Bitter si Sweet*
NINE
"Oh anak, andiyan kana pala." Sabi ni mom pagkakita niya sakin. "Umupo kana dito. Masarap ang hapunan natin, si Reiji ang nagluto."
"Why you're here?" Masungit kong tanong kay Reiji.
Si mom na ang sumagot. "We called him."
Tumingin ako kay mom. "How did you know his number?" Stalker ba 'tong nanay ko?
"Remember? His family and ours are good friends." Sagot ni mom.
Eh kung batukan ko kaya 'tong nanay ko. Alam ba niya na nilalagay niya ako sa isang awkward situation.
"Atsaka boyfriend mo naman siya diba?"
Naubo bigla si Reiji.
"At sinong nagsabi ng boyfriend ko ang lalaking yan?"
"Hindi ba?" Sabi no mom.
"Kumain na nga lang tayo." Sabi ko nalang para matapos na ang usapan.
Aakyat na sana ako pagkatapos kumain pero ang sabi ni mom ay asikasuhin ko daw muna si Reiji at wala naman daw akong pasok bukas.
Nasa verandah kami ni Reiji ngayon.
"Hindi ka pa ba aalis?" Tanong ko sa kanya.
"Gusto mo nako umalis?" Tanong din nito.
"Oo. Gustong gusto. Dun sa malayong malayo ka pumunta. Yung tipong di ko makikita yang pagmumukha mo." Sagot ko sa kanya. Alangan naman na makipagplastikan ako at sabihin kong 'ay sige, okay lang. Kung gusto mo dito kana matulog ehh.'
"Bakit ba galit na galit ka sakin?"
"Akala mo ba sayo lang ako galit. Sa inyong mga lalaki. Napakadali para sa inyo ang mang-iwan, mangloko at magpaasa." Sagot ko dito.
Dumaan ang mahabang katahimikan sa aming dalawa. Maya-maya lang ay nagpaalam na din siya sa wakas na aalis na siya. Ang saya-saya lang.
------------
Andito kami ngayon ni Kristhine sa Cafebare, ang usual na tambayan namin. Magsisine kami mamaya pero isasama daw niya yung kapatid niya.
"Himala ata at hindi ka busy ngayon." Sabi ko sa kanya.
"Tapos na yung thesis namin ehh. Ilang buwan nalang Girl, graduate nako." Pagmamalaki nito.
"Edi ikaw na." Sabi ko nalang.
"By the way Girl, mukhang blooming ka ata ngayon ah." Sabi nito.
"Duh. Lagi naman akong blooming eh." Sagot ko dito.
"May iba talaga sayo ehh. Parang ang ganda ng aura mo ngayon. Promise. Mukhang hindi ka galit sa mundo ngayon." Kung batuhin niya kaya ito ng tinidor.
"Tigilan mo nga ako." Sabay uminom ako ng kape.
"May nanliligaw ba sayo?"
Muntik ko nang maibuga yung iniinom ko.
"I knew it. Kaya pala blooming ka ha. I thought galit ka sa mga lalaki?"
"Oo nga. I hate them." Sagot ko.
"Then why did you allowed someone to court you? Its new huh."
"Ilang beses ko na nga binasted eh. Makulit parin. Hinayaan ko nalang." Maikling pagpapaliwanag ko dito.
"Baka naman kasi gusto mo na yung guy. Is he cute? Pakilala mo naman siya sakin minsan." Ay nako po. Ang lola ko, nabaliw na bigla.
"No, it can't be. Its impossible to like him. But, yes, he's cute." Sagot ko dito.
"Anong imposible dun? You know what girl? He's not the one that you should give a chance, its you, yourself that you should give a chance."
"Chance?" Naguguluhan na tanong ko.
"Chance na makaramdam ulit ng love."
Napailing agad siya. "No, its a nightmare if thats going to happen."
"I swear girl. That guy is going to melt you down." Sabi nito. "Oh andyan na pala yung kapatid ko."
Kinailangan ko pang lumingon sa likod dahil nakatalikod ang pwesto ko sa entrance ng cafe.
And its really shocked me to see someone who's very familiar to me this past few weeks. Kaya naman inalis ko na ang tingin ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Bitter si Sweet
Genç KurguSweet is not sweet as her name is. She's a girl who's bitter over her ex-boyfriend that cheated on her. But someone came along and tries his best to destroy the wall sweet made to protect her heart. Is he came along with a right equipment to destro...