Chapter 11

30.6K 1.3K 176
                                    

Just Fuck


Hindi ako nagsalita lalo na't batid ko ang galit niya. Bakit na naman niya ginawa 'to? Sabi ko nang ayokong saktan si Genevive. Ang hirap lalo na't nangangailangan rin ako ngayon. Wala nalang akong magawa dahil kailangan ko ng pang bili ng gamot ni nanay.

Ang isang niyang kamay ay nakatukod sa bintana at nilalaro ang labi habang ang isa ay nasa manibela,tila malalim ang iniisip nito.

"You like my twin huh?" kalauna'y sinabi nito sakin.

Nakagat ko ang labi, "M-Mabait siya." sagot ko nalang at nakitang tumingin siya sakin sa rearview mirror.

"Nagkakamali ka. You do not know him well." paglalaglag pa nito sa kapatid. Ang sama talaga ng ugali niya.

"Kambal mo yun, sinisiraan mo."

"I'm telling the truth," malamig niyang sabi at umiwas. Mapinong tumatakbo ang kanyang sasakyan. Ilang minuto pa nakita ko nalang na sa isang matayog at mamahalin yatang tower na kami.

"Bakit tayo nandito?" tanong ko na binalewala niya. May kinuha siyang coat sa backseat at binigay sakin.

"Cover yourself." aniya. Kinuha ko iyon at sinuot. Nakaroba pa pala ako.

Sa bukana palang ang dami nang tumitingin sa amin. Si Faustino naman ay mabilis ang lakad at walang lingon. Ako naman ay kinakabahan dahil baka mamukhaan ako!

Yumuko ako at naramdaman ang pagkabig niya sa aking ulo papuntang dibdib niya nang may biglang umilaw.

Kabadong kabado ako. Napabuga nalang ako ng hangin ng makapasok na kaming dalawa elevator.

"B-Baka n-nakuhaan ang mukha ko Faustino! B-Baka makita ni Genevive!" sabi ko agad ninenerbiyos.

Umiling siya at pumikit. Kinuha nito sa bulsa ang cellphone at may tinawagan. Hindi na ako nakinig pa dahil sa bilis ng tibok ng puso ko.

Sumunod ako sa kanya ng lumabas na siya at iniwan ako basta basta. Ang kinis ng sahig! Umiingay ang takong ng sandals ko!

Huminto kami sa kulay pulang pintuan at may nakalagay na 112 na numero. May iniswipe siyang gold card doon. Kung ang alam ko lang ay susi ang ginagamit ng iilan doon ngayon sa kanya ko nakita na pwedeng card pala! Wow. Hightech?

Naamoy ko kaagad ang mala strawberry na amoy ng loob. Hinubad niya ang kanyang suit at nilapag iyon sa likod ng sofa na kulay puti. Ang interior dito sa loob ay cream. Pate ang kurtinang makapal ay cream din.

Umupo ako sa sofa at pinagmasdan siyang may tinawagan. Nakapamaywang ito habang hinahawi ang kurtina para lang makita ko ang nag iilawang mga gusali sa ibaba. Pagkahawi niya ng kurtina ay binuksan niya iyon at nagulat akong may veranda pala doon.

May dalawang couch doon na magkatabi at may mesa. Sinenyasan niya akong lumapit doon kaya lumapit ako.

Nakaroba nalang ulit ako dahil tinanggal ko ang coat niya.

"Seat," aniya.

"Anong gagawin natin dito?" tanong ko. Hinipan ng malamig na hangin ang aking buhok kaya inayos ko ito. Tumaas naman ang kanyang kilay.

"Talk about my proposal." sabi niya. Humilig siya palapit sakin at umakbay. Nakadikit na ako sa gilid niya. Ang kanyang kamay ay humahaplos na sa akinh kanang balikat. Tumindig ang balahibo ko.

"It will benefits us both," bulong niya.

Umiwas ako. Kapag siya ang kasama ko nawawala ang bigat na nararamdaman ko. Baka dahil sigurong alam ko na may makukuha akong pera sa kanya. Dahil sigurong alam ko na gusto niya ang katawan ko?

Talk DirtyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon