Chapter 13

28.5K 1.2K 116
                                    

Mamayang gabi


Umalis ako doon na umiiyak. Hindi rin ako sigurado sa sarili ko. Marami nang lalaking nakahawak sakin, oo hindi ko pa nasubukang ang ganun mula pa noon. Marami nang nakahawak sa akin. Kung tutuusin dapat hindi na iba sa akin to pero bakit nasasaktan ako?

Mahal ko ba si Faustino?

Hindi maaari.

Isa akong babaeng nakilala nila sa club. Hubo't hubad ang aking pagkatao sa mga mata nila. Ako 'yung babaeng hindi daat respetuhin. Oo, tanggap ko. Pero sapat na ba iyon para pag bawalan ang sarili kong umibig?

Dahil pakiramdam ko, hindi deserve ng lalaking iyon ,ako. Ako yung babaeng walang ipagmamalaki sa kanya. Kahit balibagin man ang mundo ako parin itong babaeng marumi.

Walang pumigil sa akin. Bakit naman nila ako pipigilan? Ang ambisyosa ko talaga.

Bumalik ako sa hospital na walang kahit anong pera. Malalim na ang gabi at nanunuot ang lamig sa aking balat. Hindi ko na alintana ang mga tingin nila sa aking kasuotan.

Pag pasok ko ay gising pa si nanay. Tumaas ang kilay niya nang makita ako.

"Maaga ka yata?" tanong niya sa akin. Malungkot akong ngumiti.

"W-Wala po. Nagkaproblema lang po."

Umupo ako sa tabi ni nanay at tinakip ang kumot sa kanya.

"Mag bihis kana." malamig niyang utos sakin. Hindi ko magawang gumalaw.

"Nay," hingang malalim Ava. "Meron po ba akong mga kaibigan noon? Noong bata pa'ko."

Umayos siya ng higa at tumango. "Nakalimutan mo na ba yung kambal na nangibang bansa?"

Natuod ako. Imbes na ipakita ang gulat ay pumikit nalang ako ng mariin. Parang ayokong isipin. Hindi maaari.

"H-Hindi ko na po maalala nay," nanginginig ang aking kamay.

"Hindi ko naman nakakausap yung kambal. Basta yung alam ko, mas close ka doon sa humalik sayo. Jusko! Nine years old ka palang noon at iyon ay dyesi otso na!"

Nanlaki ang aking mata," Po?!"

Tumawa si nanay ng malakas. "Ewan ko! Imbes na magalit ako natatawa nalang ako e. Gwapo nun! Sayang bet na bet ko iyong sayo! Sayang nangibang bansa e,"

Posible kaya? Pero maraming kambal sa mundo!

Noong gabing iyon natulog ako sa sofa na mahaba sa gilid ng kama ni nanay. Si tatay raw ay hindi pa nakakabisita. Hindi rin nagreklamo si nanay na wala akong kita. Titipirin ko nalang itong one thousand na bigay niya.

Maaga akong nagising at bumungad sakin ang doktor. Nakaupo na si nanay at iniexamine siya nito.

"Ayan! Puwede ka ng lumabas Mrs. Pojas."

Hindi umimik si nanay.

"You can ask fot the bill sa ilalim at iiwanan kita doon ng iyong mga reseta ha?"

Napangiti ako sa narinig. Pupungas pungas ako naghanap ng aking uniporme at nakitang hinatiran na ng pagkain si nanay.

Naligo ako sa banyo at lumabas pagkatapos na suot na ang aking uniporme. Hininaan ko ang lamig ng aircon.

"Kumain ka muna Ava. Hati tayo," aniya ni nanay.

Umiling ako. "Sa canteen na po ako kakain nay. Kukunin ko muna ang bill natin sa ilalim nay. Kumain kalang diyan."

Nadaanan ko ang coffee machine kaya naghulog ako doon para makakape. Wala pa masyadong pila kaya madali ko lang nakuha ang aming bill.

Halos nanlumo ako sa 66,296 na bill ni nanay.

Talk DirtyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon