Chapter 4

36.7K 1.4K 75
                                    

Damn Car


Naging mabilis ang pangyayari. Sa pinaghalong hiya at takot. Hindi ko nasundan ang lahat pagkatapos kong binalot ang sarili ko sa hinablot kong kumot. Hinablot kanina ni Faustino ang leeg ng kambal at halos sapakin.

Hindi ko alam kung bakit siya nandito. Kumakalampag ang aking dibdib sa nangyari. Nakasuot na ako ng damit ng bumalik sa loob si Faustino. Yumuko ako hinawakan ang saya ng aking suot.

"Uuwi kana." Parang gustong mangyupi ng gamit ang boses niya kaya hindi ako makatingin. Tango ang aking naging sagot at napasinghap ng hagisan niya ako ng limpak limpak na pera. Iyon ang hudyat kaya napaangat ang aking tingin at nagdaop ang aming titig.

"S-Sir-"

"Is that enough?" Magkatagpo ang kanyang kilay dahil sa galit na hindi ko alam kung saan nagmula.

Walang pag iisip ako na tumango at lumuhod upang pulutin ang hinahangad na pera para sa gabing iyon.

"S-Salamat," napalunok ako. Ang presensya niya ay nagpapasikip sa aking hininga.

"Leave," tumalikod siya at tumingala. Marami akong gustong tanungin pero hindi ko maisaboses.

"Sir Faus-"

"I said leave!!" Napatili ako sa kanyang sigaw. Pumikit ako ng mariin at walang lingong umalis. Laking ginhawa ko ng makaalis sa kwartong iyon. Maraming tanong sakin ang mga kasamahan ko pero hindi ko na sinagot iyon. Maging si madam A ay hindi na nagtanong kung bakit ako mauunang uuwi. Tila alam na nito ang nangyari.

Sumakay ako ng jeep pauwi sa aming bahay. Hanggang ngayon ay sobra parin ang aking kaba. Mula noon na pag tatrabaho ko sa club. Ngayon ko lang naranasan ang ganon' ang mahinto ang ginagawa dahil may pumigil at magkambal pa sila.

Bahagya kong pinalo ang ulo para iwaksi ang aking iniisip. Mula ng makilala ko sila, palagi nalang nilang ginagambala ang aking pag iisip! Dapat hindi ganito!

Kahit paano ay maaga akong nakauwi ngayon at may malaking halagang dala. Masaya ako nang tinahak ang eskinita papuntang bahay namin.

Sa labas ay nagtaka ako nang makitang tanging kandila lamang ang aming ilaw. Mabilis akong pumasok sa bahay.

"Nay," nakita kong nakahiga si mama at inuubo. "Nay, bakit kandila-"

"Ginastos ko ang pera," padabog nitong sagot sakin at umubo ulit.

Bumuga nalang ako ng hangin at kumuha ng panyo at nilagay sa kanyang likod.

"Sige po. Bibigyan ko kayo ng pambayad bukas. Si tatay po?"

"Ayon!" Umubo na naman ito ulit. "Marami yatang pera at naglaklak na naman at sugal! Dinalhan pa'ko ng bente pirasong balut!"

Tumango nalang ako at binalewala iyon. Wala namang' bago. Gusto kong sabihin sana na alagaan niya si inay pero alam kong imposible.

"Ano? Ba't maaga ka? Malakas kita mo no? Itago mo 'yan! Tsaka baka may pang rebond naman ako d'yan-" napapikit ako dahil umubo ulit ito.

"Oo Nay! Ikaw pa! Bukas mismo!"

"Ayon! Salamat naman! May niluto akong itlog at tuyo kumain-"

Tumayo ito para sana kumuha ng pinggan pero nabasag ito kasabay ng panlalaki ng aking mata. Bumulagta si nanay sabay ang pag bulwak ng dugo sa kanyang bibig at ilong.

Halos mamanhid ako at nakakabinging sigaw ang aking narinig. Ang sigaw ko na halos hindi ko marinig dahil sa sobrang takot at kaba.

"N-Nay!H-Hindi-" dahil payat si mama mabilis ko siyang nabuhat at sinakay sa aking likod. Pilit siyang nagsasalita kaya dumaloy ang dugo sa aking balikat.

Talk DirtyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon