Chapter 24

25.9K 1K 103
                                    

Napaparanoid


Hindi ako makapaniwala. Lumipas ang dalawang araw na gabi gabi akong sinusundo sa hindi kalayuan ng aming bahay ni Faustino. Nagtatanong siya kung kaylan kami lilipat.

"Hindi kasya sa oras ko ang palaging pagsundo sayo Ava. "

Pumikit ako. May hang over parin ako sa mga nakita ko. Parang ang bigat sa aking pakiramdam.

"Faustino kasi malabo," sagot ko. Isang gabi nasa hindi kalayuan lang kami ng aming bahay. Sa madilim na espasyo ng daan na walang ilaw.

Umigting ang panga niya at napahilot ng sentido.

"Si nanay kasi malabong sumama iyon. Tsaka may sakit siya hindi ko mapabayaan."

Tumango siya, "I understand."

Napasinghap nalang ako. Anong oras na baka magsara na yung bibilhan ko nang iilang colored paper para bukas.

"M-may kailangan ka pa ba? May bibilhin pa kasi ako. Iyong project."

Nangunot ang noo niya at pinasadahan ng tingin ang aking kabuuan.

"Saan?" sabay paandar niya ng kotse. Natuod ako at hindi makapaniwala.

"D-Diyan lang sa ikalawang kanto iyon. Kaya ko namang lakarin."

"No." umiiling siya at pinaandar na ang sasakyan.

Madalang ang pagtrabaho ko sa club. Alam niyo kung bakit? Tuwing nasa club ako siya parin yung mag aout sakin. Sinabihan niya akong wag' nang pumasok dahil siya naman ang kukuha sa akin.

Tahak namin ang ikalawang kanto ngayon. "P-Pwede naman na ako nalang doon sa kinuha mong condo.Malapit iyon sa school."

Wala siyang pakeng tumango. "Do what you want Ava."

Tumango ako. Mas lalong lumambot ang aking puso para sa kanya. Ang makita ang pagod niyang mga mapupungay na mata.

Huminto ang kanyang kotse sa sinabi kong tindahan. Lumabas ako para kunin ang nakita kong mga kailangan at huli ko nang namalayan na sa pagmamadali ko kanina hindi ako nakapagdala ng kahit ilang pera man lang.

"Miss bibili kaba?" aniya ng binatilyong nagbabantay.

"Uh wait lang. N-nakalimutan ko kasi yung pera." pagak akong tumawa. "Babalikan ko muna."

"Sus! Kunware pa. Type mo lang ako e. Eto numero ko. Nagpapapansin kapa sakin."

Umawang ang labi ko sa walang hiyang assumero na to.

"H-Hindi. Totoo ang sinabi ko." tumalikod ako para umalis nang bumangga ang aking noo sa isang dibdib. Nakita ko agad ang gray t shirt ni Faustino.

"How much?" tanong ni Faustino sa binatilyo.

"Ha? A-Ah." kitang kita ko kung paano nangatog ang tuhod ng lalaki. "35 pesos lang t-tol!"

Naglapag si Faustino ng 500 sa mesa at hinila ako paalis.

"Teka 'yung barya mo!" pinigilan ko siya.

"Huwag na." binuksan niya ang sasakyan at padaskol akong pinaupo doon. "Pambili niya na 'yung toothbrush. Mukhang hindi naman nagtotoothbrush ang lakas pa ng loob..."

Bumulong bulong siya na hindi ko maintindihan.

Bumalik na kami sa dating pwesto ng sasakyan niya. "Pasok na ako. Maaga pa ako bukas."

Tumango lang siya sakin. Hindi ko na kinaya ang makita ang puyat sa kanyang mukha kaya tumingkayad ako at inabot ang kanyang ulo para imasahe iyon. Natuod siya sa aking ginawa pero kalaunan ay hinayaan ako.

Talk DirtyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon