THREE

20 1 0
                                    

Bitter si Sweet*

Three

Nagdidinner kami ng family ko in the most peaceful way nang biglang magsalita si mommy.

"Sweet, I heard sa Rella University nag-enroll si Reiji Razon." Sabi ni mommy.

"I've never heard it mom." Malay ko ba kung napadpad lang yung mokong na yun kanina sa teritoryo ko.

"Di'ba crush mo yun the whole high school life mo." Hirit pa ni mommy.

"Ilang beses ka pa nga nun binasted di'ba?" Dumagdag pa si daddy.

Sige lang, ibunyag niyo na lahat ng kabaliwan ko dati. Sige lang, ipaalam niyo sa katulong natin na shunga shunga ako dati. Ibulgar niyo pa ang mga kahihiyan na ginawa ko.

"Gusto mo parin ba siya hanggang ngayon?" Tanong ni daddy.

"Hindi na dad. I'm full. Akyat na po ako."

Isa lang ang masasabi ko. I HATE BOYS!

---------------------

Sa entrance palang ng engineering building ay natanaw ko na agad ang sisira sa araw ko. Si Reiji at may mga kasama pa talaga siya ha.

Tiningnan ko lang siya ng masama at nilagpasan na 'to.

"Don't be so rude, Sweet." Sabi nito.

"Wow, so your name is Sweet. Amazing huh." Sarcastic kong sabi.

"Ohhhhhh." Sabi ng mga kasama nito.

Nilingon niya ang mga 'to. "Shut up." At hinarap ulit ako. "Kilalanin mo ang binabangga mo." Sabi nito.

Tinaasan ko ito ng kilay. "Baka nakakalimutan mo, pagmamay-ari ko ang inaapakan mo ngayon." Sabi ko at tinalikuran na 'to.

Matapos ang dalawang subject at breaktime ko na. Pumunta ako sa canteen para sana doon kumain pero natanaw ko na agad si... Okay, nakalimutan ko ulit. Kaya nag u-turn agad ako at sa labas nalang ng university kumain.

Napagpasyahan kong sa isang Italian Restaurant nalang kumain tutal ay mahilig naman ako sa mga pasta and pizza.

Pero sa kalagitnaan ng aking tahimik na pagkain ay bigla kong narinig ang aking pangalan.

"Dude, is that Sweet?"

Tiningnan ko kung sino ang mga 'to.

"Hi Sweet, dito ka pala kumain ngayon, hinihintay pa naman kita kanina sa canteen. Buti nalang naisipan kong kumain dito." Nakangiting sabi ni... "Nakalimutan mo na naman ba ang pangalan ko? Ako si James J-A-M-E-S, james." Nakakabasa ba'to ng isip.

Umupo ito bigla sa harap niya.

"At sinong nagsabi na pwede kang umupo diyan?" Siguro nung nagpaulan ng kakulitan ang langit, swimming pool ang pinangsalo nito.

"Dude, we're over there." Sabi ng mga kaibigan nito.

Tumango lang ito.

"Oh andun pala sila eh. Pumunta kana din dun. Go ahead." Sabi ko.

"Ay hindi, sasabayan na kitang kumain. Ahm, waiter, the menu please."

Talaga nga naman oh. "Please lang, umalis kana dito sa table. Kung hindi ako nalang ang aalis. Nauubusan nako ng pasensya sayo." Mariin kong sabi dito.

Napatingin ito sakin. "Ayaw mo ba talaga sakin?" Tanong nito.

"Ayoko." Sagot ko dito. "Oh sino ang aalis sating dalawa. Ako o ikaw?"

Tumayo na ito at pumunta sa mga kaibigan nito.

Hay salamat makakakain nadin ako ng maayos.

Kung iniisip niyong wala akong konsensiya, nagkakamali kayo. Nakokonsensiya din naman ako sa ginawa ko. Kaya lang, di'ba dapat mas makonsensiya siya? Kasi pati ako idadamay pa niya sa kalokohan niya. Diyan silang mga lalaki magagaling eh.

-------------

Follow niyo 'ko sa tumblr 😄 wolfunderthesun.tumblr.com

Thank you din po for reading 😘😘

Bitter si SweetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon