nito

"Hoy anong Love ka diyan! Sakin lang ang hubby ko!" Sigaw ni Lemon kay Mika habang masama ang tingin dito

"Anong Love? Anong hubby? Asawa ko yan! Mga assumera!" Sabi ni Miles sabay punta kay Josh at pumulupot sakaniya

Naiwan namang nakangiwi sila Mika at Lemon sa tabi ko hahaha

Napapailing nalang akong lumapit sakanila at nakiupo sakanila sa sofa

"Sabi ko naman kasi sayong magkulong ka sa kwarto! Ayan tuloy pinagka guluhan nila ang pangit mong mukha!" Iiling iling kong saad

Nagreact naman kaagad ang baliw kong nga kaibigan hayst

"Anong pangit? Ang gwapo niya kaya!" Miles

"Ang kyut niya rin!" Dagdag pa ni Lemon at tumabi sakin

"At ang hot niya pa!" Dagdag rin ni Mika at pumulupot sa kabilang braso ni Josh

Nginisian naman ako ni Josh kaya napa roll eyes nalang ako

"Umamin nga kayo sakin! Ako ba talaga ang ipinunta niyo rito o itong lalaking 'to?" Nakasimangot kong saad habang turo turo pa si Josh

Napatawa naman silang tatlo

"Hahaha Khate naman!" Malambing na sambit ni Lemon tsaka pumulupot ang kamay niya sa braso ko

"Hahaha sino bang pupuntahan namin rito! Siyempre--"

Taas kilay kong hinintay ang sagot nila at halos mahambalos ko sila ng unan sa sinagot nila

"Siyempre-- si Josh! Hahahahaha!" At talagang sabay sabay pa nilang sinambit ang katagang iyan habang tumatawa pa! Mga walanghiya!!!! =_==_==_=

"Argghhhhhhh i hate you all!" Sigaw ko sakanila tsaka ako nag walk out

"I love you too Khate!!" Sigaw nila tsaka sila nagsitawan at ang walanghiyang Josh ay nakitawa rin aishhhhhh

Pumunta ako sa kusina at naghanda ng memeryendahin ng mga walanghiyang yun tsk.

Nag timpla lang ako ng juice at kumuha ng mga baso bago pumunta sakanila at inilapag sa kaharap nilang mesa roon

Bumalik ako sa kusina at kinuha ang buong cake sa may ref. Alam ko namang kulang pa nila kung tag iisang slice lang sila eh

Mga patay gutom kaya ang mga yun! Lalo na si Mika!!

Inislice ko muna ang cake bago ko ipinunta sakanila at bumalik uli sa kusina at kumuha ng mga platito at tinidor

"Oh mag meryenda na kayo!" Sabi ko at umupo sa tabi ni Miles

Nagsikuha naman sila ng sarili nilang cake at nagsikain

Habang busy sila sa pagkain, humarap sakin si Miles

"Kailan alis niyo!?"

"Hindi pa namin alam eh pero inaayos na ni Mommy ang mga passport namin"

"For sure next week lilipad ma kayo papuntang Korea!" Malungkot niyang saad

"Maybe! Mabilis lang naman aayusin ni Mommy ang passport namin eh!" Nakangiti kong saad habang nakatingin sakaniya 

"Don't worry! Sa nalalabi naming araw rito, uubusin ko ang oras ko para sa inyo!" Tumingin ako sakanilang lahat habang may nakaukit na ngiti sa labi

"Ehhh pano yan! May pasok kami tuwing umaga! Di hapon lang tayo magkakasama sama!" Bakas ang lungkot sa boses ni Mika habang binibigkas ang mga salitang iyan

"Pupunta kami bukas ni Josh sa University, aayusin ko pa yung about sa pagtratransfer ko!" Sagot ko

"Pano kung magkita kayo ni Jaeve?" Tanong naman ni Lemon na siyang nakapag patigil sakin

Hindi ko alam isasagot ko sakanila
Hindi ko alam!
Pano nga kaya? 
Pano kung magkita kami?

Nabaling ang tingin ko kay Josh nang magsalita ito

"Don't worry, kasama naman niya akong pupunta bukas! Hindi ko siya pababayaan!"

Napangiti ako habang nakatingin kay Josh
Nagpapasalamat ako dahil nandito siya..

Naka uwi na sila Miles, marami pa raw silang gagawin na assignment at project kaya bukas nalang daw nila ako to torturin ng mga tanong

"Akyat nako! Matutulog na muna uli ako!" Pagpapaalam ko kay Josh bago tumalikod sakaniya at nagsimulang maglakad ngunit agad rin akong napatigil ng marinig ang Tanong niya

"Matutulog o iiyak na naman?"

Tumingin ako sakaniya at ngumiti

"As usual! Iyakin nga ako diba?" Nakangiting saad ko at tuluyan ng iniwan siyang mag isa roon

End of Chapter 43

That Gangster was my Facebook Boyfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon