Bitter si Sweet*
One
Bagong araw na naman. Mali pala, bagong gabi na naman. Magbibihis, magmemake-up, andiyan ang pamatay na heels, at ang party.
"Sweet, paganda ka ng paganda ahh." Sabi ni Mark. Si Mark ang pinakababaero sa lahat ng makikilala mo sa bar na'to.
"Lumayo ka nga." Sabi ko dito at tinulak ito.
"Sige na oh, pumayag kana, kahit ngayong gabi lang." Sabi pa nito at pilit siyang niyayakap.
"Ano ba Mark, 'pag hindi kapa tumigil, ipapa-pulis kita. Hindi ako nagbibiro."
"Bakit ba ayaw mo sakin?" Tanong nito sakin.
"Huwag kang mag-alala, dahil lahat kayong lalaki, kinasusuklaman ko, you're not alone." At tinalikuran ko na ito.
Nandito ako para magparty at hindi para makipagflirt sa mga lalaking yan. Nawala nako sa mood dahil sa Mark na yun. Nakakainis talaga maging maganda, lapitin ng mga babaero. Kaya napagdesisyunan ko nalang uminom mag-isa.
"Uy girl, why don't you join us, lets party, have some fun." Sabi ni Kristhine.
"Kayo nalang, wala ako sa mood ngayon." Naglapag ako ng pera at akmang aalis na ng magsalita si Kristhine.
"Girl, remember lagi kang wala sa mood. Ewan ko nga ba kung bakit ka pa pumupunta dito ehh. Kung hindi ka parin nakakamove on dun sa hayop mong ex boyfriend. Why don't you get even, change for the better and let him regrets all the things that he did to you." Napapailing na sabi nito.
"Duh, mag-eeffort pa'ko for him. Ni daliri nga ng buhok ko ayokong sumatad sa kanya eh. Baka magkasplit ends pako." Sagot ko dito.
"Bahala ka diyan girl, magpapasukan na, masisilayan mo na naman ang pinakagwapong student ng RU." Pang-aasar pa nito.
-----------------
Tumutunog na yung alarm clock ko. Argh, ang ingay letse dapat sayo pinapatay ehh.
Umaga na, tapos na ang halos dalawang buwan na bakasyon. papasok na naman sa eskwelahan para makipagplastikan sa mga prof ko na alam ko naman na kaya lang ako ipinapasa ay dahil kami ang may-ari ng school, sa mga classmate kong kunwari mabaet mga backstabber naman. At higit sa lahat makikita ko na naman yung taong kahit buhay pa ay ilang milyong beses ko na pinatay sa iba't-ibang paraan sa isip ko. Kung nababasa lang ng mga tao ang naiisip ko, nakakulong na siguro ako sa iba't-ibang kaso. Teka, bakit nga ba sa pagiging kriminal ko ang usapan eh malelate nako!!!
Nakasakay nako ng Sasakyan nang magtext si Carla, Sort of friends kami, well, sa lahat ng tao sa Rella University ay siya lang yung malapit sakin. Dahil feeling close siya.
"Sis, where are you? Lets go to school together, I'll wait you for you here in Cafebare." See, feeling close.
"No, just go first. I still have something to do, I might be late." Reply ko sa kanya. Alam ko naman na ginagamit lang niya ko because of fame. Yes, you read it right. I'm pretty and intelligent, joke lang yung kaninang sinabi ko na napipilitan lang ang mga prof ko na ipasa ako, because being smart is given, it runs in our genes.
Pagdating ko sa classroom, wala pa si Carla. I don't care, alam ko namang mauuna ako dun eh, at least alam niyang ayoko siya makasabay.
--------------
Break time ko na, san kaya ako kakain? Sa canteen nalang, nakakatamad nang lumabas pa.
Tahimik lang akong kumakain ng biglang nagtilian ang mga kababaihan sa canteen. What the hell. Mga nakakain ba sila ng megaphone? Ang lalakas tumili.
BINABASA MO ANG
Bitter si Sweet
Teen FictionSweet is not sweet as her name is. She's a girl who's bitter over her ex-boyfriend that cheated on her. But someone came along and tries his best to destroy the wall sweet made to protect her heart. Is he came along with a right equipment to destro...