Chapter 3

39.4K 1.4K 147
                                    

Frosto



"Hindi! A-ayos lang po ako," umiwas ako ng makita ang lalaking kagabi ko lang nakasama. Ang mas ikinagulat ko ay dahil may fiancée na pala siya. Sa panahon ngayon wala na talagang maasahan na tao.

"Sigurado ka? Wala kang sugat?" Nag aalalang tanong sakin ng magandang babae.

"O-Opo ma'am."

"Don't call me that. Genevive nalang! Oh wait," may kinuha ito sa kanyang mamahaling bag at ibinigay sakin. "Call me kung kailangan mo ng tulong. Student ka di'ba?"

Tumango ako. Iniiwasan ang makatusok na tingin ni Faustino sakin. Tinanggap ko ang calling card na binigay sakin ni Genevive. Walang lingon akong umalis doon habang hindi magkamayaw ang aking puso sa pagkabog.

"Shit! Ikakasal na pala ang isang iyon!" sinapo ko ang labi at dinamdam ang paghalik nila sakin kagabi. Masarap sila humalik pero bakit hindi ko makalimutan? Hindi naman ako ganito noon di'ba?

Pinilig ko ang ulo at tinungo nalang ang simbahan. Pagkatapos kong magsimba ay bumili ako ng aming uulamin. Ang ganda talaga sa pakiramdam na uuwi kang may bigas sa bahay at kumpleto sa pagkain. Parang nawalan ako ng problema.

Pagdating ko sa aming munting barong barong ay lumagapak na naman ang aming kaldero. Nagsisisigaw na naman si nanay kaya nag mamadali akong pumasok. Maraming tao na naman ang nakamasid sa aming bahay.

"Aba sumusobra kana ah!" Nakita kong sinasakal ni itay si inay.

"Tay! Tama na!!" pumagitna ako at nilagay si nanay sa aking likod. Ayoko siyang saktan ni tatay.

"Tay, wa'g niyo 'hong saktan si nanay. Ano na naman po ba ang problema?"

"Yan'!" dinuro ni tatay si nanay. "Kung ano anong sinasabi sakin! Palamunin ako? Aba, anong silbi niyo dito kung ganon'?"

Nasapo ko nalang ang aking noo. Paulit ulit nalang na ganito ang pag aaway nila.

"Aba! Bakit hindi ba? Hihingi ka ng pera sakin para may pang tong-its ka at pang inom? Pagkatapos kung wala akong maibigay papatayin mo'ko?! Aba't lumayas ka ditong gago ka!"

"Anong sabi mo?!" susugurin na naman sana ni tatay si nanay. Pumagitna ako at hindi ko nakita ang pagsampal ni tatay na dapat kay nanay ay napunta sakin.

Napasalampak ako sa sahig. Halos maiyak ako sa sakit nang aking pisngi.

"Walang hiya ka talagang gago ka!! Lumayas ka dito!!" Pinaghahampas ni inay ito ng kung anu-ano. Dumura si itay sa aming harapan.

"Mga bwesit!!" sigaw nito samin at lumabas.

"H'wag ka ng bumalik!"

"Nay, tama n-na," sinubukan kong tumayong mag isa. Ramdam' ko ang hapdi sa aking bibig at pisngi.

"Maghilamos ka. Dumudugo ang labi mo," malamig ang tinig nito bago pumasok sa aming maliit na kwarto.

Palihim akong umiyak at naghilamos sa tabo na may lamang tubig. Sa tubig ay nakita ko ang sariling repleksyon na dumudugo ang labi at namamaga ang pisngi.

"P-Paano na ako makakapagtrabaho nito?" humihikbi kong sambit.

Nang sumapit ang gabi ay maaga ako sa Club.

"Anong nangyari diyan sa pisngi at labi mo Ava?!" gulat si Kris nang makita ang aking mukha.

"Wala ito," iniwas ko ito at nagpatuloy sa paglalagay nang make up. Kahit anong gawin ko, namamaga talaga g tingnan ang aking pisngi.

Talk DirtyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon