Chapter 15

29.1K 1.2K 89
                                    

Big time

Nailabas ko si nanay sa hospital at nakabalik na kami sa aming bahay. Akala ko matatapos na ang aking problema pero lumalala lang dahil kay tatay.

Nang makauwi kami 'nung umaga ay hindi ko na matuturing na bahay ang aming bahay. Ang daming kalat at daming suka kung saan saan. Mas lalo ring naistress si nanay.

"Ano bang pinag gagagawa mo dito Erning?! Ba't ang daming kalat dito? Nagmukha natong tirahan ng mga baboy!" sapo ni nanay ang noo. Tahimik akong naglalagay ng mga damit namin at inaayos ang mga gamit na dinala namin.

"Huwag mo'kong dakdakan ngayon Rosal! Masakit ang ulo ko!"

Umiling nalang ako nang matapos magligpit at nagkuha ng mop para malinisan ang sahig.

"E kasi inom ka ng inom! Imbes na magtrabaho ka puro ka sugal!"

"Nay higa na po kayo doon. Bibili ako ng nebulizer pagkatapos ko dito." sabi ko kay nanay para matapos na ang kanilang alitan.

Umirap si nanay at pumasok sa maliit naming kuwarto na kurtina lamang ng nagtatakip sa pintuan. Ang kabila naman ay ang kuwarto ko na kurtina rin ang nagsilbing pintuan.

Pinuyod ko ang aking buhok ng kinalabit ako ni tatay sa likod.

"Baka may extra ka diyan pahinge naman. Bibili lang akong ulam." naamoy ko ang alak sa kanyang hininga. Tumango ako at binigyan siya ng dalawang libo.

"Tay, tipirin-"

"Sige alis na'ko!" tumalikod ito nang hindi ako natatapos sa sasabihin.

Natagalan pa ako sa paglilinis ng biglang maalala ko na naman ang pag iyak sakin ni Genevive. Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib. Namumugto ang kanyang mga mata. Palatandaan na ilang araw siyang umiiyak.

Hindi ko na iniisip ang magiging resulta ng mga 'to. Kung tutuusin pwede akong pumatol sa iba. Maraming mayaman na nag aalok sa akin sa club. Pero nandito na ako. Hindi na ako makalabas sa alok sa akin ni Faustino. Ilang oras lang, nagkakapera na ako agad. Hindi tulad nang nasa bar noon na labag sa kalooban ko ang aking pinanggagawa.

Bahala na'to.

Nang puntahan ko si nanay sa loob ng kanyang kuwarto ay mahimbing na itong natutulog. Inaamin ko na payat si nanay dahil sa hirap pero maganda ang kanyang katawan at mala diyosa ang mukha sa kabila ng kastressan.

Kahit na ganitong buhay man ang naibigay ni nanay sa akin hindi ako nagsisisi. Ang importante ngayon ay wala na siyang sakit. Dahil kahit sobrang hirap man namin at buhay pa'ko, ikakayod ko ang pamilyang ito.

Nagpunta ako sa pwedeng mabilhan ng nebulizer at bumili ng hindi kamahalan. Bitbit ko iyon nang nag grocery ako sa isang mall. Minsan lang ako makapunta sa ganitong mall. Kadalasan doon ako sa mga gilid gilid bumibili dahil mas mura doon. Ngayon, susubukan kong bilhan ang sarili ko ng kahit ano.

Pumunta ako sa mga nakahanger na mga lingerie. Nakita ko doon ang isang kulay lavender na silk ang tela. Nagustuhan ko iyon kahit medyo mahal. Plano ko iyong suotin sa gabi namin ni Faustino.

Napatigil ako sa sariling iniisip. Bakit ako mag eefort nang ganito? Nagdalawang isip ako kung kukunin ko o hindi. Humigpit ang hawak ko doon sa lingerie at nagdesisyong kunin nalang iyon.

Nadaanan ko ang mga nakahilerang food court nang makita ko si Vicco.

"Uy!" Kinawayan ako nito."Absent ka kanina!"

Ngumiti ako at nilapitan siya. "Ah, lumabas na kasi si nanay sa ospital! Ikaw?"

Sinabunutan nito ang sarili. "May magandang bikini doon! Jusko! Kung pwede lang talaga bibilhin ko na iyon!"

Talk DirtyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon