Chapter 6

34.4K 1.2K 78
                                    

One of A Kind

Nakatulala parin ako dahil hindi mawaglit ang mga nangyari kagabi,o kanina. Halos tatlong oras lang naitulog ko dito sa hospital. At tama ako kasi wala na si tatay ng ihatid ako dito ni Faustino.

"Ava kumain kana." si inay habang kumakain ng dala kong jolibee. "Ang dami mong dala! Marami kang pera?"

Antok akong umayos ng upo sa tabi niya at nag unat.

"Oh! Shit!" bigla kong naipagtabi ang mga hita dahil nakalimutan kong kagabi ko,binigay ng tuluyan ang sarili kay Faustino!

Padarag ni inay na nilapag ang burger na kinakain at tinapunan ako ng nag aakusang tingin.

"Binigay mo?" May bahid ng galit at lungkot ang boses niya. Napakurap kurap ako at napalunok bago umiwas.

"Nay-"

"Kaya ka maraming pera at pagkain?" akusa nito ulit sakin. May guwang sa aking dibdib dahil wala akong tinatago sa inay. Halos lahat ay alam niya.

"Opo," mahinang sagot ko.

Umiwas siya at matagal natahimik bago nagsalita ulit.

"Walang sabit ba?"

Kumalabog ang dibdib ko. Hindi magawang sumagot.

"Ava tinatanong kita kung mag sabit ba?!" halos paluin ako nito sa ulo ng burger na hawak.

"I-Ikakasal na p-po-"

Tuluyan na ngang napalo sa ulo ko ang burger.

"Ba't mo inulit ang kasalanan ko?!" sigaw nito sakin.

"Nay, para 'to sayo. Tsaka hanggang doon lang naman iyon nay."

"Siguraduhin mo Ava. Wag' na wag' mong uulitin ang nagawa ko noon dahil tingnan mo ang karmang tinatamasa ko ngayon!"

Kinabahan ako sa hindi malamang dahilan. Tumatak ang mga sinabi ni inay sakin. Siguro, tama na ito. Tapos na iyong gabing binigay ko ang sarili sa kanya.

"Ms. Pojas! Mukhang lutang ka 'ata at pagod sa klase ko?" naalimpungatan ako dahil sa sigaw sakin ng aming guro.

"Sorry po ma'am."

Nagtawanan ang mga classmates ko at nagbulong bulungan.

"Puyat siguro dahil pokpok iyan sa gabi!" bulong ng malapit na kaklase ko sakin pero rinig ko naman.

"Yan' rin balita ko 'e. Extra job daw niya iyan para makapag aral."

"Ma'am! Puyat siya dahil sa club yan nagtatrabaho!" sigaw ng lalaki kong kaklase na ikinamilog ng mga mata ko. Sipulan ang aking narinig at tawa.

Nakaramdam ako ng kaba pero nilabanan ko iyon. Hindi ko habambuhay maitatago iyon. Kahit na nakasuot ako ng maskara ay halata parin ang aking katawan na ako iyon. Maraming pumapasok sa club kaya imposibleng hindi ako mamukhaan.

"Kadiri!"

"Kita niyo? Hindi lahat ng maganda at mahinhin ay berhen! May tinatagong baho yan!"

"Tahimik!!" Sigaw ng aming guro na nagpatahimik sa kanila. "Miss Pojas. Please solve this problem on the board now!"

Napalunok ako lalo na ng makita ang nang uuyam na titig ng mga kaklase ko. Nakataas rin ang kilay ni Miss Sacdalan sakin.

I solved it properly. Alam ko naman ito. Tahimik ko iyong sinagutan at binigay ang chalk sa guro ng matapos yun. Tahimik ang mga kaklase ko dahil alam kong tama ang mga sagot ko.

"V-Very g-good!" Pumalakpak pa si ma'am Sacdalan.

"Salamat po." Tahimik akong bumalik sa aking upuan. Ang mga ekspresyon ng mga kaklase ko ay halo halo. May nakita akong napapatingin sakin , namamangha, naiinis, at natutulala.

Talk DirtyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon