SIX

16 1 0
                                    

Bitter si Sweet*

SIX

Nakita ko agad si James sa canteen, may kausap na babae. Tiningnan lang ako ni James at nakipag-usap ulit sa babae. Wow ha, pasabi-sabi pa siya na hindi siya lilingon sa kaliwa o kanan, sa harap o likod, sa taas o baba. Ehh yan nga oh, may tinitngnan agad na iba. Sabi ko na nga ba eh, hanggang simula lang yang mga yan, ganyan silang mga lalaki.

Umorder nako ng pagkain ko at pumuwesto na sa bakanteng lamesa.

Habang kumakain ay napapatingin ako sa gawi ni James at kung sinumang babaeng yun. Maya-maya lang ay lumabas na si James. Sabay pala magla-lunch ha.

Hinayaan ko nalang sila at nagpatuloy na ako sa kinakain ko.

May biglang nagsalita. "Totoo ba?"

Tiningnan ko kung sino. Si James. Parang bata na nakabusangot ang pagmumukha.

"Totoo ba na may relasyon kayo nung Reiji na yun ha?" Tanong nito.

"Not true." Simpleng sagot ko.

"Eh bakit magkasama kayo kaninang umaga? Hinayaan ko na nga lang yun ehh. Pero nakita ko ulit kayo, sa labas ng canteen, magkasama kayo. Tapos bulung-bulungan pa ng iba dito, kiniss ka daw niya."

Ang sakit ng isang to sa ulo ah. "May batas ba na bawal ako kumausap ng iba ha? Atsaka, mukhang hindi mo rin narinig na pagkatapos niya ko ikiss sa cheeks ay sinikmuraan ko siya." Sabi ko dito.

"Kahit na, nakiss ka parin niya."

"Ang kulit mo rin eh no?" Naiinis nako ha.

Umupo na ito sa harap ko. "Sure ka, hindi mo talaga siya boyfriend?" Tanong ulit nito.

"Hindi nga. Ba't ba ang kulit-kulit mo ha." Sagot dito. "Atsaka, ano naman sayo kung may boyfriend nga ako?" Natahimik ito bigla.

"Teka, nag-aaway ba si James at Sweet?"

"Kawawa naman si Baby James."

"Baka ayaw na sa kanya ni James."

Bulung-bulungan ng mga tao sa canteen na hindi mo na nga matatawag na bulong dahil dinig na dinig niya.

"Eh kasi mahuhurt ako kung sakali. Kanina nga lang, halos mabaliw nako ng makita ko ulit kayong magkasama eh at yung sa kiss." Paliwanag nito.

Mapapangiti na sana ako buti nalang at napigilan ko. "Eh ikaw nga, may kasamang babae kanina eh." Sabi ko nalang.

Nagliwanag ang mukha nito. Talaga nga naman, mukha natuwa pa. "Are you jealous?"

Natawa ako sa tanong niya. "Are you kidding me? Jealous?" Selos? Ako? Hahaha. Nagpapatawa ba ito?

Tumawa ito. "I'm right. You're jealous!"

"No, I'm not!"

"Edi okay lang kung kausapin ko ulit siya?" Tanong nito.

"Yes, its okay." Sagot ko dito. Huwag na huwag kang magpapakita ulit sakin kapag ginawa mo yan. The end na tayo. Hindi mo na'ko makakausap.

Ngumuso ito. "Dapat sinabi mo hindi pwede ehh."

Ang cute pala nito kapag nakanguso. Kaya naman hindi ko na napigilan ang sarili ko at kinurot ko na ang pisngi nito. Nakakatuwa, para itong bata.

Nakatulala ito at hawak ang pisngi nito. "Is it true, you just've touched my cheeks?"

Natawa siya dito.

"Totoo nga ata ang himala." Sabi nito habang nakatingin sa kanya. "You're so beautiful when you're laughing. Ugh, lalo akong naiinlove sayo eh."

Napatigil siya sa pagtawa at tiningnan ito. "Cut it off. Oh goosebumps." Sabi ko at tila kinilabutan talaga.

"What I am saying is true. Why don't you believe me?" Sabi nito.

"Whatever." Sagot nalang niya.

Love? I just deleted that in my vocabulary.

------------

Bitter si SweetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon