Chapter 25

27.8K 1K 88
                                    

Frosto

Parang nakalutang ako sa mga oras na nagdaan. Ang mga gamit ko ay nasa condo na. Ito 'yung condo na kinakainan namin noon ni Faustino.

Balewala na sakin ang lamig ng aircon. Ang swimming pool sa labas nang unang palapag ay hindi na nagbigay excitement sakin.

Parang isang bitag na nag aabang nalang kung kaylan sasabog ang isang bomba. Ganon’ ang nararamdaman ko ngayon.

Malawak para sa akin ang condo na ito. Mamayang gabi pa uuwi si Faustino sa akin. Uuwi nga ba siya sakin?

Umabsent ako ng isang subject para sa pag aayos ko dito. Wala naman pala akong dapat ayusin bukod sa aking konting damit.

Ang pagkakaalam ko ginawang pribado ni Faustino ang mga records niya dito. Hindi pwedeng sabihin ng mga empleyado ang tungkol sa kanya. Nakapangalan ito sa kanya kaya kung may magtatanong ay magtataka.

Pagkatapos kong maglinis ay pinagdesisyonan kong bumaba para makapagload. Hindi ko rin alam kung saan ako magpapaload dito. Maghahanap nalang ako ng tindahan sa malapit. Si Faustino minsan lang rin tumawag. Kailangan ko rin kasing tawagan si inay.

Nakasuot lang ako ng sleeveless na kulay brown na hapit sa aking katawan at short lang.

Binabati ako ng iilang empleyado nila dito at sinusuklian ko iyon ng ngiti. Nakangiti ako ng lumiko ako palabas mula elevator nang halos mapaatras ako ng may nakasalubong.

Hinawi nito sa mata ang makapal na shades at tinitigan ako mula ulo hanggang paa. May kasama siyang dalawang body guards.

"Anong ginagawa ng isang katulad mo dito?" halos may pandidiri niya akong tinitigan. Tumigil iyon ng husto sa aking katawan. Nanlamig ako.

"Senyora Agnes.M-may kinita lang ako." Hindi nila maaring malaman. Hindi ko pwedeng isaalang alang ang sitwasyon ngayon ni Faustino.

"You reminds me of someone. Someone I envied the most." nanlilisik ang mga mata niyang tinitigan ako. Hindi na ako nagsalita pa.

"Oh well. Malabo. At hindi na kataka taka kung bakit ka andito. Gold digger bitch."

Mataray itong lumisan sa aking harapan. Halos magpasalamat ako ng wala siyang sinabi pang iba. Nagtataka parin kung sino ang kanyang tinutukoy na nakikita niya sa akin? Someone? Sino?

Isinantabi ko na ang mga bagay na iyon. Nang makabalik ako ay nagluto na ako para sa hapunan. Hindi ako sigurado kung dito siya kakain pero magluluto ako para sa amin.

Naghahanda na ako nang biglang nagring ang aking cellphone. Hindi ako nagpalit ng number kaya sinagot ko ang call ni Frosto.

Ilang araw na rin. "F-Frosto?"

"Ava." problemado ang boses niya. May narinig akong kalansing ng iilang bote kaya doon palang nalaman ko nang naglalasing siya.

"F-Frosto...bakit?"

"Can we talk?"

Natigil ako. Hindi pa'ko nakakapagluto. Alas kuwatro pasado na siguro kasya naman sa oras ko?

"Importante."

Siguro panahon narin na sabihin ko ang mga gusto kong sabihin sa kanya.

"Sige."

Mabilis akong nag ayos. Hindi alam ni Frosto ang tungkol sa pagbili sa akin ni Faustino ng condo at hindi niya alam ang set up naming dalawa. Hindi ko ito ginagawa para kay Frosto kundi para sa sarili ko. Isipin man nang lahat na masama ako pero wala na akong pakealam sa sasabihin ng lahat.

Talk DirtyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon