FIVE

14 1 0
                                    

Bitter si Sweet*

FIVE

Papunta na ko ng engineering building nang matanaw ko si James at may hawak itong bulaklak habang nakangiti at mukhang excited.

Malapit na ko sa eng'g building nang biglang lumitaw sa harapan ko si Reiji.

"Hi Sweet!" Bati nito sakin.

Nilagpasan ko lang ito.

"Sorry na dun sa nagawa ko kahapon." Sabi nito habang sinusundan siya. "Akala ko kasi matutuwa ka eh. Diba nung mga high school palang tayo, sabi mo kahit isang kiss lang sa cheeks ang ibigay ko sayo masaya kana."

Naaalala ko pa yun, mga panahong baliw na baliw pa ako sa kanya. Pero iba na ngayon.

Hinarap ko ito. "Sa tingin mo ba natuwa ako ha?! Umagang-umaga Reiji, huwag ka naman mang-inis agad." Sabi ko at tuluyan na itong nilayasan.

Pagdating ko sa building, si James naman ang bumungad sakin. Bakit ba ako pa ang napagtritripan ng mga 'to?

"Hi My Sweet! Flowers for you." Nakangiti ito habang inaabot sakin yung bulaklak.

Tiningnan ko ito. "Handa ka talagang mabasted 'no?" Mahinahon na tanong ko sa kanya.

"Handa akong mabasted kahit ilang beses pa." Sagot nito.

Nagsmirk ako. "Sabi mo yan ha." At umalis na. Pero makulit nga sta ito at sinundan parin siya.

"Ayaw mo ba ng flowers? Sige ihahatid nalang kita sa room mo." Sabi nito.

Hinayaan nalang niya ito at tahimik nalang na pumunta sa klase niya. Ang akala ko ay hanggang sa labas ng classroom lang ito susunod pero laking pagtataka ko nang may tinitingnan ang mga kaklase ko sa likuran ko to find out na hanggang sa loob ay sinundan ako!!!

Bubulyawan ko na sana siya nang biglang dumating ang prof. Syempre nagsiupuan na ang lahat. At itong si James, sa tabi ko umupo.

"Good Morning class." Sabi ng prof nila. "Do we have a new student here? Kindly present your COR to me."

Biglang tumayo si James at may bitbit na papel.

"Okay, so you're an irregular student?" Tanong pa ni Maam na mukhang type si James.

"Yes maam, transferee." Sagot naman ni James.

"James Lenton, uhm, are you related to the owner of Lenton University?" Tanong pa ni Ma'am. Tsismosa din talaga tong si maam eh no.

"Yes ma'am, I'm the son of the owner." Sagot ulit ni James.

"Really? Then why did you chose to transfer here?" Ma'am masyado ka nang tsismosa.

"Because Sweet is here, my princess." Sagot nito.

Lahat ng kaklase niya ay nagsitinginan sa kanya kahit ang prof nila.

Aaminin niya, kahit papano ay kinilig siya.

"Oh" sagot nalang ng prof nila at binalik na kay James ang COR nito.

Kung nagtataka kayo kung bakit yan lang ang nasabi ng prof namin ay dahil they're not allowed to be curious about my life.

Buong klase ay natulog lang ako. Attendance lang naman ang habol ko eh. Hindi ko naman na kailangan makinig dahil matalino nga ako diba.

Nasa kasarapan na talaga ako ng tulog nang may kumalabit sakin. Nag-angat ako ng mukha. "Uhm, My Princess, tapos na yung klase."

Tumingin ako sa paligid at nakita kong palabas na ng room ang mga kaklase ko. Tumayo nako at kinuha ang bag ko.

"My Princess, pupunta nako sa next class ko ha. Kita nalang tayo mamayang lunch sa canteen." Sabi ni James.

"Bahala ka nga diyan." Sabi niya at iniwan na'to.

---------

Lunch time na. Sa labas ba ako kakain o sa canteen? Argh, ang hirap naman magdecide eh. Umupo muna ako sa bench na malapit sa canteen at pinag-iisipan parin kung san ako kakain. Oo nga pala, sabi ni James sa canteen diba? Punta kaya ako? Sige na nga sa canteen na.

"Oy!"

Nilingon ko kung sino ito. Si Reiji na naman? Ba't ba ang kulit nito?

"Nag-lunch kana ba? Gusto mo sabay tayo? Oh sige, sabay nalang tayo, mukhang wala kang kasabay eh, kawawa ka naman." Tanong nito.

May saltik ata tong isang to ehh. Kaninang umaga, ang bait, humingi pa ng sorry. Well, mas okay naman yung ngayon kasi ganyan naman talaga siya simula nung mga high school palang kami. Pero akala ko sa tatlong taon na paninirahan niya sa ibang bansa ay kahit papano ay babaet siya pero hindi eh.

"Ayoko." Sabi ko dito at pumunta na ng canteen. Mabuti naman at hindi na ito nangulit pa.

--------------

Thank you at hanggang dito umabot kayo. Keep reading 😄😄😄😄

Bitter si SweetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon