Chapter 46

1.5K 66 0
                                    


Khate POV

"Sure ka ba talagang aattend ka pa sa Birthday ni Jaeve mamaya?" Tanong sakin ni Mommy habang tinutulungan ako nag eempake ng mga gamit ko

"Nangako ako kay Dean, Mommy eh! Ayaw ko naman siyang biguin!" Sabi ko habang nagtutupi ng mga damit

"Pero mas magandang hindi ka nalang pumunta baby, baka mas lalo ka lang masaktan kapag pupunta ka pa roon!"

"Mommy, kung hindi mo kasi ako pina punta sa University di sana hindi ako nangako kay Dean na aattend at mag peperform ako sa birthday ni Jaeve!" Sagot ko kay Mommy

"H-hindi ko naman alam na ganun pala ang mangyayari 'no! Kung alam ko lang di sana hindi pa kayo hiwalay ngayon!"

Napatigil ako sa ginagawa ko at humarap kay Mommy

"Mommy, nagugutom po ako! Lutuan niyo nalang kami ng makakain at ako ng bahala rito!" Napatigil naman si Mommy sa ginagawa niya at tumingin sakin

"May mali ba akong nasabi?" Tanong niya

Umiling naman ako

"Sige na Mom, ako ng bahala rito!"

Tumango naman siya at tumayo sa kinauupuan niya

"Anong gusto mong kainin?"

"Kahit ano na diyan Mommy, tanungin mo nalang si Josh kung ano ang gusto niya!" Sabi ko at tinuloy na ang ginagawa

"Owww sige! Dalian mo diyan ah para makapag ayos kana!" Sabi niya

Tinanguan ko nalang siya at di na pinansin

Pagkalabas niya, agad akong napabuntong hininga

Aattend ako ng birthday mo para makita ka at para makapag paalam na sayo

Alam kong nasaktan kita nung huli tayong nagkita pero mas nasasaktan ako dahil mukhang hindi na muli tayo magkikita

"Hintayin mo nalang ako rito, pagkatapos kong magperform aalis rin agad tayo!" Pagpapaalam ko kay Josh

Narito na kami ngayon sa University para umattend sa birthday ni Jaeve

Alam kong tama si Mommy na dapat hindi nako pumunta dito dahil baka masaktan lang lalo ako pati siya at baka nga masira ko pa ang birthday niya pero sana naman hindi mangyari yun

"Khateee!" Kumakaway na sigaw ng mga kaibigan ko

"Nagsisimula na ba? 3:15 na eh!" Tanong ko sakanila

"Oo nagsisimula na, kanina ka pa hinahanap samin ni Dean eh!" Sagot ni Lemon

"Ahhhh sige pasok na tayo!" Pag aaya ko at tsaka kami pumasok dito sa Court kung saan gaganapin ang kaarawan ni Jaeve

Pagkapasok namin agad naagaw ng paningin ko si Jaeve na nakaupo sa taas ng stage at halos walang pinag bago ang itsura niya nung huli kaming nagkita
Tanging ang damit at ang ayos lang ng buhok niya ang nagbago pero ang mukha niyang may malalaking eyebags at magang mata ay nandoon parin

Nakaramdam ako ng awa at pag aalinlangan kung itutuloy ko pa ba ang pagkanta ko o aatras nako pero mukhang huli na ang lahat dahil tinawag na ang pangalan ko

Bakas sa mukha ni Jaeve ang gulat ng marinig nito ang pangalan ko
Inilibot nito ang kaniyang paningin hanggang sa tumigil ang paningin niya sakin

Nasa akin lang ang atensyon niya habang naglalakad ako papuntang stage

Titig na titig sakin at ganun rin ako sakaniya

Pagkarating ko sa stage kung saan naroroon si hambog halos manlambot ang mga tuhod ko ng makita ng malapitan ang malungkot niyang mukha

Parang hindi ko na kayang ituloy ang kantang Alam kong mas lalong magpapalungkot sakaniya at alam kong masasaktan siya

Nagsimula na ang intro ng unang kakantahin ko

I Will Forget You by Park Shin Hye

(Basahin niyo po yung english niya... Dun niyo malalaman kung gaano kasakit ang lyrics nito... Pakinggan niyo rin po..search niyo nalang hehe)

"Geureol geomnida ijeul gomnida oneulbuteo nan
Geudaeran saram moreuneun geobnida hanbeondo bon jeok eomneun geobnida
Gireul geotdagado seuchin jeok eomneun"
(I will forget you... starting from today
I dont know you. I have never seen you
We never ever walked pass each other)

Nag simula tayo sa simpleng Hi lang
Hanggang sa naging magkaibigan na nauwi sa mag ka-ibigan
Na kahit sa Facebook lang tayo nagkakakwentuhan at nagkukulitan
Ay lumalim ang ating pagmamahalam
Lalo na nung nagkita na tayo na hindi natin aakalain na tayo pala ang magkasintahang sa Facebook lang nag ka kilala
Naging masaya tayong dalawa kasama ang mga siraulo nating barkada

"Gwaenchanseumnida ijeossseumnida
Bappeun ilsange haengbokhajyo
Geunsahae boineun saramdo mannago"
(I'm okay.. i forgot everything
I'm happy with my busy life
I've met a great person too)

Hanggang sa dumating siya
Ang babaeng dahilan kung bakit tayo magkakalayo't masisira
Naging medyo complikado ang lahat
At nagsimulang dumating ang mga problema
Hanggang sa naging ganito tayong dalawa

"Sarangi sa geureochyo
Shigani gamyeon huimihaejyeo
Gi eokjocha hal sudo opgetjyo, oh"
(Love is always lime this
It fades away after some time
I want even be able to remember)

Pumatak ang isang butil ng luha sa iyong mga mata hanggang sa sunod sunod na ito

Napatingin ako sa taas para pigilan ang luhang nagbabadya naring mabuo at mahulog sa mga mata ko

"Sarangi gamyeon ddo dareun sarangi dashi ol gomnida kkok geureol geomnida
Jigeumeun apada jogeumman jinamyeon amul geomnida(2x)"
(When love goes away, another love comes again
It definitely will...
Even if it hurts now, it will heal a little later[2×])

Napayuko siya at makikita mo ang pag taas at pagbaba ng balikat niya

Umiiyak na siya... n-nasasaktan ko na siya!
Sorry hambog ko!

"Geureol geomnida ijeul gomnida nado geureol geomnida"
(I will forget.. i will too)

Hindi ko na napigilan ang luhang tumulo sa pisngi ko habang nakatingin kay Hambog na sapo sapo ang mukha habang nakayuko parin ngayon at umiiyak

Napuno ng palakpakan ang buong court pagkatapos kong kumanta

Hindi nila naintindihan ang kinanta ko kaya nagagawa nilang pumalakpak ngayon habang ang kaibigan ko at ang taong mahal ko ay lumaluha ngayon dahil alam nila ang sinasabi ng kinanta ko

Yumuko ako at tsaka tumalikod sakaniya
Nagsimula ng tumugtog ang intro ng pangalawang kakantahin ko kaso hindi ko na kayang makita siyang ganun
Tumalikod ako at mabigat na nagsimulang maglakad paalis sa stage habang patuloy na tumutulo ang luha ko

I'm sorry Baby ko... Paalam

Play song: The thing i do slowly by IU

End of chapter 46

That Gangster was my Facebook Boyfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon