Chapter 39

1.3K 60 0
                                    

Jaeve POV (hambog)

"Pwede ba!? Umalis kana! Ang lakas ng loob mong nag iskandalo rito! Wala si Khate rito sabi eh! Kaya wag mo siyang hanapin rito!" Sigaw sakin ni Miles

Napailing naman ako habang nakatingin sakaniya

No! Hindi! Narito si Khate ayaw lang nilang sabihin sakin

"Khate! Lumabas ka riyan !Mag usap tayo please!" Sigaw ko habang nakatanaw sa kwarto niya pero bigla nalang akong nangitla ng may malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ko

"Tumigil kana Jaeve!! Wala rito si Khate sabi eh! Hindi kaba nakakaintindi? Wala si Khate rito at hindi rin namin alam kung nasan siya!!" Sigaw sakin ni Mika habang umiiyak sa harap ko

"Tumigil kana please! Nawawala ang kaibigan namin nang dahil sayo! Nang dahil sa kagaguhan mong gago ka! At kung may mangyari mang masama sa kaibigan namin,wag na wag mo ng ipapakita ang mukha mo samin dahil hinding hindi ka namin mapapatawad!" Sigaw ulit niya sakin habang nanlilisik ang nga matang nakatingin sakin

"Psh! Tara na! Wag niyo ng pag aksayaan ng oras ang lalaking yan! Kailangan pa nating hanapin si Khate!" Sabi ni Miles at sumakay na sa kotseng nakaparada rito sa harap ng bahay nila

Tinignan pa ako ng masama ni Mika bago siya sumunod kay Miles

"Tsk. Jerk!" Sabi naman ni Lemon na nakatayo lang kanina sa gate nila habang pinapanood kami

Sinara niya muna ang gate nila at saka ito nilock bago sumunod kina Mika at Miles

Pinaandar na nila ang sasakyan nila kaya naiwan akong nakatayo habang nakatanaw sa sasakyan nilang papalayo na ngayon sakin

Arghhhhhh Jaeve ano ba kasing ginawa mo!!!

Napatanaw muna ako sa bahay nila Baby nagbabakasakaling makita ko siya roon pero malungkot akong pumasok sa kotse ko

Binunot ko ang cellphone ko sa bulsa ko at idinial ang number ni Baby
Nagbabakasakaling sasagutin na niya ang tawag mo pero bagsak balikat akong napayuko sa manibela ng kotse ko dahil hindi niya parin sinasagot ang tawag ko

Baby please!! Bumalik kana rito!! Ayusin natin 'to! Hindi ko kakayaning mabuhay kapag mawawal ka sakin!!

Dali dali akong napatingin sa cellphone ko ng mag ring ito

"Baka si baby ang tumatawag!" Umaasang bulong ko at tsaka kinuha ang cellphone ko

Biglang naglaho ang pag asa ko ng makitang hindi siya ang tumatawag

ASA ka pa kasi Jaeve!!

"Oh?" Walang ka buhay buhay na sagot ko

"Yowww nabalitaan namin ang nangyari kanina!" Sabi niya

Napayuko naman ako at napasabunot ang isa kong kamay sa buhok ko

"Alam namin ang kailangan mo kaya hintayin ka namin rito sa tambayan! Nakabili na kami ng Beer!"

"Pass muna ako diyan! Kailangan ko pang hanapin si Khate, Zeke!" Sagot ko sabay tabaw muli sa bahay nila

"Aishhh pumunta ka na rito! Hintayin ka namin ha!" Sambit niya na para ba hindi narinig ang sinabi ko kanina na kailangan ko pang hanapin si Baby

"Ahhh nga pala! Ayos lang daw si Khate!" Sabi niya tsaka ibinaba ang tawag

Napatigil naman ako sandali at napatingin sa cellphone ko

Ayos lang daw si Khate!

Ayos lang daw si Khate!

Ayos lang daw si Khate!

Ilang beses yang nag replay sa utak ko bago ko maintindihan ang ibig sabihin nito!

May balita na sila kay Baby!!!

Dali dali kong pinaandar ang kotse ko papuntang unit at halos magkandarapang tumakbo papuntang tambayan namin

Pagkarating ko roon, naabutan ko silang nagsisimula ng mag inuman at ng nakita nila ako ay agad silang napa ngiti at niyaya akong umupo sa tabi nila

Inabutan nila ako ng isang Beer bago sila seryosong napatingin sakin

"Alam naming hindi mo magagawang lokohin si Khate kaya naniniwala kaming hindi mo kasalanan ang nangyari!" Sabi ni Leo habang seryosong nakatingin sakin

Napatingin naman ako sa Beer na hawak hawak ko tsaka napatingin ulit sakanila.

"Anong sabi nila Mika? Nasan raw si Khate?" Tanong ko

"Ahhh tumawag raw ang Mommy ni Khate kina Mika at sinabi raw na tumawag sakaniya si Khate at sinabing wag na raw tayong mag alala dahil ayos lang daw si Khate, hayaan muna raw natin siyang magpakalayo layo muna dahil kailangan muna raw ng oras para makapag isip isip!" Sagot ni Zeke

"S-sinabi ba kung nasaan siya?" Tanong ko ngunit umiling siya

"Hindi raw sinabi ni Khate!" Sagot niya

Napayuko naman ako habang nakatingin lang sa Beer na hawak hawak ko ngayon

Nasan siya? Sana naman ayos lang talaga siya dahil hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may mangyaring masama sakaniya

Napalagok ako sa Beer na hawak hawak ko nang mapagtantong malabo ang iniisip ko
Malabong ayos lang siya ngayon dahil alan kong nasasaktan siya dahil sa nangyari kanina

Arghhhhhhh Baby im sorry!!!

Nagising ako mula sa pagkakatulog ng mag vibrate ang cellphone ko

Argghhhhhhh ang sakit ng ulo ko sh*t!!

Napahawak ako sa ulo ko sandali dahil sa sobrang sakit nito, napa sobra yata ang inom namin kahapon

Kinapa ko ang cellphone ko sa bulsa ko at tsaka kinuha ito

6:03 AM na pala

Tinignan ko naman ang dahilan kung bakit nagvibrate ang cellphone ko at napaluha nalang ako ng makita ko kung anong dahilan nito

Nireremind na sakin ng calendar kong Monthsarry namin ngayon ni Baby pero anong magagawa ko? Wala siya ngayon at hindi ko alam kung saan ko siya hahanapin at galit rin siya sakin

Pinunasan ko ang luhang tumulo sa pisngi ko at bagsak balikat akong pumasok sa Cr ng Kwarto ko rito sa tambayan

Naghilamos ako tsaka ako mapatingin sa salamin

Nakita ko ang itsura kong hagard na hagard, mugto ang mga mata, may malalaking eyebags, gulong gulo ang buhok at mukhang pasan ang buong daigdig ang itsura

Nagsipilyo muna ako bago ulit naghilamos bago lumabas ng Cr

Nakita ko ang cellphone kong nasa kama at wala sa sarili kong kinuha ito at sinubukan ulit idinial ang number ni Baby... Baka sasagutin na niya ito pero nakailang dial nako ay wala parin..

No response... Hayst

Pabato kong inilagay sa kama sakaniya ang cellphone ko at walang ganang napahiga ulit sa kama ko

Masaya sana akong bumangon ngayon at masayang umaakyat sa bundok kasama si Baby ko
Masaya sana kami ngayon kaso hindi eh

Magkalayo kami ngayon at malungkot nang dahil lahat iyon sakin!

This is my fault!

Kung hindi sana ako nakipag meet kay Gemz kahapon sana ayos pa kami ni Baby ngayon
Kung hindi sana ako ata na patigilin si Gemz sa mga kahibangan niya, hindi sana ito nangyari!

Kung hindi sana talaga! Sana! Sana!

Argghhhhhhh

End of Chapter 39

That Gangster was my Facebook Boyfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon