Chapter 26

30.1K 1.2K 268
                                    

Akin

Sabado ngayon at hindi na ako mapakali. Hindi maaaring hindi ako dito magtrabaho dahil magtataka si Genevive. Kung tutuusin hindi ko na kailangan pang magtrabaho rito dahil sobra sobra na ang binibigay niya sa akin.

Hindi ko pa nakikita si Genevive dito. Nagwawalis ako sa bakuran nang marinig ang mga pinag uusapan ng hindi ko masyadong kilala na kapwa ko katulong dito.

"Grabe! Ang mahal pa sana ng kasal nila at ayos na ang lahat. Grabe 'yung away nila. Makikita mo talagang sobrang nasaktan si sir Faustino." sabi ng isang katulong na ikinatigil ko sa pagwawalis.

Tinampal ng isa ang balikat niya at bumulong.

"May lalaki raw si Ma'am Genevive pero hindi pa alam kung sino. Nakita raw mismo ni sir Faustino ang mga pictures pero hindi kita ang lalaki. Sobrang nasaktan si sir Faustino."

Shit. Halos mabitawan ko ang walis na nasa aking kamay. Kinakabahan ako sa nangyari. Kaya ba? Kaya ba hindi umuuwi si Faustino sa condo?

Dapat bang maging masaya ako? Bakit hindi ako masayang gayong hindi tuloy ang kanilang kasal?

"Hindi raw alam 'yun ni Ma'am Genevive. Alam mo, rinig na rinig ko yung pagmamakaawa niya kay Faustino. Hindi niya raw alam kung bakit nandoon na siya."

Pinagpatuloy ko ang aking paglilinis kahit na medyo lutang parin dahil sa aking nalaman.

Pagkatapos kong magwalis pumasok ako sa kusina at nakita ang iilang plato doon. Hinugasan ko ang mga iyon. Saan kaya ang ibang katulong dito? Masyado silang naging busy sa chismisan. Umiling nalang ako at pinagpatuloy.

"Nandito kapa rin pala. Akala ko hindi ka na babalik dito." nagulat ako dahil nasa likuran ko si Senyora Agnes. Nakaroba ito at may alak sa kamay kahit na maaga pa.

"Opo. Usapan kasi namin ito ni Genevive senyora."

Pinasadahan ako nito ng tingin mula ulo hanggang paa. Humalukipkip ito.
"Simula palang nang una ang bigat na nang pakiramdam ko saiyo. Ano ang pangalan ng iyong ina?"

Umawang ang labi ko. Bakit ito nagtatanong?

"Rosal po. Rosal Pojas."

Pumasa ere ang kanyang kilay at umiling siya bago pinakawalan ang kanyang malutong na pag tawa.

"Sinasabi ko na. Mga manggagamit!" Halos matusok ako sa kanyang tingin. "Ginagamit mo ba ang anak ko para magkapera ka??!"

"H-Hindi Senyora hindi sa ganoon."

"Huling araw mo ba dito. Ayokong makita dito ang pagmumukha mo sa mansyon ko! Dapat simula palang hindi na kita dito pinatapak pa!"

"S-Senyora-"

"Shut up! Naalala ko talaga yung mga ginawa ng iyong putang ina noon! Buhay pa pala siya?"

Ano?! Kilala niya ba ang ina ko?!

"Senyora anong ibig mong sabihin?"

"Ang ibig kong sabihin layuan niyo kami ng anak ko! Mga malas kayo at lahi ng mga kabit!"

Umatras ito ng umatras,nagbabadya na aalis pero nakita kong maatrasan ng kamay niya ang basong nasa mesa kaya hinila ko siya. Ang paglistas ko sa kanya ay nagkamali dahil sa aking paghawak sa kanya ay tinulak niya naman ako agad kaya nahawakan ko ng stove na umaandar pa.

Napasigaw ako sa sobrang init na nasa aking siko.

"Ahhh!" mabilis kong tiningnan ang aking siko at nakitang namumula ang konting parte doon.

Talk DirtyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon