TEN

23 1 0
                                    

Bitter si Sweet*

TEN

Tumayo si Kristhine para salubungin yung kapatid niya. Then they are here, standing infront of me.

"My Princess?"

Yes, you guessed it right. Si James.

"Anong sabi mo? My Princess? Siya yung nililigawan mo?" Sunod-sunod na tanong ni Kristhine na parang nagulat din.

"Magkapatid kayo?" Naglakas loob nako magtanong para maconfirm na.

"Yes." Sagot ni Kristhine.

Ang sakit sa ulo ng dalawang 'to. "So your last name is Lenton? Why didn't you tell me?" Tanong konkay Kristhine.

"You didn't ask me, by the way."

"Sumasakit ulo ko sa inyo." Nasabi ko nalang.

"Ate, why didn't you tell me that you're friends with her?" Parang bata na tanong ni James. Kahit kailan talaga pala, parang bata yan.

"Isa kapa ha, babatukan na kita. Eh hindi mo naman sinasabi sakin kung sino yang nililigawan mo. May pasecret-secret ka pang nalalaman diyan." Sabi ni Kristhine kay James.

Tumayo nako at akmang lalabas na nang pinigilan ako ni James. "Saan ka pupunta?" Tanong nito.

"Lalabas lang ako dahil ang ingay-ingay niyong dalawa. Yung brain cells ko nagkakaguli sa loob." Sagot ko dito.

"Edi lalabas nadin ako." Sabi nito.

"Wait for me." Sabi naman ni Kristhine.

Pumunta kami sa mall para manood ng sine ayon narin sa napagplanuhan. Napili namin na horror movie nalang ang panoorin, actually ako lang ang namili, sumangayon lang si James kaya wala nang nagawa pa si Kristhine. And currently, napapagitnaan ako ng magkapatid, pinagpilitan kasi ni James na ako ang makatabi niya. At parehas nakasubsob sa likod ko ang mga mukha ng magkapatid.

"Try niyo kaya manood. Para kayong mga sira diyan eh." Sabi ko sa kanila.

Walang duda, magkapatid nga sila, parehas matatakutin.

Natapos ang buong pelikula na ganoon ang pwesto ng dalawa, ako lang ata ang nanood eh.

Dumiretso kami sa Jollibee kasi favorite naming tatlo ang spaghetti nila. Naiwan kami ni Kristhine at umorder naman si James.

"Uyy ikaw ha. Kapatid ko pala yung sinasabi mo kanina ha. He's a good catch, he's almost perfect. There's nothing you should be worry about." Sabi ni Kristhine sakin.

"Wow ha. Seriously? Binubuil up mo ang kapatid mo? It means gusto mo'ko for him? Are you crazy? You know well how wicked I am. Then, you're pushing him to me."

May topak ata talaga tong babaeng to eh.

"You're right, I know you well thats why I like you for him." Sagot nito.

Napailing ako. "Girl, seriously speaking. Yes, he's a nice man, all girls would fall for him but not me there's no way that we will have that kind of relationship. And I think you know the reason why."

Nginitian lang niya ako.

Maya-maya din ay dumating na si James bitbit ang mga inorder niya.

"Bakit ang dami?" Tanong ko.

"Para sayo. Naisip ko kasi na baka gusto mo yang mga yan." Nilapag niya isa-isa yung mga akin daw. Gusto ba patabain nito?

"Eh yung akin? Nasaan?" Tanong ni Kristhine.

Inabot sa kanya ni James yung Jolly Spaghetti. "Yan lang sayo ate. Ang taba-taba mo na oh. Diet diet din pag may time."

"Wow. Thank you ha." Sarcastic na sabi ni Kristhine.

"Teka lang ha. Ang dami nitong sakin. Ano 'to ha? Gusto mo ba'kong tumaba? Sa ate mo nalang 'tong mga 'to." Galit kong sabi kay James. Siraulo din 'to ehh. Ang lakas mang-asar sa payatot niyang ate na mataba, tapos balak niya ipakain sakin lahat ng yun. Chickenjoy, french fries extra large, sunday, coke float, jolly hotdog, burger, peach mango pie, burger steak at spaghetti, yan lang naman ang inorder niya, ngayon, pano ko uubusin ang lahat nang yun?

"Love parin naman kita kahit tumaba ka ehh. Atsaka, mas okay nga yun eh, mawawalan ako ng kaagaw sayo. Samantalang si Ate, kailangan pa niya maghanap ng lovelife kaya kailangan sexy siya para naman
Makaattract siya ng guys diyan." Paliwanag niya.

Tumingin ako kay Kristhine. "Girl, ganito ba talaga ang kapatid mo or lahat ng lalaki? Katawan talaga ang habol nila sa mga babae?"

Tumawa lang si Kristhine.

"No, no. Hindi yun ang ibig kong sabihin." Sani ni James.

"Tama na. Kumain nalang tayo." Sabi ko para matapos na at makakain nako.

Bitter si SweetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon