Chapter 9

30.2K 1.3K 149
                                    

Katawan


Bago pa makapasok si Genevive dito sa kusina ay naitulak ko na si Faustino at nagkunwaring naghuhugas ng mga pinggan.

Ni hindi man lang gumalaw si Faustino doon.

"Babe," nagtatakang bungad ni Genevive. Halos magdasal ako sa harapan ng mga pinggan.

"Hey," paos na sagot ni Faustino.

"Hindi ka makatulog?" ramdam ko ang titig ni Genevive sakin. Halos magkumahog ang aking dibdib.

"Masakit ang ulo ko. I just want some pale pilsen."

"Meron sa fridge," sagot ni Genevive. "Ava, magpahinga kana. Sobrang pagod kana."

Ngumiti ako ng tipid sa kanya. "Opo, Genevive."

Ngumiti rin siya sakin. Narinig ko ang pag ingay ng dalawang boteng inumin na kinuha ni Faustino sa fridge at ang pag alis nilang dalawa.

Kinabukasan ay maaga akong nagising. Naligo ako at nagsuot ng pangkatulong na uniporme.

Kanya kanya nang pag aayos ang kapwa ko katulong. Habang ako hindi alam ang dapat unang gagawin dahil ang bawat lilinisan ay may nakaatas nang maglinis doon.

Ngumiti ako at naisipang magluto nalang na tiyak kong magugustuhan nilang lahat. Pakiramdam ko, hindi pa nila natitikman yung pancit bihon na ang sahog ay sardinas!

"Mayordoma, ako na ho ang magluluto nang kanilang almusal."

Tumaas ang kilay sakin ng mayordoma. "Talaga? Magaling ka magluto?"

"Opo naman." pagmamalaki ko.

"Oh siya, ikaw na. Maglilinis pa ako sa hardin."

With feelings pa ang paggawa ko nun'. Kaya nang sumenyas na ang mayordoma sa pagsapit ng kanilang pagkain ay nag ayos na kami ng pagkain at nilapag sa mesa. May niluto rin akong pritong tilapia doon ,ham, at hotdog.

Tulad kagabi nasa gilid na naman kami nag aabang ng kanilang kautusan.

Unang bumaba ay si Senyora Agnes na nakaroba pa. Kahit sa edad niya, ang ganda niya parin. Mukhang ilang agwat lang ang edad ni nanay sa kanya.

Napaiwas ako ng bumaba narin si Faustino at Genevive. Hinihimas ni Genevive ng braso ni Faustino at nakangisi naman ito.

"Good morning mom," bati ni Genevive sa ina. Ganon rin ang ginawa ni Faustino. Mukhang madalas nga dito si Faustino. At basi palang sa label nila, magpapakasal nga silang dalawa.

Ramdam ko ang tingin nito sa akin kaya hindi na ako nag atubiling tumitig pa.

"Sus maryosep! Anong pagkain ito?!" dumagundong ang sigaw ni Senyora na ikinagulat namin. Nasapo rin ni Ora ang kanyang bibig sa pigil na pagtawa.

Nakagat ko ang aking labi nang paasik akong tingnan ng mayordoma.

"Teresita! Sinong nagluto nito? Where's my pancake and milk?!"

Napapikit ako ng mariin ng marinig iyon.

"Paumanhin Senyora. Aayusin ko nalang." sagot ng mayordoma. Hindi ako nilaglag.

"No! I am asking you kung sino ang nagluto?! Bakit ang langsa nito?" sabay titig doon sa pancit bihon na may sardinas.

"Mom, umorder nalang tayo." suhestiyon ni Genevive.

Hindi nakasagot ang Mayordoma kaya wala akong nagawa. Ayokong siya ang maparusahan lalo na't matanda na siya.

"S-Senyora ako p-po," pag amin ko.

Talk DirtyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon